Pages: 123

  2008-10-31 08:56:21

asukal_rienee
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1058
0
1969-12-31

Re: This is my 2nd story here! Well, sad to say yung 1st story ko eh na delete... pinadelete ko! Di kasi siya well-planned! This time, i'm not saying it's totally planned pero... mas maganda toh kesa sa u

^thnx po... atleast lalo aq gagnahan magpost ng updates! haha :D [align=center][b][color=red]Start of Chappie 7[/color] ==================================================[/b][/align] [b]Kathe:[/b] CHAT! (pasigaw!) [b]Mga Tao:[/b] Ano nangyari!? May bata! [b]Kathe[/b]: (hinawi ang mga tao) Paraan lang po! (patuloy na umiyak at mas lalong naiyak nang makita si Chat.) Chat?!! Chat... Chat!(pasigaw) Hindi nga pala nagkamali si Chat sa nakita niya, mommy pala talaga niya ang naaninag niya na dahilang napatakbo siya. Dahil sa sigaw ni Kathe sa pangalan ni Chat, natawag ang pansin ng mommy ni Chat na si Via. [b]Via[/b]: (hinawi ang daan) Tabi po... (nagulat sa namataan) Anak?! Chat!!! (nakabig si Kathe) Chat! (napatingin kay Kathe) Sino ka?! Bakit mo yakap ang anak ko? [b]Kathe[/b]: Mommy niya po ako! [b]Via[/b]: Sinungaling! Ako ang mommy niya! Ikaw ba ang nag-alaga sa kanya? Bakit mo siya pinabayaan? (humagulgol) Anak ko! [b]Kathe[/b]: Sino kaya mas nagpabaya sa atin? Kung binantayan mo naman siya diba? Hindi siya mapupunta sa akin? Sana nasa pangangalaga ka niya! (pasigaw) [b]Tao1[/b]: Mga misis... maano kaya kung dalhin na natin sa ospital yang bata?! Nasa panganib na nga buhay niyan eh... nagtatalo pa kayo! Hindi naman nag-aksaya ng oras ang dalawang ina ni Chat. Dinala agad nila sa ospital ang bata, ngunit... sa kasawiang palad, umuwi ng luhaan sina Via at Kathe. Gusto sanang dalawin ni Kathe si Chat sa burol ngunit ayaw ni Via ito papasukin, para bang wala siyang utang na loob. Mula noon, di na lumalabas ng bahay si Kathe, wala na siyang ibang ginagawa kundi ang umiyak ng umiyak at umiyak. Ni hindi siya sumisilip ng labas ng bahay, akala tuloy ng ibang kapitbahay ay umalis na si Kathe. Hanggang isang araw, kinausap siya ng mommy niya. [b]Tagpuan[/b]: Bahay nina Kathe [b]Thea[/b]: Anak, alam mo na ba kung nasaan si Jared? [b]Kathe[/b]: (animo walang pakialam, tatalikod sa ina, papunta sa kwarto at hawak na ang doorknob) Ma, wala na kami, wala na rin akong pakalam sa kanya... [b]Thea[/b]: Wag mo agad sabihin yan, paano kung sabihin kong wala siya diyan at na ospital siya? Parang walang narinig si Kathe sa kilos niya, subalit nang makapasok siya ng kwarto niya ay saka niya inilabas ang sama ng loob na araw-araw niyang kinikimkim, mula sa pagkamatay ni Chat hanggang sa kasalukuyang nangyayari sa buhay niya. Pag kaharap niya ang mommy niya, napapangiti siya at tumatawa ngunit sa kabila nito kapag mag-isa lang siya sa isang tabi, umiiyak siya at gusto na niyang lumabas para hanapin si Jared. Isang gabi, napansin ni Kathe na may nagbubukas na ng ilaw sa bahay nina Jared. Naisip niyang baka maayos na si Jared at ligtas na sa anumang karamdaman. Kinabukasan, nanananghali sina Kathe... [b]Kathe[/b]: Ma, pengeng ulam, bibigyan ko sila Jared. [b]Thea[/b]: Bakit? Nandiyan na ba sila? [b]Kathe[/b]: Pakiramdam ko ho, [b]Thea[/b]: Ah sige, mag-usap kayo ha... [b]Kathe[/b]: opo, Masayang kumatok ng pinto si Kathe sa bahay nina Jared. Ang sayang iyon at nabahiran ng pagtataka nang pinagbuksan siya ng pinto ng isang di kakilalang mukha. [b]Kathe[/b]: Ah... si... si... Jared po? [b]Kapitbahay[/b]: Jared?! Wala akong kilalang Jared! [b]Kathe[/b]: Ano?! Eh... Sino po ba kayo? Ano pong ginagawa ninyo diyan? [b]Kapitbahay[/b]: Aba malamang! Dito kami nakatira, kakalipat lang namin dito! Hay naku, sya, nakaabala ka lang... [b]Kathe[/b]: Pasensya na po. [align=center][b] ================================================== [color=red]End of Chappie 7[/color][/b][/align]

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 21:34

[ 12 queries - 0.006 second ]
Privacy Policy