@lunchskill haha ito na update, yah sana nga noh?

@bubbly niaha, ou nga... pero, sa tagal naman kasi nilang magkasama, may feelings na rin si kathe, siya ang uri ng taong hindi pakipot! lol

ay... ung first post muh po, spam un

@haizeek awtz, nahihiya naman ako sau! haha, salamat sa pagbasa...
@pinklover waah.. thnx ng marami

lol.. parang masyado ko yatang minamadali

anyway hope you'll like this part.. [b]comments [/b]po!

[align=center][b][color=red]Start of Chappie 5[/color]
==================================================[/b][/align]
[b]Tagpuan:[/b] Bahay nina Jared
Isang araw, may lakad sana sina Kathe at Jared nang may di inaasahang bisitang dumating si Kathe. Wala si Mommy Thea nang araw na yun kaya naglagi muna sina Kathe at Chat kina Jared. Dahil walang tao sa bahay nina Kathe napilitang kumatok ang bisita sa bahay nina Jared na katapat ng bahay nila.
[b]Nathan:[/b] Tao po,
[b]Jarie:[/b] (binuksan ang gate) Ano po iyon?
[b]Nathan:[/b] Dito po ba nakatira si Kathe Munoz?
[b]Jarie: [/b]Si Kathe? Ah... si Kathe ba? Teka nandidito siya... (pumasok sa loob ng bahay at tinawag si Kathe.) Iha, may naghahanap sa’yo.
[b]Kathe:[/b] Sino po? Teka ho, yan na po! (paglabas niya, natulala siya at biglang nanginig) Nathan?! Ang kapal naman ng muka mo at nagawa mo pa akong puntahan at hanapin dito?! Naghahanap ka ba ng gulo?
[b]Nathan:[/b] Teka lang, nandito ako para makipag-ayos. Kathe, I still love you! Mahal pa rin kita! Nandito ako para makipagbalikan. At isa pa, san ba talaga bahay mo?
[b]Jared:[/b] (biglang lumabas at sumingit) Excuse me, baka naman pwedeng makasingit. Mawalang galang na lang, baka pwedeng malaman kung sino ka at anong ginagawa mo dito?
[b]Nathan:[/b] Ex boyfriend lang naman ako ni Kathe at nakikipagbalikan ako sa kanya, bakit?
[b]Jared:[/b] Ex ka lang pala niya eh, pwes ako ang boyfriend niya! At sa tingin mo ganoon na lang kadaling kalimutan ni Kathe lahat ng kahayupang ginawa mo?
[b]Nathan:[/b] (nagulat) Boyfriend?! (bumaling kay Kathe habang napayuko naman si Kathe) Huh! Wala ka palang isang salita eh! Diba sabi mo, di ka na magmamahal?
[b]Kathe:[/b] (napatingin at nagngingitngit) Eh ano naman sa’yo?! (hinarap si Jared) Jared, masama pakiramdam ko, di na tayo tuloy. Chat, halika na... umuwi na lang tayo. Ikaw Nathan, lumayas ka na dito kung ayaw mo tumawag pa ako ng pulis. (hinila si Chat at pumasok na ng bahay)
[b]Tagpuan:[/b] Bahay nina Kathe
Iyak ng iyak si Kathe sa kwarto niya, hinayaan niya namang pumasok si Chat at tinitingnan siya. Hindi na napigilan ni Chat ang sarili niya at napatanong kay Kathe.
[b]Chat:[/b] Mommy, bakit ka umiiyak? Nagkagalit ba kayo ni Daddy?
[b]Kathe:[/b] Ah hinde. Nakita mo ba yung mama kanina? Wag mo siya kakausapin, masama yun!
[b]Chat:[/b] Awayin na lang natin. (napakunot ang noo)
[b]Kathe:[/b] Chat, alam mo...
gusto ko nang... gusto ko nang hiwalayan ang daddy mo, kasi... nasaktan ako kanina sa sinabi nung mama. Wala pala akong isang salita!
[b]Chat:[/b] Ha?! Hindi pwede, ayoko, pag naghiwalay kayo hihiwalay din ako.
[b]Kathe:[/b] Wag ka nga magsalita ng ganyan!
[b]Chat:[/b] Basta ayoko! (niyakap si Kathe)
[align=center][b]
==================================================
[color=red]End of Chappie 5[/color][/b][/align]