Oo.

[b]Bakit mo naisip tanggapin?[/b]
- Kasi opportunity ko na yun para makabalik sa pinanggalingan ko. Hindi naman ako orihinal na taga-dito eh. Tsaka convinience narin at practicality. Mahirap ang buhay dito satin eh bakit kapa magtitiis, diba? Hindi naman sinasabi na pag umalis ka dito wala kang kwentang mamamayan. Gusto mo lang mag-GROW as a person... sa ibang lugar.
[b]Saang bansa ka pupunta?[/b]
- Depende kung saan ako hihilahin ng mga kamag-anak ko. Nakakalat kasi sila. Pero malamang nito Italy or Japan.
[b]Ano ang mamimiss mo sa Pinas?[/b]
- Edi yung buhay dito. Mga jeep na mausok, mga tambay sa kanto na walang ibang ginawa kundi uminom at manggulo sa gabi, mga pulis na weirdo at yung mga kaibigan ko.
[b]Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?[/b]
- Oo naman. Ang tagal ko na rin dito eh. Mamimiss ko to at siyempre gugustuhin ko paring bumalik.

----------
Pwede pa to magbago in time. Wag kayong epal, haha.