Pages: 123

  2008-11-11 06:30:08

asukal_rienee
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1058
0
1969-12-31

Re: This is my 2nd story here! Well, sad to say yung 1st story ko eh na delete... pinadelete ko! Di kasi siya well-planned! This time, i'm not saying it's totally planned pero... mas maganda toh kesa sa u

^isa pong mahabang update!:D [align=center][b][color=red]Start of Chappie 8[/color] ==================================================[/b][/align] Hindi makapaniwala si Kathe na iniwan siya ni Jared. Lalong naghinagpis ang loob niya, kahit ano na lang ay nasasabi na ni Kathe, Kathe: (umiiyak)Mommy, ayoko na! bakit ba ganyan?! Bakit niya ako iniwan?! Dahil pa hiniwalayan ko siya!? Mababaw na ba talaga ako?! Bakit ba kasi iniisip ko lagi ang mga mali ko?! Mommy, gusto ko nang mamatay! Thea: (napaluha) Anak, ‘wag mo namang sabihin iyan, nandidito pa ako... ‘wag ka muna mawlang ng pag-asa. Bakit ‘di mo siya hanapin? Kathe: Hanapin? Tagpuan: Bagong Bahay nina Jared Dahil sa sinabi na iyon ni mommy Thea, naglakas-loob si Kathe na maghanap kahit anong mangyari. Tatlong buwan din siyang naglibot kung saan-saan. Nangayayat ng todo si Kathe, nagtitipid kasi siya sa sampung libong baon niya kaya kung minsan ay nakikikain na lang siya sa mga bahay bahay. Isang araw, natuldukan din ang paghahanap niya, natagpuan niya ang bahay nina Jared nang makita niyang paalis ng bahay sina mommy Jarie at daddy Edmond. Nang kumatok ng bahay si Kathe, dalawang babaeng di pamilyar na muka ang nagbukas ng pinto. Nagtataka siya at nag-aalangan kung iyon nga talaga ang bahay nina Jared. Kathe: Miss, diyan po ba nakatira si Jared de Guzman? Celine: Si Jared? Oo, bakit? Sino ka ba?! Melissa: Stalker?! Kathe: (umiyak)Papasukin mo ako, nakikiusap ako, pakisabi naman ako ito si Kathe Munoz. Ako yung girlfriend niya! Celine: Ikaw pala si Kathe, pwes, di ka makakapasok... ayaw ka na niya makita! Kathe: (mas lalong umiyak)Ako?! Ayaw niyang makita?! Sinungaling ka! Sino ka ba? Bakit ka nakatira diyan ha?! Melissa: Sino ka para pagsalitaan mo si Celine ng ganyan? Celine: Oo nga... By the way... Ex girlfriend niya ako, inaalagaan ko siya! At di lang pala ex girlfriend, may anak kaming dalawa! Kaya di ka makakapasok! Kathe: ANAK?! (natulala at napagsarahan ng pinto) Hindi parin nagpaawat si Kathe, katok pa rin siya ng katok at sigaw ng sigaw, wala na siyang pakialam sa mga taong nagagalit sa kanya... Kathe: Papasukin mo ako! (patuloy ang pag-iyak, pagkatok at pagsigaw) Hindi na kumain si Kathe, para bang hindi na siya nakaramdam ng gutom... mas mahalaga sa kanya si Jared, hindi rin siya umuwi. Hindi siya mapalagay hanggat hindi niya nakikita si Jared. Alas onse na nang dumating sina daddy Edmond, di na napigilang matulog si Kathe, nakatulog siya sa tapat ng pinto nina Jared kaya nakita agad siya ni mommy Jarie. [align=center][b] ================================================== [color=red]End of Chappie 8[/color][/b][/align]

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 21:33

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy