2008-10-14 16:19:19

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa simula pa lang eh enemy sila Liza <<<friend ni Mei Lyn na naging girlfriend ni Jason joshua ( josh ) <<< may gusto kay Mei Lyn Bobby<<< type si Eloida Eloida <<< patay na patay kay Jade kaso may gusto sakanya si bobby[/b] I looked at my watch... it's already 8:30!!! 8:00 ang klase ko " Late na k0h!!!" sabi ko habang nagmamadaling tumakbo para hanapin yung classroom ko. " This is just my second day ... tapos may tardiness record na agad ako!!!" Pangalawang beses ko pa lang makapasok sa paaralang ito kaya di ko pa kabisado yung mga daan. Bawat pinto na ata nang mga classrooms ay tinitignan ko kaya tuloy di ko namalayan na may tao pala sa harap ko. * Blog!!!!* May nabunggo ata ako...tumapon din ang mga libro ko. Mahirap pa naman hanapin at pareho pa yata kami nang book nang taong nabunggo ko. " kuya sorry poh di ko poh sinasadya..." I said while offering him my hands nang makatayo na ako sa pagkakabunggo. Tumayo lang siya...napahiya pa nga ako eh. I offered him my hands and then di man lang niya papansinin...Akala mo kung sinong gwapo!!! " Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!! I don't need your sorry..." sabi niya habang pinupulot niya ung mga libro. Nakigaya na rin ako so hinanap ko na rin ung mga books ko. " nagsosori naman ako eh...suplado!!!" sabi ko nang medyo makalayo layo na siya but i made it to a point na mahina lang...syempre para di niya marinig. Tumingin siya sakin...tingin ko narinig niya kasi ang sama nang tingin. Nagmadali na akong pulutin mga books ko...baka mapagbuntungan ako nang teacher...new student palang ako eh may record na ko!!! Atlast...nahanap ko na rin classroom ko!!! I looked at my watch...9:00 na!!! Dahan dahan akong kumatok sa pinto wishing na sana di ako mapagalitan nung teacher. Never pa kasi akong napapagalitan. " Come in!!!" marahang sabi ni miss Eglesia... yung teacher ko and my adviser " maam , sori poh nalate p0h ako kasi poh... " di ko palang natatapos sabihin eh nagsalita na ung si miss eglesia " it's okay you may now take your seat" I sighed as a sign of relief... napansin ko ung empty seat nakatabi ko dati eh may laman na kaya sumaya ako kahit papaano...atleast di ba may makakausap ako. Nakatalikod nga lang siya kasi may kausap sa likod. " hi..." sabi ko nang makaupo na ako. He looked at me.. " hi..." sabi niya.. gosh mukha naman mabait tong seatmate ko and then naalala ko ung nakabunggo ko " ano kaya name niya" i said " my name is Joshua..but you can call me josh" " ah okie... ako nga pala si mei" i said siguro akala niya ung name niya ang iniisip ko kaya sinabi niya name niya. " nice name" he complemented " bago ka lang dito diba?" " yup...why?" " la lang poh...natanong ko lng poh" nakangiti niyang sabi " wag niyo na poh akong i poh kasi poh di poh ako matanda...magkaage lang poh tau" i said " i doubt it....umulit ako nang year...kaya masmatanda ako sau" sabi ni Joshua " gnun...but still i will call you josh.. okie ba?" " yup..it's okay" sabi niya “ friends na tau ah!!!” sabi ko … “ sure…” he smiled The bell rang…. “ recess na sawakas… my favorite subject” sabi ko while searching for my wallet. “ favorite subject mo pala ang recess…” sabi sakin ni Joshua…. “ lahat naman ng tao eh … “ sabi ko Lumapit sakin si Liza, my new found friend nung first day of school. Friendly kasi siya and most of all napakabait. “ hi josh..hi mei….” Sabi ni Liza “ hoy bruha wala ka pa bang balak tumayo diyan dahil ako’y gutom na” “ opoh opoh…tatayo na poh.” Sabi ko habang hinihila ako ni Liza palabas nang room. Nang nasa canteen na kami…she talked to me. “ ang cute ni Joshua noh?” sabi niya sakin “ k lang…” sabi ko while looking at my wallet. Grabe mababawasan na naman pala ang laman nang wallet ko. “ di mo siya type noh? Anyway… ba’t ka nga poh pala late…second day mo pa lang ditto sa school may record ka na kay miss. Eglesias” tumatawang sabi ni Liza habang pumipila kami sa linya. “ eh kasi poh masyadong malaki ung school na di ko alam kung saan ako dadaan at tapos poh nakabunggo pa poh ako nang lalaking nuknukan nang yabang” sabi ko habang kumukuha nang tray “ nako Mei … kung gwapo ba naman eh maski magyabang okay lang!!!!” sabi ni Liza “ kaw talaga liz…mas pipiliin mo pa ung lalaki kesa sakin” sabi ko habang tumatawa. Maski pangalawang beses pa lang namin toh ni Liz eh feeling ko kilalang kilala ko na siya. “ di naman noh…nagtatampo ka naman…nwei anong itsura nung guy? Gwapo ba?” sabi ni Liza “ umm…di ko alam” sabi ko. “ di daw alam…if I know ayaw mo lang sabihin kung gwapo o hindi. Siguro gwapo noh… and type mo? “ sabi ni Liz na tumatawa “ o sige para tumahimik ka lang ituturo ko sau ung lalake pagnakita ko tapos ikaw magsabi kung gwapo o hindi… okie ba?” sabi ko kay Liz. Di nagsalita si Liz. “ hoy Liza…ano ba? Nakikinig ka poh ba? Sino ba ang tinitingnan mo diyan at para bang napapako ka sa katitingin?” sabi ko habang sinundan ko kung saan nakatingin si Liza. Tinitignan niya ung lalaking nakabunggo ko kanina… “ ang gwapo niya noh mei?’ sabi ni Liza habang may pakurap kurap pa nang mata “ di kaya…” sabi ko “ asus…kaw lang ang unang babaeng nakilala kong nagsabi nang ganyan” tumatawang sabi ni Liz “ di siya gwapo…masama pa ugali niya” sabi ko kay Liz “ bakit…nagaway ba kau ni Jade???” sabi ni Liza na pilyang nakangiti… So Jade pala name niya ah… “ mayabang siya un lang… un lang poh masasabi ko … un lang” sabi ko kay Liz “ eh bakit nga?” “ kasi poh… siya poh ung nakabunggo ko kanina..hapi?” sabi ko habang nagtuturo na ako nang gusto kong food. “ ah…so gwapo pala ung supladong nakaharap mo kanina” tumatawang sabi ni Liz “ ah ewan..kung tingin mo gwapo siya…pwes ako hindi…pumili ka na nga nang food mo” sabi ko kay liz trying to change the topic. “ fine fine fine… “ Umupo na kami ni Liz doon sa may tabi nang counter dahil un na lang ang may natitirang seat kaso sa kasamaang palad nandoon si Jade sa kabilang table. “ teka lang ah bili lang ako nang juice.” Sabi ko kay liza dahil pansin kong nakatingin sakin yung Jade na yon. “ pabili poh” sabi ko habang nagaabot nang pera sa tindera. Binigyan ako nang tindera nang mango juice. Pagkatalikod ko laking gulat ko nang tumapon sakin ung juice at sa nabunggo ko. “ Heck…di ka ba talaga marunong tumingin nang dinadaanan?” sabi sakin ni Jade. “ naku sori…sori talaga… I don’t mean it naman eh at isa pa ikaw ung paharahara sa daan eh” sabi ko habang pinapatong ung tray sa may counter. “ at ako pa ngayon ang sinisisi mo?” sabi niya sakin habang nakataas ang isang kilay. Ang yabang talaga nang damokong na yon. “ sori na nga eh…di ba dapat nag sosori ka rin kasi di ko naman ginusto yon eh and besides natapunan rin naman ako ah” sabi ko. Lumapit samin si Liza at ung ibang kasama ni Jade. Pinagtitinginan kami nang mga tao doon. Alam ko na second day ko lang toh sa school na yon at ang dami ko na yatang nagawang record sa araw na un. Malas talaga!!! “ pare ok ka lang…” tanong nung lalakeng kaibigan ata ni jade “ yeah … kaso kundi ba naman malas ang araw ko ngayon…. Miss disaster sa susunod nga magingat ka” sabi niya sakin na para bang nanlalait Inabutan ko siya nang putting panyo para punasan niya ung tumapon sa damit niya. Alam ko naman na nilalamig rin siya eh . Tinabig niya kamay ko. “ di ko kailangan nang tulong mo” sabi niya sakin. Hiyang hiya ako nang araw na yon. Pakiramdam ko pulang pula ang pisngi ko sa kahihiyan. “ sori na nga eh…” sabi ko. Hahabulin ko sana para gantihan. Inis na inis na talaga ako kaso hinila ako ni Liza. “ wag mo nang habulin…lalo ka lang mapapahiya…” sabi ni Liza “ bakit…eh siya naman may kasalanan ah di naman ako ah…kasi paharang harang siya sa likod ko” sabi ko habang pinupunasan ang sarili kong damit. “ kasi poh wala poh kayong laban sa kanya” pagpapaliwanag ni Liza habang tinutulungan akong magpunas nang natapon na juice sa damit ko “ eh bakit nga?” sabi ko. Alam ko na medyo may pagkakulit rin ako eh. “ eh kasi ganun” sabi niya habang napapabuntong hininga “ dapat may reason…lahat nang bagay ay nangyayari bcuz of reason” sabi ko “ he’s popular tapos new student ka lang. Wala kang laban kay jade. Naiintindihan mo ba? So kung may magagawa kang paraan para makaiwas sa kanya… umiwas ka na. It will be better that way. Wag mong hayaang magkrus ang landas niyong dalwa…kasi tuwing nagkikita kayo parang nagkakaroon nang dilubyo” sabi sakin ni Liza “ pwes di niya ko kilala… I’ll make sure that he will live his life in a living hell.” Sabi ko. Medyo natuyo tuyo na rin ung damit ko pero halata parin nabasa at higit sa lahat puro mantya. Patay ako paguwi ko sa bahay. Samantala naguusap naman si Jade at ang mga kaibigan niya sa may boys shower room. “ jade pare sino ba ung babaeng yon? “ sabi ni Jason na isang kaibigan ni Jade “ wag niyo nang alamin dahil di ko rin siya kilala…pero she was such a disaster. Lagi na lang siyang malas sa buhay ko starting kanina pa. “ sabi ni Jade habang sinasarado na ang shower. “ eh kasi naman pare di ba nga may kasabihan na pagnagsimula na sa malas ang araw mo maghapon nang malas” tumatawang sabi ni Bobby na kaibigan din ni Jade. “ oo na oo na…pero di ako naniniwala sa kasabihan” sabi ni Jade habang pinapatuyo ang sarili. “ change the topic na nga lang pare..musta na pala si Eloida?” tanong ni Jason. “ hayaan mong tumingin ung babaeng yon basta wag niya lang akong hahawakan… just look no touch!!!” sabi ni Jade habang nagbibihis. “ sabi mo eh…pero maganda din si Eloida” sabi ni Bobby “ kung di nga lang ikaw ang gusto ako na ang papatol doon” “ hayaan mo na lang kasi siya… “ sabi ni Jade nang matapos nang magbihis. Kararating lang namin ni Liz sa classroom. Medyo basa pa ang damit ko so I realized na hubarin na lang ang blouse ko tutal eh nakasando naman ako sa loob . Kesa naman pagtinginan nila ako dahil para akong bata na di marunong uminom nang juice kaya natapunan ang damit “ ano ang ginagawa mo?” tanong ni Joshua habang nakatingin sakin. “ ano ba sa tingin mo?” sabi ko “ umm,, no offense mei pero ang tingin ko eh naghuhubad ka” sabi ni Joshua Tumango lang ako habang tinatanggal pa rin isa isa ung butones nang blouse ko “ Mei ano ka ba? Pagnakita ka ni maam papagalitan ka nun” sabi sakin ni Joshua “ pangalawang araw ko palang toh pero ang dami ko nang record” pagmamaktol k okay Joshua “ so sigurado kang magtatanggal ka nang blouse?!!” manghang tanong niya “ eh ano namang masama para namang may titingin at para namang may titingnan sila. Mag- alis ako nang damit o hindi papagalitan din ako ni maam” sabi ko. Nakita kong nagtanggal nang polo si Joshua “ o ayan..miss pasaway… suutin mo na lang muna yan. “ sabi ni Joshua habang inaabot sakin ung polo niya “eh pano ka? Baka ikaw ang mapagalitan ni maam” sabi ko kay Joshua. “ Mei, di poh ako papagalitan ni maam dahil ok lang sa lalaki ang magtanggal nang damit kesa sainyong babae noh. Isa pa poh mas mabuti na yan kesa pagpiyestahan ka nang mga kaklase nating lalaki. Tumawa lang ako “ para namang may pagpipiyestahan sila? Pero josh panglalaki tong polo mo eh. Magmumukha akong half boy and half girl. Boy sa taas girl sa baba” sabi ko habang tumatawa “ Alam mo Mei mabuti na rin yan kesa wala di ba?” sabi ni Joshua habang isinusuot sakin ang polo niya “ Hay naku para akong bata na binibihisan pa. Akina nga kaya kong magsuot nang damit” sabi ko Ang totoo eh naiilang ako kasi pakiramdam ko di tama na siya pa ang maglalagay sakin nang damit ko maski naman alam kong nakasando ako and besides maski alam ko na di ako papatulan ni Joshua…syempre iba pa rin ung feeling noh!!! “ matanong ko lang poh…bakit poh ba may juice kayo sa damit…kaya tuloy para kang musmos na di alam kung anong gagawin” sabi ni Joshua habang tumatawa “ tapos nagrereklamo ka pa na ayaw mong bihisan kita dahil para kang bata” “ eh syempre…gnun un…natapunan lang poh ako nang juice dahil doon sa sobrang yabang na jade na un” sabi ko. “ si jade? Mabait naman un ah … “ sabi ni Joshua na para bang nagtataka “ mabait ba tawag dun???sori ah…d ko alam eh na mabait pala un… purkit popular mabait na” sabi ko Tumawa lamang si Joshua “ Alam mo Mei pikon ka…pero kung sinabi mong di mabait edi di siya mabait” “ yan tama yan” sabi ko habang tumatawa. Natigil kami ni Joshua sa pagbibiruan nang pumasok si Ms. Iglesias Hay tapos na rin ang klase sawakas!!! Nagmamadali akong ligpitin lahat ng gamit ko. Gustung gusto ko na kasing umuwi. Gusto ko nang maligo dahil lagkit na lagkit na ko dahil doon sa pagkatapon sakin ng juice. Gustong gusto ko na rin kumain dahil naubos ung energy ko sa lesson ni Maam Eglesias. Nakakapagod talaga!!! Pagod na rin ako kakaisip kay Jade na yun. Bahala na siya!!! As if naman magkakasalubong pa kami. I will never let it happen again...at kung mangyari man yon... I will have the last laugh " hoY!!! Tulala ka na naman" natatawang sabi ni Liz habang binagsak ung libro sa lamesa ko. " wag ka ngang manggulat nasisira ung pagiisip ko!!!" sabi ko habang pinagmamasdan si Liz " ayee..." nakangiting sabi ni Liz habang pasundot sundot pa sa tagiliran ko. " at para saan naman yang ayee mo?!!" sabi ko. Nagtaas pa ako ng kilay. Ang taray ko noh!!! " doon sa pagsusuot sau ng damit ni Josh" tumatawang sabi niya. Umarte pa si LIz na parang nagsusungit " nakakainis ka.... ba't mo kailangang landiin si papa josh ko" " papa ka diyan...papapain ko yang mukha mo eh" sabi ko " di ko siya nilalandi!!! Kung gusto mo sayong sayo na siya...." Doon ko lamang naalala na suot ko pala ung polo ni Josh. Patay!!! " nasan nga pala yung papa josh mo?" tanong ko habang inaayos parin ung gamit ko. Ang tagal kong mag ayos since napakarami kasing gamit eh. " di ko lam...di ba dapat ikaw ang nakakaalam noon.." tumatawang sabi niya. " hahaha...funny.." sarkastiko kong sabi " eh di di nakita aasarin kay josh... si papa jade ung iniisip mo kanina noh?" sabi ni Liz sabay sundot na naman nang tagiliran ko. Loka loka talaga tong babaeng toh " di noh...ba't ko siya iisipin..at kung iisipin ko man siya...iisipin ko kung paano ako makakaganti noh" sabi ko " ayee..." panunukso ni Liz " para saan na naman yang ayee mo aber" sabi ko habang nakataas na naman ang kilay ko " type mo si papa jade ko noh" pang aasar pa ni Liz habang tumatawa " di nga eh...di nga" nagmamaktol na ko.... " eh kasi sabi mo kung iisipin mo siya iisipin mo kung pano ka makakaganti meaning my dear... iniisip mo siya kanina" tumatawang sabi niya " hay naku...umiral ka na naman liz sa walang kwenta mong reasoning" sabi ko " fine fine fine.... pero last question" sabi niya habang pilyang ngumiti " ano un?" tanong ko " sinong mas type mo si papa josh o si papa jade?" tanong niya habang umastang parang nagdaday dreaming with matching batting eyelashes pa Talaga naman tong loka loka kong friend oh.. pero nagulat ako sa question niya " ano na sino???" pangungulit niya di ako makasagot.. di ko alam kung paano ako sasagot di ko alam isasagot ko .... ( To be continued)

Last edited by mitchelyn (2008-10-15 17:07:41)

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:24

[ 12 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy