Pages: 123

  2008-08-27 07:35:06

asukal_rienee
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1058
0
1969-12-31

This is my 2nd story here! Well, sad to say yung 1st story ko eh na delete... pinadelete ko! Di kasi siya well-planned! This time, i'm not saying it's totally planned pero... mas maganda toh kesa sa u

@GND ahihi, tlga? ah cge, 2loi ko na, tapus na naman, copy-paste na lang! :eh: :lol: @GossipGirl haha.. talaga? nice? salamat :D sana nga may mga magbasa pa! :crybaby::crybaby::crybaby: [align=center][b][color=red]Start of Chappie 4[/color] ==================================================[/b][/align] Tagpuan: Simbahan/ tapat ng simbahan Napagalitan ni Kathe si Chat nang araw na iyon. Dahil dun, nakaramdam ng pagkabigo si Jared at napaisip na hindi talaga siya kayang mahalin ni Kathe. Pero di pa rin nawawala ang paghangad niya sa kamay ng dalaga. Lumaon din ang mga araw at tila nakaligtaan na ni Kathe ang araw ng pagpapagalit niya kay Chat, at di nagtagal nasanay na rin siya na ituring silang dalawa ni Chat na magulang niya. Dahil doon lalong lumakas ang loob ni Jared. Araw yun ng Linggo at sabay nagsimba sina Jared at Kathe, kasama din nila ang mga magulang ni Jared na sina Mommy Jarie at Daddy Edmond. Pagkatapos ng misa kinausap ni Jared si Kathe. Jared: Kathe, may sasabihin ako sa’yo… Kathe: A… ano yun?! Jared: Malaki na pinagbago mo buhat nang makilala kita. Noong una nahihirapan akong pakisamahan ka pero nakita ko rin ang bait mo… ewan ko ba pero, proud ako sa sarili ko kasi, napagbago kita. Kathe, pwede ba ako kumuha ng last chance mula sa iyo? Gusto ko sana ng mas mlalim na relasyon sa iyo. Kathe: Ano?! Paano kung saktan kita? Jared: Sagutin mo muna tanong ko, kung akala mo mabilis ako masyado… para sa akin matagal na kitang nililigawan, at mas lalong lumakas ang loob ko nung dumating si Chat, siya naging daan para sabihin ko sa’yo ito? Bibiguin mo ba ako? Kathe: Napansin ko rin eh, na bumait na ako… hehe… dahil sa’yo. Kinausap ako ng mommy ko at kinausap ko rin siya. Kasi parang nahuhulog na ako sa’yo noon pa, thankful ako kasi When I Met You… naisip ko na may buhay pa ako na binigay ng Diyos para di ko sayangin sa pagmumukmok. Dapat pa ako magmahal… Jared: Ano… ibig mo sabihin?! Kathe: Tinatanggap ko last chance na hinihingi mo! Jared: (napasigaw) Yes! Kathe: hoy! Nasa simbahan tayo noh! Jared: Kaya mahal na mahal ko si Lord eh! Kathe: Arte moh! Maayos ang naging takbo ng relasyon nina Kathe at Jared, tanggap nila bawat pagkakamali. Hindi sila nag-aaway at hindi rin naman madalas ang mga tampuhan nila. Kasalungat ng saya ay lungkot at sakuna, hindi ito maiiwasan lalo na sa isang relasyon, at madalas kung alin pang relasyon ang walang bahid ng kataksilan ay siya rin namang maglalaho ng parang bula at ang mga sintomas ng sakit sa relasyon nina Jared at Kathe ay dumarating na. [align=center][b] ================================================== [color=red]End of Chappie 4[/color][/b][/align]

Last edited by asukal_rienee (2008-08-27 07:38:56)

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 21:37

[ 12 queries - 0.008 second ]
Privacy Policy