Pages: 123

  2008-08-11 05:44:33

jykaaa
» FTalker
FTalk Level: zero
155
0
1969-12-31

Re: INTRODUCTION Hey guys. Do you believe in fate? I suggest wag na.. Hahahaha. Ako, I once believed na totoo ang FATE. Pero after what happened.. I'm never gonna believe in fate again. You wanna know w

:arrow: Eto na update. :D CHAPTER 5 [spoiler]KILIG! So ayun, sumakay na kami sa car niya. Super nakakakilig pa din kahit di kami nag-uusap. Kasi naman yung tugtog.. "I won't hesitate, no more, no more.. It cannot wait, I'm sure.. There's no need to complicate, our time is short.. [b]THIS IS OUR FATE.. I'M YOURS[/b].." Kaya naman ako kinikilig eh kasi parang fate naman talaga.. Di ba? Look, nasagi ko Coke niya, nawala palm pilot ko and sya nakapulot, nagkaron ng practice si Eiron kaya walang maghahatid sakin, tapos mgkalapit lang yung villages na tinitirhan namin.. [i]Maybe this is what you call fate.[/i] Naku naman. Kung anu-ano na naiisip ko dahil sa kumag (pero gwapo) na to. Maya-maya, nakarating rin kami sa Royale Homes. "Where to go?" Tanong niya sakin. "Sa Sapphire st. #63." Ang kulit ng reaction niya.. Di ko maexplain. "W-what? You live there?" Then tinabi niya muna yung car and faced me. Natawa ako. Ang weird naman ng question nito. "Yes, why? Anything wrong with that?" "Wala naman.. It's just that.. Ugh. Is Claudia Rivera your mom?" Now, it's my turn to be surprised. Paano naman niya nalaman ang pangalan ng nanay ko? Ang gulo ng buhay, talaga naman. "Yeah. How come you know her name?" "Uhh.. Well, she happens to be my godmom. Ang galing naman, ikaw pala yung kinakapatid ko na kinekwento ni Mommy. Baliw talaga ko. Hindi ko napansin na Rivera nga pala surname mo no? I didn't think you were connected to my Ninang, kasi marami namang Rivera sa world. Hehe. It's my pleasure to finally meet you." Ha?! Anu daw?? Kinakapatid ko siya?! "Uhm, what's your surname anyway?" Tanong ko. [i]Baka siya si Dev.. [/i] "Elizalde. Lucas Devon Elizalde. Ngayon ko lang pala nasabi sa'yo complete name ko." Oh my.. Siya nga! The only son of Tita Ynez. Super fate na talaga 'to! Naweweirduhan ba kayo bakit di kami magkakilala? Eh kasi naman, sa States sila naka-base. Kaya hindi ko siya kilala kasi everytime na umuuwi sila Tita Ynez dito for a visit, lagi naman siyang hindi sumasama and also I didn't bother to look at their pictures anyway. I was always busy doing my stuffs. And yeah, ang alam ko rin kasing name niya eh, Devon or Dev. Kaya yun. "Hala, ikaw pala yon.. Hehe! Ang weird naman.. Magkinakapatid tayo pero ngayon lang tayo nagkakilala. It's my pleasure to finally meet you too." Ang weird talaga! Nagshake hands pa kami.. Tapos nagtawanan. "This is really weird." Sabi niya. "Way too weird.. Haha. Tara na, para ma-meet mo na rin si Mom. I'm sure you wanna see her. Matagal na rin kayong hindi nagkikita." "Yeah. Dapat talaga pupunta kami ng family ko this Saturday to meet everyone and Mom will discuss some matters daw with Ninang Clau. Kaso mukhang mapapaaga ang pagkikita namin ni Ninang. :)" Smile na naman.. Siguro kung nakakamatay yung smile niya, kanina pa ko duguan. "I'm sure Mom will be very happy to meet you again. So, tara na." Ayun na nga, dumiretso na kami sa bahay.. Pagpasok namin, sinalubong kami ni Mom.. "Hi sweetie! How was your day? Oh, your with someone?" Nanlaki mga mata ni Mommy. Gulat na gulat pagkatingin niya sa kasama ko. "Oh my! Devon? My ever handsome godson? Ikaw ba yan?!" Ang kulit talaga ng nanay ko. "Mom, ang OA mo ha. Yes, si Dev nga yan." "Anak naman, I'm just so surprised to see him.. Tapos he's with you pa." Halata naman eh. Nanlaki pa talaga mga mata niya. Haha. "Hello, Ninang." Lucas said and kissed my mom on the cheeks. "Grabe, ang laki-laki mo na, and ang gwapo-gwapo pa. Sabi na nga ba't hindi ako nagkamali,bagay kayo ni Kayce. =D" Sabi ng nanay ko sabay ngisi sakin. Nagkatinginan kami ni Lucas. Una akong nagbawi ng tingin kasi I knew my face has already turned red. "Ninang naman.." "Mom naman.." Sabay pa naming sabi. Tumingin ako kay Mom and gave her a warning look. Tumawa lang siya. "C'mon kids, let's talk inside.." Tapos yun nga, pumasok na kami. We talked about things like how Lucas and I met, their stay in states, kung kumusta na ang mga parents niya, and kung bakit hinatid niya ko. Ayun nga, sinabi ko na nagkaron ng errand yung dapat maghahatid sakin (Eiron. Okay lang kay Mom yung ganun.) so Lucas volunteered to give me a ride home. "Talaga? That's nice. Hijo, if you don't mind, pwede bang ikaw na lang ang maghatid-sundo kay Kayce? Ang kulit kasi ng batang yan at gusto na magcommute lang kaya naman nagwoworry ako lagi. At least, if ikaw ang kasama niya pagpasok at pag-uwi, I'll be very relaxed." Waah. Nakakahiya talaga nanay ko! "Sure Ninang, iyon na nga rin ang plano ko. The thing is, kung papayag si Ree." Then they both looked at me, waiting for my answer. "Sweetie, please pumayag ka na para hindi na ako natataranta everytime na ginagabi ka." Wala na nga akong ibang nagawa kundi pumayag.. "Okay. Payag na ko." Nahihiya talaga ko kay Lucas but the thought na I'll be with him almost everyday seemed very exciting. [i]Hmm.. Ang saya naman nun.[/i] :D[/spoiler]

Last edited by jykaaa (2008-08-13 07:52:23)

Pages: 123

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 22:17

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy