^this will be the last update! ^^
[align=center][b][color=red]Start of Chappie 10[/color]
==================================================[/b][/align]
Jared: Kathe?... (namulat) Dad,
Jarie: Gising ka na!
Jared: Si Kathe po?
Edmond: ah.. may trabaho na siya eh, araw-araw siyang umaalis kaya baka hindi ka muna niya mabibisita.
Jared: hindi man lang niya ako binisita ni isang beses?
Jarie: ka... kahapon nandito siya... kaso tulog ka! Anak, kamusta pakiramdam mo?
Jared: masayang masaya po ako, pakiramdam ko, para akong nasa langit, yung nag donate sa akin ng puso para bang hulog siya ng langit. Hindi ko akalain may ganoon pa palang klase ng tao sa mundo.
Jarie: (naiyak) anak, akala ko iiwan mo na kami, hulog talaga siya ng langit! (niyakap si Jared)
Jared: Bakit ko naman po gagawin iyon? Matutuloy na lahat ng mga plano ko!
Tagpuan: Bagong bahay nina Jared
Ilang linggo din ang itinagal ni Jared sa ospital upang makakuha ng sapat na lakas. Pagkatapos din ng mga linggong iyon ay nagpasya siyang bumalik na ng bahay. Nakakagalaw na ng maayos si Jared bumalik na ang dating sigla ng katawan niya, at masayang-masaya siya sa lagay niya. At di na rin mapipigilan ang puso niya.
Jared: Ma... aalis po ako,
Jarie: Saan ka naman pupunta?
Jared: Pupuntahan ko po si Kathe, yayayain ko na siyang magpakasal...
Jarie: (nakapamewang) Ano?! Hindi, hindi ka tutuloy diyan...
Jared: Pero...
Jarie: Pero ano? Mabibigo ka lang!
Jared: (umiiling) Imposible!
Tagpuan: Bahay nina Kathe
Hindi pa rin nagpapigil si Jared, nagpatuloy siya sa balak niya. Bumili siya ng singsing, pero pinakamurang singsing na nakita niya sa jewelry shop ang binili niya, pakiramdam niya kasi ayaw ni Kathe ng mamahalin dahil hindi doon nasusukat ang pagmamahal mo sa isang tao. Hindi mahal ang pagmamahal.
Nasasabik si Jared na makita si Kathe, hindi mo maipinta ang muka niya na ang ngiti ay abot hanggang tainga. Pakatok na si Jared nang mapansin niya na ang tindahan nina Kathe ay sarado na, naalala niya ang sinabi ng daddy niya na may trabaho na si Kathe kaya inisip niya na doon na lang sila kumukuha ng kita. Kakatok na sana ulit si Jared ngunit parang nakaramdam siya ng kaba at takot.
Jared: (katok) Tao po... mommy Thea...
Thea: (binuksan ang gate) Ikaw?! Ano ginagawa mo dito?
Jared: si... Kathe po? Yayayain ko po sana siya magpakas...
Thea: (sinampal si Jared, Madiin ang pagkakasabi) WALA NA SI KATHE!!! Yang puso mo ngayon ay galing sa kanya! Wala na anak ko, nagsakripisyo siya... (humagulgol) wala na siya...
Jared: (natulala) wag... wag na po kayo magbiro pakiusap!
Thea: Bakit ko naman bibiruin ang buhay ng anak ko!? Jared, ayaw mo bang maniwala? Pwes maniniwala ka kung ibibigay ko sa iyo ito... (pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang sulat, paglabas iniabot kay Jared ang sulat) Yan, basahin mo iyan!
Jared: (Binasa ang sulat)
Sulat:
Dear Jared,
Umiiyak ako habang ginagawa ang sulat na ito. Gusto ko sana na malaman mo na kaya ko ginawa na mag donor para sa iyo eh hindi dahil sa sawa na ang buhay ko. Ginawa ko iyon kasi na realized kong tapos na ang gawain ko dito sa mundong ito, na lahat ng pangarap ko nagawa ko na at nakilala ko na ang sarili ko dahil sa iyo. Hindi ako nag give up noh! Mas gusto ko lang na mabuhay ka kase, may magmamahal pa sa iyo, nandiyan si Celine at ang anak ninyo, mahalin mo sana siya ha, mahal na mahal ka niya eh... wag mo kalimutan magmahal... swerte ng mamahalin mo! Sige hanggang dito na lang wag mo sana ako kakalimutan... Mahal Kita!
Nagmamahal,
Kathe
Thea: Ano?! Masaya ka na?
Jared: Mawalang galang na lang ho, sa tingin niyo magsasaya ako? Si Khate lang ang minahal ko ng ganito! Si Khate lang... (umiyak)
Tagpuan: Sa isang restaurant
Sa umpisa ay hindi matanggap ni Jared ang nangyaring trahedya sa buhay niya, hindi niya akalain na magtatapos ang kasiyahan niya ganoon lang. araw-araw tulala si Jared, pero hindi naman niya ginawa ang paglalasing at kung anu-ano pang makakasira sa kalusugan niya, inisip niya kasi na hindi na ang puso niya ang sasaktan niya kundi ang puso ni Kathe. Hindi naman nakatiis si Celine na makita niya si Jared ng ganun. Kaya kinausap niya ito.
Celine: May aaminin ako sa’yo... nasaktan ko kasi si Kathe nun, nakokonsensya ako! Nagsinungaling ako sa kanya na... may anak tayo! (umiyak) kahit... hindi naman totoo... hanggang sa huling sandali niya, ako ang kinausap niya, na mahalin kita at sinabi rin niya na mahalin ko ang anak natin kahit wala naman, wala akong karapatan ngayong angkinin kita kasi... naging hangal ako hindi lang sa’yo kundi kay Kathe. Isa yun sa mga dahilan kung bakit mas pinili niyang mamatay, sinabi ko na nga sa kanya na ako na lang eh, pero ayaw niya, may anak pa daw akong bubuhayin. (lalong umiyak)
Jared: (tumayo)Ayaw na kitang makita kahit kailan, kung sabagay, kahit naman ikaw ang mag donate ng puso mas gusto ko pang mamatay, kesa...(lumabas ng restaurant)
Tagpuan: Sementeryo
Ilang linggo din naging tahimik si Jared, hanggang sa nakapagpasya siyang dalawin ang libingan ni Kathe. Sa pagdalaw ni Jared sa libingan, nagdala siya ng paboritong pagkain ni Kathe na ayaw niya naman niya, kailangan daw niyang matutong kumain nun para makapagbigay kasiyahan sa puso ni Kathe.
Jared: Kathe, may dala ako... adobong pusit, yucky! Pero sasaluhan kita ngayon kumain, paborito mo ‘to diba? (kumain) sarap pala. (seryoso) Ang laki ng utang na loob ko sa iyo Kathe, kung hindi dahil sa iyo hindi ko maisasakatuparan mga gusto ko sa buhay... pero mas maganda yatang tingnan kung, tayong dalawa ang nagsasakatuparan nun! Ang tangi ko na lang magagawa ngayon ay ang tanggapin na wala ka na, mahal ko. Hinding hindi ko makakalimutan na nakasama kita, at ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Kathe. At hindi ko pagsisisihan na nakilala kita at napagbago kita, kasi mula nang makilala kita... pati ako nagbago at nahanap ang totoong ako. Dahil sa sinabi mo na magmahal akong muli... hindi kita bibiguin diyan at mamahalin ko ang... swerte? Hmm... Ang babaeng iyon ng walang pagaalinlangan at tapat kung gaano mo ako minahal ng tapat. END...

[b][align=center]
[color=red]THE END[/color][/align][/b]
[align=center][b]
==================================================
[color=red]End of Chappie 10[/color][/b][/align]