Pages: 123

  2008-08-02 16:36:25

frolickfriendster
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
310
0
1969-12-31

Re: [align=justify][b]Okay, i'll be the one to start the "discussion threads campaign". actually i already have this in my blog but i want more further discussions about this news i saw at the net. gonna

lol kung babasahin nga naman natin ang mga balitang tulad nito lalo na sa atin mga pinoy, shempre talagang taas-noo at masaya. oo nga naman filipino eh ituturo sa ibang bansa. matagal na po tinuturo ang filipino sa mga iilang paaralan dito sa america. yung tawag nila Filipino as a second language. pero ang tanong eh, na resolbahan na ba natin ang dakilang debate sa isyu ng tagalog kontra filipino or filipino kontra tagalog? ang alam ko, ito po ay isang mainit na debate ng mga filipino wikipedians sa english wikipedia. hangang ngayon, di pa rin alam kung ano nga ba talaga ang pinagkakaiba ng tagalog sa Filipino. ano na nga ba ang ginagawa ng komisyon ng gobierno sa wikang filipino? nangyayare na nga ba talaga ang tunay na layunin ng konstitusyon sa wikang pambansa, ang Filipino (na dati ay Pilipino)? at bakit tila iba na ang pilipino ngayon? dahil sa text at internet nag-iiba na ang mga salita at ang mga letrang gamit sa pagsulat ng mga salitang pilipino? kahit ako, i have this tendency to mix english and tagalog, na minsan nagiging taglish or englog lol, pero di ako dapat tumatawa. nakakahiya. nasan na ang tunay na kahulugan ng "filipino" o pilipino. oo ituturo ang filipino sa new zealand at siempre karangalan ito. pero gusto kong tanungin sa sarili ko, ginagamit ko ba talaga ang tunay kong wika? kung isusulat ko ba ang salitang "sya" tulad ng "xa" o di kaya ang "sige" tulad ng CGE, dapat ko bang ipagmamalaki na ituturo ang wika ko sa ibang bansa? hindi kaya ikakahiya ako ni jose rizal kung sya ay buhay pa? at eto pa, alam nyo ba ang tunay na kalagayan ng diskriminasyon ng mga kiwi at maori sa mga pinoy sa new zealand? tatangapin kaya ng mga new zealander ang wikang "pinoy"? yan ang hindi ko alam. sa pagkakaalam ko mas pinapahalagaan nila ang sarili nilang kultura at wika kesa ang mga imigranteng pinoy. ito po ay isang komentaryo lamang at wala akong pakialam kung ituturo man ang wikang "pinoy" sa ibang bansa. ang pakialam ko lamang ay ang kalidad ng pagtuturo ng sarili nating wika sa ating mga sariling paaralan at ang pag gamit at pagmamahal natin sa ating sariling wika.

Last edited by frolickfriendster (2008-08-02 16:39:19)

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 08:25

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy