this thread is lovingly dedicated to our parents here in the philippines.........
i like to post this article.....kc dati na rin me OFW.....alam ko na dto sa
eptok..puro pa bata, ang ilan naman nsa abroard na din, ang ilan may
kamag-anak sa ibayong dagat....kaya...im just wanna share to dis article...
hope you like it.........tagos sa puso ang article na ito!
if u think this is non sence or may thread na ganito..
u have d'right to close dis thread......

for poll.... please...choice two, 1 for mother and the other one for father
the best tawag sa magulang edition......
[quote]Just want to share guys.... article from gmanews.tv
pinoy abroad section... who's name was written below.
I remember my parents suddenly and gives us facts
about life... hayyyy!
Alay kina Nanay at Tatay
08/06/2008 | 04:34 PM
Exactly. Ang artikulong ito ay alay sa lahat ng mga
magulang sa mundo - Nanay, Mama, Mommy, Ermat, Mader,
Inang at kay Tatay, Papa, Daddy, Erpat, Amang, Father
- anuman ang itinatawag o itumbas sa magulang mong
gintong hiyas.
Kung may unang tao na nagiging proud sa atin, ‘yan ang
ating mga MAHAL na MAGULANG. Buong-pusong
ipinagmamalaki ang mga anak na katangi-tangi at
ipagsisigawan na, “Mga kapit-bahay! ang anak ko nasa
abroad OFW! sumusuweldo ng dolyar!; Ang anak
ko!
college graduate na! honor student ‘yan!, professional
na!; Ang anak ko nakapag-asawa ng mayaman!, may sarili
ng bahay at lupa!;" At kung anu-ano pang buong
pagmamalaki para lang makaani ng papuri.
Why not think the other way around sa nakikita nating
kagagawan ng ilan na dapat din kayang sabihin ng iyong
magulang kapag nalaman nila ang katotohanan? Just
like, “Hey, ang anak ko kabit ng Turkyano, ang
guwapo!; Ang anak ko, ang galing manlalaki o mambabae,
grabe!; Mga kapit-bahay ang anak ko ang husay
mag-sponja; Ang anak kong nasa abroad hanggang ngayon
wala pang pondar; Ang anak ko sa Israel, sinasampal at
binabatukan lang n’ya ang amo niya!(toink);" Hindi
kaya aatakihin sa puso ang magulang mo kapag nalaman
nila ang totoo?
Wala lang kung may tagumpay kasi tayong nakakamtan
unang nagbubunyi ang ating mga magulang. Halos
ipagkakalat sa buong baryo na kesyo ika’y ganito
at
ganyan. At kahit nabigyan mo sila ng sakit ng ulo o
kahihiyan, asahan mong hindi ka nila iiwanan. Ganyan
ang isang magulang. Aakuin pati ang lahat ng nagawa
mong kahihiyan at aakayin kang iahon sa kahit anong
balagan na iyong kinasadlakan. Sabi nga nila, walang
MAGULANG na titikis sa kanyang anak. Ngunit, may ANAK
din kaya na kayang tikisin ang kanyang magulang?
Ngayong nandito na ang anak na giliw sa ibang bansa,
syempre, tumaas din ang uri at kalidad ng kanilang
panlasa. Kung ang nanay at tatay ay nagsusuot lamang
noon ng karsursilyong yari sa supot ng arina,
ngayon-pang-world class na! Huwag ka, underwear lang,
naka-Jockey, Golf, o Castro, Gap na ang ibig nila!
Nagpa-panty liner pa daw sila ngayon, bemet! Minsan
T-back pa ang request nilang padala. Susmaryosep! Pati
ang bakya pinalitan na at gusto na nila ang boots at
Italian shoes. Para kapag may sayawan sa baryo,
namumukod tangi ang
beauty nila! Kahit ano na request
nila, sige ang padala dahil mahirap silang biguin lalo
na’t nagme-menopause na sila. (Marahil, pati mommy ko
gusto din niyang magpadala ng kahit ano, nahihiya lang
siguro).
Kaya tuwing tinatanong ko siya kung ano gusto nya, ang
sagot nya, “Bahala ka na anak, any amount will do."
Aba, cash pala ang nais nila kaya may konting
projeksyon at paiyak-iyak ang drama nila…"Anak, hu hu
hu may sakit ako, anak matanda na ako," ang highlight
na dayalog. Syempre worried ang anak kaya padala agad.
Nalaman ko na lamang sa kapatid ko, masakit lang pala
NGIPIN niya (naisahan ako). Okay lang, kahit magkano
pa ‘yan malakas pa naman ang anak na maghugas ng puwet
ng amo.
Ang hirap talagang malayo sa magulang lalo na’t medyo
may edad na rin silang ating iniwanan at nagtataglay
na ng karamdaman. May kababayan din na habang nandito,
makakabalita na lamang na pumanaw na
pala ang magulang
nito - ito ang pinamakasaklap sa buhay ng isang OFW.
Syempre, magulang mo ‘yun, alangan naman na hindi ka
uuwi? Kahit makapangutang ng ilang libong dolyar,
masilayan man lamang ang huling sandali ng kanilang
buhay.
Sana, wala ng magulang ang papanaw habang kinakamtan
ng anak ang pangarap na mag-aahon sa kanilang
paghihirap. Narito ang isang liham, alay kina Nanay at
Tatay na nasa bansang sinilangan. Batid kong ito rin
ang nilalaman ng puso ng bawat OFW na nandito sa Holy
land, alay sa lahat ng mga mahal na magulang:
(Itutuloy)
Yoseff E. Siador
Jerusalem, Israel[/quote]
Last edited by lowell091876 (2008-08-20 03:41:49)