Pages: 123

  2008-08-25 00:58:27

jykaaa
» FTalker
FTalk Level: zero
155
0
1969-12-31

Re: INTRODUCTION Hey guys. Do you believe in fate? I suggest wag na.. Hahahaha. Ako, I once believed na totoo ang FATE. Pero after what happened.. I'm never gonna believe in fate again. You wanna know w

[spoiler]CHAPTER 7 "Hello labs.." OMG. Si Papa Eiron ko. Nyehehe. Oo, akin siya. Angal ka? "Hi.. Hmm.. Napatawag ka?" "Wala lang.. Di kasi ako makatulog eh.." "Ahh.. Ganun ba? Hehe.. Late na kaya.." "Oo nga. Ay, may sasabihin nga pala ako kaya ko tumawag." "Ano yon?" Hmm. Nu naman kaya sasabihin nito? "Ano kasi.. Uhm.. It's my birthday on saturday, I would like to ask you out tomorrow night for a date. Sige na please, birthday gift mo na sa kin." Wow. A date? Hmm.. "I'm not sure. Where will we go?" "Akong bahala, sige na.. Half day naman bukas di ba? Alis tayo ng 3:30 so we'll be back by 7pm. Is that cool with you?" Saan kaya ako dadalhin ng mokong na 'to? Sige na nga. "Okay. Payag na ko." "Thank you so much! I'll see you tomorrow, labs! Labyu! Haha! Good night na, dream of me." Loko talaga. Ay naku. [i]Lagi naman kita napapanaginipan e. Haha.[/i] "Che! Haha. Sige, see ya. 'Night." Shocks! Excited na ko!! [b]Friday[/b] *bell* This is it! "Girl, alam mo na ba isusuot mo?" Si Eiah na makulit. Kahit kelan kikay talaga. "Hindi pa, I'll wear something casual na lang since hindi naman yata formal place ang pupuntahan namin. Wala naman syang sinabi e." "Grabe, kinikilig talaga ko! Dati, parang di ka nag-eexist, ngayon.. Tsk!" "Ganun talaga pag maganda. Wag ka ng umangal!" Bwahaha. "No comment. Tara uwi na tayo! Para makapag beauty rest ka pa." "Oo nga naman. Tara." Ay hala. Si Luke pala no? "Teka, si Luke, baka hanapin ako eh." "Huh?" Clueless ang bruha. Haha. "Ay, basta long story. Tsaka ko na kekwento sayo." So ayun, nauna na si Eiah pauwi. Hinintay ko muna si Luke. Saglit lang din naman, lumitaw na sya. "Hey! Let's go?" Yaya ni Luke. "Tara. :)" "Uhm.. Wait. Uwi na tayo agad? Daan muna tayo sa mall. :D" "Huh? Ay, sorry. Hindi pwede eh. May lakad ako mamaya. Sorry talaga. Next time na lang." [i]Uy, ang sakit sa heart non.[/i] Eh ano magagawa ko? May date pa kami ni labs e. Waw, labs talaga. Hahaha. "Aww. Ganun ba? Well, sige hatid na kita. :)" "Okay." There is something in his eyes. Parang.. Alam mo yun, na-disappoint? Hay. When I got home, kinausap ko muna si Mom. "My, may date po ako mamaya. :D" Since I have a cool mom.. "Okay anak, basta wag masyadong magpagabi, okay? Teka, who's your date ba?" Sabi sainyo, cool ang mommy ko eh. "Eiron Marquez, Ma. Yung star player ng SBC sa bball." "Ow? Yung gwapo? Naks, haba ng hair mo nak." Si Mommy talaga, adik! Haha. "Ay naku Ma, syempre mana sayo :eh:" After noon, dumiretso na ko sa kwarto ko. Namili ng damit, at nagpahinga. After resting, nag-ayos na ko. [b]3:00 pm[/b] "Kayciree!" Tinatawag na ko ni Mommy. Andun na siguro labs ko. Ang aga naman. "Kayce, nandito na yung date mo. Hurry up." Nasa labas na pala sya ng room ko. I opened the door. "Wow, ang ganda ganda mo nak! Manang-mana ka nga sa 'kin." "Oo na Ma. Is Eiron there already?" Kulit ng nanay ko 'no? "Yes, he's downstairs. Bilis na." Pagbaba namin, nandoon na nga. WTH, ang gwapo talaga! Nakakainis. Haha. "So.. Let's go?" Yaya ko sa kanya. Hala, nakatitig lang sya oh. May dumi ba ko sa mukha? "Huy! Okay ka lang?" "Ah, eh.. Kasi naman, ang ganda mo. :p" Uy. Kilig lola nyo o! "Haha. Matagal na, since birth kaya. :lol: So where are we going?" "Hmm. It's a surprise.. :D" Nge, san kaya ako dadalhin ng taong to? :/[/spoiler] Yan na muna guys. :lol: Hirap kasi siningit ko lang to and the previous chapter.. Pero yung 9-13 tapos na. Haha. Labo ko. Anyway, sorry hindi msyadong exciting.

Last edited by jykaaa (2008-08-25 01:02:14)

Pages: 123

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 22:18

[ 12 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy