[b]Chapter 08[/b]
“What do you mean?”
Ah..Shocks! bakit ko sinabi yun? Ano ng ginawa ko? Para talga ako sinapian. Waaaaa! God, baba ka muna pls. Help me.
“Ui Iss, nan dito ka lang pala?”
Muntik na ako mapatalon dun ah.
“ Tara na, nag start na ung klase natin, tutal nabigay mo naman na ata sakanya yung journal.”
“ah, oo. Cge Carl, mauna na kami”
Naku sana panaginip na lang yung nagyari kanina, bakit ko ginawa yun. Ahhh!
“But, Cristal?”
“Next time na lang tayo mag-usap.”
Pero sa totoo lang ayaw ko na talaga siyang kausapin, paano ko ipapaliwanag yung mga ngyari? Buong hapon ako nakatulala at iniisip kung ano ng sasabihin ko sakanya. Si Akie pa rin. Ang hirap naman ito oh. Katulad nga ng sinabi ko sa kanya, spesyal lang siya sa akin. Ayaw ko din siya mawala sa akin katulad ni Akie. Mahal niya ako, ayaw ko siyang saktan, at si Akie? Hindi niya ako mahal. Hindi man lang niya ako mapansin, kahit kausap niya si Krizha at nasa tabi lang nila ako, hindi niya man lang ako kamustahin. Baka nga talaga manhid lang ako, hindi ko na malayan na may nasasaktan na ako, pati sarili ko sinasasaktan ko na rin. Tapos na klase, uuwi na din kami, makakapag-isip ako ng mabuti sa bahay at makakapaghinga na din ako.
“Iss, ok ka lang?”
“okay lang ako.”
“bakit mo naman iyan natanong?”
“Ano ka ba? Tulala ka kaya kanina? Para kang tulog pero gising?”
“pwede ba naman yun?”
“oo , nagawa mo na nga? Ano problema mo?”
“wala, marami lang akong iniisip.”
“Katulad ng?”
Ayaw kong sabihin sa kanya, makakadagdag na naman ako sa mga iisipin niya, mabuti na lang na hindi ko na ibanggit ang mga ngyari kanina.
“Wala, never mind na lang.”
“Anjan na pala sundo ko, cge bye Krizha”
“Bye. lablots!”
Finally, im home.
“Ma, im home. Kumain na kayo?”
“hindi pa nak, sabay-sabay na tayo.”
“Cge po. Punta lang po ako sa taas.”
“Magbihis ka huh?”
“opo.”
I went to my room and humiga na lang basta. Nakatingin ako sa kisame, iniisip kung ano na kaya mangyayari sa akin. What if? Ituloy ko na lang, hindi naman siguro mahirap mahalin si Carl right? Then may nagvibrate sa bag ko. Its my cellphone.
*2 message receive*
Krizha
Uhhmm, Iss? Are you sure your okay? Im worried kasi eh. I know may something. Just tell me okay?
I reply to Krizha and said that, its okay. Ayaw ko na siyang istorbohin pa, baka mas marami pa siyang iniisip kaysa sa akin. Masyado na siyang busy sa school kaya ayaw ko na madagdagan pa iyon.
Tinignan ko yung isa pang message.
Carl
Cristal, ako ito si Carl? Okay ka lng? Napansin ko kasi nung paglabas niyo ng room niyo, parang madami kang iniisip. Huwag mo ng isipin yun nangyari, alam ko pagod ka lang kaya nagawa mo yun. Baka napressure ka masyado sa mga school works mo this year, kasi alam ko hindi ka masyado sanay jan. Sorry na din sa ginawa ko, baka sabihin mo ngtake-advantage ako sayo. Im so sorry talaga. Ingatan mo palagi sarili mo. ^.~
“Baka nga medyo napagod lang ako. Haha!”
->SEND
Ah?! Ang ikli naman. Tsaka parang lumalabas na wala akong pakialam sa nangyari. Aaah!
Erase. Erase. Erase.
Hmmm.. Bahala na nga.
*Ring. Ring. Ring*
Huh? Sino naman itoh?
“Telephone!”
“Ikaw na nak, may ginagawa ako! Pasagot mo nalang kay manang”
“Hindi ma, ako nalang!”
“Hello?”
“Issy! Hi!”
“Krizha, bakit ka tumawag?”
“Kinakamusta ka ni.. ah ako pala! Haha!”
“huh? Bakit parang ang saya mo?”
“Ha-ha-ha-ha!”
“hmmmm.. Alam ko yang tawang yan. Sabihin mo na kasi.”
“Si Akie kasi, -ouch-!”
“Bakit?”
“Ah wala. Yung pusa kasi nila Akie pumunta dito sa kwarto ko, tapus kinalmot ako. Tama ba yun?”
“Ah…….!”
“Haiys, mana sa amo. –Aw!”
“Ano, kinalmot ka na naman?”
“Oo eh, sige bye na nga. Haha! Bukas na lang tayo mag-usap. May itatapon pa kasi akong pusa.”
“Hahaha, sige. Bye!”
Sigh, Krizha talaga. May pagka-weird minsan.
*Tok.Tok.Tok*
“Issy, ginamit mo ba iPod ko?”
“Huh?”
Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan ko si ate ng pinto.
“Hindi ah, bakit nawawala?”
“Oo, kanina ko pa kasi hinahanap eh.”
“Ewan.”
Nung nakita ko si ate, naisip ko agad yung problem ko.
“Ah, ate. May sasabihin sana ako sayo.”
“Ano naman yun?”
Umupo kami sa kama ko at kinwento ko yung mga nangyari, tutal alam naman niya lahat na nangyayari sa buhay ko.
“Si Carl?” She asked me.
“U-huh.”
“Eh bakit mo naman kasi ginwa yun?”
“Eeeehh.. Yun na nga, ate naman eh.”
“Just kidding, yah I understand kung bakit mo yun ginawa.”
Sigh, that’s my ate.
“Naaawa ka sakanya?”
“Oo.”
“Sigurado ka ba na awa lang talaga iyan? Precisely, what did you feel when you kiss him?”
“When I kiss him? Uhmmm.”
The truth, parang nasa place ako na sobrang ganda, and I was flying. huh?
“You know sis, kung hanggang friend lang talaga ang turing mo sakanya you wouldn’t do that. And nafefeel ko sa ngayon, your not like my sister before.Yung teenager dati n sobrang kilig pag tinignan lang siya ng crush niya. Now, I think your falling.”
“Am I?”
Im so confused sa mga sinabi niya. Kanino naman? Si Carl ba? Pero si Akie.
“Yah, and the truth is. Lagi mo siyang iniiwasan na mangyari, pero deep inside alam mong iba na talaga nararamdaman mo sakanya. Kinokontrol ka lagi ng isip mo, akala mo iba ang mahal mo pero hindi.”
“I don’t understand. Si Akie ang gusto ko.”
“I know that. Pero subukan mong pakinggan ito.”
Hinawakan niya ang dibdib ko. Mahal ko nga ba siya? Hindi maaari iyon. Alam kong si Akie parin. Pero nasa isip ko pa rin yung nangyari kanina at lahat ng mga sinabi ni ate. Aaah..
“Kain na tayo, baba na kayo.”
Nkakagulat naman si mama. Hindi pa kumatok.
“Next time nalang kita kausapin huh.” Bulong sa akin ni ate.
“Busog pa ko ma, tsaka may pupuntahan kami ni Robert at yung barkada. Baka next week pa kami makakarating.”
“Saan na naman kayo pupunta? Kung saan saan na naman kayo niyan. Ang hirap ka na naman hagulapin niyan. Sus naman ang mga kabataan ngayon oh.”
“Ma, hindi na ako bata. 26 na ako. Kaya ko na sarili ko. Tsaka baka magiging business trip din namin ito.”
“Anong business-business trip yang pinagsasabi mo, baka naman monkey business trip lang iyan.”
“Ma naman.”
“Sinasabi ko sa iyo, Christine ah. Huwag ka nga sumama-sama diyan sa Robert na iyan.”
“Bakit ma? Boyfriend ko siya!”
“yun na nga-
Habang pababa sila ate, naririnig ko parin yung pag-aaway nila. Pilit kong iniisip lahat ng sinabi ni ate sa akin. Hindi talaga maaaring mangyari iyon. Friend lang talaga turing ko sakanya.
[i]“..kung hanggang friend lang talaga ang turing mo sakanya you wouldn’t do that.”[/i]
Waaaaa. Tama nga naman si ate. Bakit ko ba talaga ginawa iyon? Bakit? Bakit?
Sumigaw ako ng malakas na malakas na may takip na unan sa aking mukha. Ngunit narinig pa rin ito sa baba!
“Cristal, anak? Ano na ang nangyayari sa iyo? Bumababa ka na dito ang kumain na!”
“Opo ma!”
Pagkatapos ko kumain at naligo, sinabi ko na lang sa isip ko na itulog ko na lang ito. Pero ang problema hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang nangyari. At..
May nag-vibrate sa likuran ko.
*4 messages receive*
Puro lang naman GM. Pero meron message nanggaling kay Carl. Oh my! Oo nga, hindi ko siya nareplyan.
*Carl*
Tapos ka na kumain? Iniisip mo parin ba yun nangyari kanina sa may basement. Huwag mo ng isipin iyon. Matulog ka na! See you tomorrow.
Ito naman, parang walang nangyari. Aaaah. Nakakaasar talaga.
“Kakausapin na lang kita tomorrow, kung pwede? Cge gudnight!” i replied
11 na ako ng gabi natulog, inisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Haha, natatawa na lang ako sa sarili ko kasi wala naman ako sasabihin sa kanya bakit ko tinext iyon? Sigh, nababaliw na talaga ako. Ni hindi ko nga nagalaw yung project ko. Tinitigan ko nalang magdamag, pero nagawa ko naman yun nga lang parang dinaanan ng malakas na bagyo.
-----
Friday
Pagpasok na pagpasok ko sa school, nakita ko si Carl. Tutal 7:30 pa ang klase namin and dumating ako ng 6:52 in my digital clock, this is my chance para sabihin ang mga dapat kong sabihin.
Okay! This is it. Go Cristal kaya mo iyan!
Lumapit ako kay Carl habang nag-sisign siya sa Log Book.
“Hi, aga mo now huh?”
Wala na talaga ako masabi, eh matagal naman na siyang maaga pag pumapasok. Aaah. Badtrip.
“Uy, Cristal!”
Ito na. nagbuntong-hininga na lang ako para mawala itong kabang nararamdaman ko.
“Ahhm, pwede ba tayong mag-usap?”
“O sige, tinext ko naman sa iyo kagabi na pwede eh.”
“Ok, pero hindi ko yun nareceive. Nalobat kasi cp ko eh… tinamad na ako mag-charge”
“Ah, ganoon ba. Sige dito na lang tayo.”
Parang sasabog na talaga yung puso ko. Waaaaa.. parang ayaw ko ng ituloy ito. Pero heto na ako eh.
“Sa nangyari kahapon, hindi ko talaga akalain na ginawa ko sa iyo yun. Im so sorry talaga, sana mapatawad mo ako, ayaw kitang paasahin. Alam ko masakit itong sasabihin ko, pero sana maintindihan mo na sasabihin ko sa iyo ito para hindi ka na masyadong masaktan pa. Ayaw na ayaw kong makita yung mga taong malapit sa akin na nasasaktan. Pero ayaw ko din naman lokohin sarili ko, at tanggapin na lang ang mga nangyari.”
Hinawakan ko yung mga kamay niya at ramdam ko na may konting kaba din siya dahil napakalamig nito. This is it, kahit ako masakit ito pag ako ang pinagsabihan nito. Kung pwede lang pagkatpos nito, evrytime na makit ko siya, lagi ako magsosorry sakanya.
................................................................
“Im so sorry. Carl, I think [b]no one will ever catch you[/b].”