Pages: 12344

  2008-08-10 23:37:19

lowell091876
» FTalker
FTalk Level: zero
238
0
1969-12-31

this thread is lovingly dedicated to our parents here in the philippines......... i like to post this article.....kc dati na rin me OFW.....alam ko na dto sa eptok..puro pa bata, ang ilan naman nsa a

this thread is lovingly dedicated to our parents here in the philippines......... i like to post this article.....kc dati na rin me OFW.....alam ko na dto sa eptok..puro pa bata, ang ilan naman nsa abroard na din, ang ilan may kamag-anak sa ibayong dagat....kaya...im just wanna share to dis article... hope you like it.........tagos sa puso ang article na ito! if u think this is non sence or may thread na ganito.. u have d'right to close dis thread......=) for poll.... please...choice two, 1 for mother and the other one for father the best tawag sa magulang edition...... [quote]Just want to share guys.... article from gmanews.tv pinoy abroad section... who's name was written below. I remember my parents suddenly and gives us facts about life... hayyyy! Alay kina Nanay at Tatay 08/06/2008 | 04:34 PM Exactly. Ang artikulong ito ay alay sa lahat ng mga magulang sa mundo - Nanay, Mama, Mommy, Ermat, Mader, Inang at kay Tatay, Papa, Daddy, Erpat, Amang, Father - anuman ang itinatawag o itumbas sa magulang mong gintong hiyas. Kung may unang tao na nagiging proud sa atin, ‘yan ang ating mga MAHAL na MAGULANG. Buong-pusong ipinagmamalaki ang mga anak na katangi-tangi at ipagsisigawan na, “Mga kapit-bahay! ang anak ko nasa abroad OFW! sumusuweldo ng dolyar!; Ang anak ko! college graduate na! honor student ‘yan!, professional na!; Ang anak ko nakapag-asawa ng mayaman!, may sarili ng bahay at lupa!;" At kung anu-ano pang buong pagmamalaki para lang makaani ng papuri. Why not think the other way around sa nakikita nating kagagawan ng ilan na dapat din kayang sabihin ng iyong magulang kapag nalaman nila ang katotohanan? Just like, “Hey, ang anak ko kabit ng Turkyano, ang guwapo!; Ang anak ko, ang galing manlalaki o mambabae, grabe!; Mga kapit-bahay ang anak ko ang husay mag-sponja; Ang anak kong nasa abroad hanggang ngayon wala pang pondar; Ang anak ko sa Israel, sinasampal at binabatukan lang n’ya ang amo niya!(toink);" Hindi kaya aatakihin sa puso ang magulang mo kapag nalaman nila ang totoo? Wala lang kung may tagumpay kasi tayong nakakamtan unang nagbubunyi ang ating mga magulang. Halos ipagkakalat sa buong baryo na kesyo ika’y ganito at ganyan. At kahit nabigyan mo sila ng sakit ng ulo o kahihiyan, asahan mong hindi ka nila iiwanan. Ganyan ang isang magulang. Aakuin pati ang lahat ng nagawa mong kahihiyan at aakayin kang iahon sa kahit anong balagan na iyong kinasadlakan. Sabi nga nila, walang MAGULANG na titikis sa kanyang anak. Ngunit, may ANAK din kaya na kayang tikisin ang kanyang magulang? Ngayong nandito na ang anak na giliw sa ibang bansa, syempre, tumaas din ang uri at kalidad ng kanilang panlasa. Kung ang nanay at tatay ay nagsusuot lamang noon ng karsursilyong yari sa supot ng arina, ngayon-pang-world class na! Huwag ka, underwear lang, naka-Jockey, Golf, o Castro, Gap na ang ibig nila! Nagpa-panty liner pa daw sila ngayon, bemet! Minsan T-back pa ang request nilang padala. Susmaryosep! Pati ang bakya pinalitan na at gusto na nila ang boots at Italian shoes. Para kapag may sayawan sa baryo, namumukod tangi ang beauty nila! Kahit ano na request nila, sige ang padala dahil mahirap silang biguin lalo na’t nagme-menopause na sila. (Marahil, pati mommy ko gusto din niyang magpadala ng kahit ano, nahihiya lang siguro). Kaya tuwing tinatanong ko siya kung ano gusto nya, ang sagot nya, “Bahala ka na anak, any amount will do." Aba, cash pala ang nais nila kaya may konting projeksyon at paiyak-iyak ang drama nila…"Anak, hu hu hu may sakit ako, anak matanda na ako," ang highlight na dayalog. Syempre worried ang anak kaya padala agad. Nalaman ko na lamang sa kapatid ko, masakit lang pala NGIPIN niya (naisahan ako). Okay lang, kahit magkano pa ‘yan malakas pa naman ang anak na maghugas ng puwet ng amo. Ang hirap talagang malayo sa magulang lalo na’t medyo may edad na rin silang ating iniwanan at nagtataglay na ng karamdaman. May kababayan din na habang nandito, makakabalita na lamang na pumanaw na pala ang magulang nito - ito ang pinamakasaklap sa buhay ng isang OFW. Syempre, magulang mo ‘yun, alangan naman na hindi ka uuwi? Kahit makapangutang ng ilang libong dolyar, masilayan man lamang ang huling sandali ng kanilang buhay. Sana, wala ng magulang ang papanaw habang kinakamtan ng anak ang pangarap na mag-aahon sa kanilang paghihirap. Narito ang isang liham, alay kina Nanay at Tatay na nasa bansang sinilangan. Batid kong ito rin ang nilalaman ng puso ng bawat OFW na nandito sa Holy land, alay sa lahat ng mga mahal na magulang: (Itutuloy) Yoseff E. Siador Jerusalem, Israel[/quote]

Last edited by lowell091876 (2008-08-20 03:41:49)

Pages: 12344

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 00:29

[ 12 queries - 0.022 second ]
Privacy Policy