niaha.. mejo di kapanipaniawala 2!!! guyzzzz!!!

ayy! ito na po!

[align=center][b][color=red]Start of Chappie 9[/color]
==================================================[/b][/align]
Jarie: Diyos ko, may tao dito! Sino ba ‘to?
Edmond: Si... si Kathe iyan eh!
Jarie: Si Kathe?! (nagtaka) buhay pa ba siya? (kinabig si Kathe) Kathe... gumising ka...
Kathe: (nagising) Jared?!(naghikab)...
Jarie: Kathe!
Kathe: (nagulat) mommy Jarie! Mommy jarie! (naiyak at napayakap kay Jarie)
Edmond: Ano ginagawa mo dito?!
Kathe: Kanina ko pa po kayo hinihintay, ayaw ako papasukin nung babae diyan, ex daw ni Jared! Gusto ko makita si Jared... kung kamusta na siya?! Ano po ba nangyari sa kanya huh!?
Jarie: Kathe...(buntong hininga) sasabihin ko na sa ang totoo huh, kasi... ayaw ka na makita ni Jared. Pero wag ka muna mag-isip ng masama. Ayaw ka niyang makita kasi... ayaw niyang makita mo siyang ganoon ang kondisyon!
Kathe: Wala po akong pakialam sa kung ano ang itsura niya, ang mahalaga makita ko ang kalagayan niya! Nakikiusap po ako! Gusto ko siyang makita!
Edmond: Sige, kung iyan talaga ang gusto mo...
Pagpasok ng bahay nina Kathe nakasalubong nila doon si Celine... kaya sinugod agad ni Celine si Kathe.
Celine: Ano ginagawa mo dito? Diba, sinabi nang ayaw ka niyang makita?!
Melissa- Gosh Ha... Over na yan!
Nakayuko lang si Kathe... at parang wala ang dating katapangan...
Edmond: Celine... Melissa, kami ang nagpapasok sa kanya dito,
Celine: Tito, ayaw di ba ni...
Jarie: Celine, wag mo pakialaman mga desisyon namin!
Melissa: Hay naku Celine, wag mo na sila pansinin!
Pagpasok nina Kathe sa kwarto ni Jared, nakita niya ang kalagayan nito. Putlang putla at nangangayayat si Jared, nakasuwero ito at natutulog.
Kathe: Pwede ko po ba siya gisingin?
Celine: Nakita mong natutulog eh…
Jarie: Sige iha, gisingin mo siya,
Kathe: (hinimas ang ulo ni Jared, umiyak) Jared... gumising ka please, haa... Jared.
Jared: (nagising) Ka...Ka... Kathe? A... anong ginagawa mo... dito?
Kathe: Jared, anong nangyari sa’yo? Bakit nagkakaganito ka?
Jared: Ka...kakaisip sa’yo...
Kathe: Wag ka namang ganyan! Bakit kasi iniisip mo pa ako? Jared… mahal na mahal din kita!
Jared: (napaluha) Kathe, gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang makasama ka…
Kathe: (niyakap si Jared) Ako din, Jared… babantayan kita ha,
Jared: Ba…babasta… wag ka nang iiyak! A.. ay..ayoko nang, na, nang umiiyak ka…
Kathe: (umiyak lalo) Ssssh, ‘wag ka na ngang magsalita…
Ilang araw din ang pagbabantay ni Kathe, hindi niya ito iniiwan, aalis lang siya kapag maliligo. Sa kuwarto din siya ni Jared natutulog at kumakain. Hanggang isang gabi…
Jared: Ma… (umuubo) mommy!
Kathe: (nagising) Ja… Jared?! (napasigaw at natataranta) Jared! Anong… bakit, ano nangyari sa’yo? Bakit ka nahulog diyan? (nasa sofa)
Jared: Kathe, mamamatay na yata ako, di ako makahinga eh! Gusto kitang yakapin eh!
Kathe: Jared naman eh, wag ka nga magbiro ng ganyan… (umingit) Jared, gusto mo bang dalhin ka na sa ospital?
Jared: Ayoko, baka ka pa…
Kathe: Mommy, (lumabas) dalhin na po kaya natin si Jared sa ospital?
Jarie: Huh?! Bakit ano ba ang nangyari?
Kathe: Sa tingin ko po kasi, mas ligtas siya dun... Malala na po siya!
Jared: (hinihingal) Kathe... mommy, hindi ako makahinga!
Jarie: Jared... sige na nga! Naku! Tatawagin ko lang daddy mo! (taranta)
Tagpuan: Ospital
Hindi na nga sila nagdalawang isip pa. At hindi na rin naman sila talagang magdadalawang isip kung si Jared ay hinihingal at di makahinga. Pagdating sa ospital, inasahan na rin nila dadalhin agad sa I.C.U. si Jared. Kinausap na rin nila ang doctor.
Edmond: Doc, ano na po ba kalagayan ng anak ko? Bakit po hirap na siyang huminga?
Doctor: Sir, ikinalulungkot ko pong sabihin pero... isa na lang po ang pag-asa ng anak ninyo na mabuhay.
Edmond: Ano po iyon? Kahit ano gagawin namin!
Doctor: Mahihirapan po kayo. Kailangan ninyo ng heart donor.
Jarie: Heart Donor? Bakit naman... wala na bang iba? (umiyak)
Doctor: Sorry...
Hindi sila makapaniwala lahat... lalong lalo na si Kathe. Kung anu-anong paraan ang pumapasok sa utak niya. Nang naitanong niya kina mommy Jarie kung bakit nangyari iyon kay Jared.
Jarie: May...may sakit kasi siya sa puso eh, tapos... masigla naman siya kaso nung nkipag break ka sa kanya... kung anu-ano ginagawa niya. Umiinom siya, naninigarilyo kahit hindi niya naman alam pa kung paano yun! Tapos araw-araw, maya-maya siya umiiyak, laging puyat at hindi kumakain, hindi ka pa nagpapakita, kaya lalo siyang nag-alala. Hanggang sa maospital na siya.
Kathe: Tita, may naisip na po akong paraan. Nakokonsensya po kasi ako kung hindi po ako ang gagawa ng paraan, kung hindi naman ako nagpakababaw at hindi siya hiniwalayan, hindi siya magkakaganyan eh.
Pagkasabi ng paraan na sinasabi ni Kathe, hindi maipipinta ang muka nina Mr. at Mrs. De Guzman, animo natuklaw sila ng ahas. Habang si Kathe naman ay ngumingiti na. pinuntahan saglit ni Kathe ang I.C.U. kung saan naroroon si Jared.
Kathe: Jared, ang swerte mo! May... may donor ka na (umiyak, niyakap si Jared) Jared, mahal na mahal kita, hindi ko kayang mawala ka dito sa mundo. Gusto ko kung mamamatay ka... yung nagawa mo na ang mga gusto mong gawin.
Umuwi panandalian si Kathe sa bahay nila at dinala ang mabuting balita sa mommy niya na nakita na niya si Jared. Ngunit napawi lahat ng saya na iyon nang sabihin ni Kathe ang paraan para mabuhay lang si Jared. Sa una, hindi ito matanggap ni mommy Thea ngunit kailangan.
Kinabukasan ay ang araw ng pag-oopera kay Jared. Tuwang-tuwa si Jared sa narinig na balita at itinanong kung sino ang donor.
Jared: Sino naman pong mabait na donor ang nagbigay sa akin?
Jarie: Basta, di mo na kailangang makilala
Jared: Kung sabagay, sa wakas magkakasama na kami ni Kathe... (panandaliang napaisip) Teka, nasaan si Kathe? Pupunta ba siya sa pagoopera sa akin?
Edmond: Ah, wala siya ngayon, may inaasikaso siya eh!
Celine: Nandito naman ako Jared.
Jared: Ikaw?! Ang lungkot naman, pero ok lang magkikita pa naman kami.
Ilang oras din nangyari ang operasyon at nakatulog si Jared, ilang araw walang malay si Jared hanggang isang araw ay nagkaroon na ito ng ulirat! Unang sumambit sa bibig niya ay ang pangalan ni Kathe. Ang nandoon lang ay si mommy Jarie at daddy Edmond.
[align=center][b]
==================================================
[color=red]End of Chappie 9[/color][/b][/align]