• ARCHIVES 
  • » [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa simula pa lang eh enemy sila Liza <<<friend ni Mei Lyn na naging girlfriend ni Jason joshua ( josh ) <<< may gusto kay Mei Lyn Bobby<<< type si Eloida Eloida <<< patay na patay kay Jade kaso may gusto sakanya si bobby[/b] I looked at my watch... it's already 8:30!!! 8:00 ang klase ko " Late na k0h!!!" sabi ko habang nagmamadaling tumakbo para hanapin yung classroom ko. " This is just my second day ... tapos may tardiness record na agad ako!!!" Pangalawang beses ko pa lang makapasok sa paaralang ito kaya di ko pa kabisado yung mga daan. Bawat pinto na ata nang mga classrooms ay tinitignan ko kaya tuloy di ko namalayan na may tao pala sa harap ko. * Blog!!!!* May nabunggo ata ako...tumapon din ang mga libro ko. Mahirap pa naman hanapin at pareho pa yata kami nang book nang taong nabunggo ko. " kuya sorry poh di ko poh sinasadya..." I said while offering him my hands nang makatayo na ako sa pagkakabunggo. Tumayo lang siya...napahiya pa nga ako eh. I offered him my hands and then di man lang niya papansinin...Akala mo kung sinong gwapo!!! " Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!! I don't need your sorry..." sabi niya habang pinupulot niya ung mga libro. Nakigaya na rin ako so hinanap ko na rin ung mga books ko. " nagsosori naman ako eh...suplado!!!" sabi ko nang medyo makalayo layo na siya but i made it to a point na mahina lang...syempre para di niya marinig. Tumingin siya sakin...tingin ko narinig niya kasi ang sama nang tingin. Nagmadali na akong pulutin mga books ko...baka mapagbuntungan ako nang teacher...new student palang ako eh may record na ko!!! Atlast...nahanap ko na rin classroom ko!!! I looked at my watch...9:00 na!!! Dahan dahan akong kumatok sa pinto wishing na sana di ako mapagalitan nung teacher. Never pa kasi akong napapagalitan. " Come in!!!" marahang sabi ni miss Eglesia... yung teacher ko and my adviser " maam , sori poh nalate p0h ako kasi poh... " di ko palang natatapos sabihin eh nagsalita na ung si miss eglesia " it's okay you may now take your seat" I sighed as a sign of relief... napansin ko ung empty seat nakatabi ko dati eh may laman na kaya sumaya ako kahit papaano...atleast di ba may makakausap ako. Nakatalikod nga lang siya kasi may kausap sa likod. " hi..." sabi ko nang makaupo na ako. He looked at me.. " hi..." sabi niya.. gosh mukha naman mabait tong seatmate ko and then naalala ko ung nakabunggo ko " ano kaya name niya" i said " my name is Joshua..but you can call me josh" " ah okie... ako nga pala si mei" i said siguro akala niya ung name niya ang iniisip ko kaya sinabi niya name niya. " nice name" he complemented " bago ka lang dito diba?" " yup...why?" " la lang poh...natanong ko lng poh" nakangiti niyang sabi " wag niyo na poh akong i poh kasi poh di poh ako matanda...magkaage lang poh tau" i said " i doubt it....umulit ako nang year...kaya masmatanda ako sau" sabi ni Joshua " gnun...but still i will call you josh.. okie ba?" " yup..it's okay" sabi niya “ friends na tau ah!!!” sabi ko … “ sure…” he smiled The bell rang…. “ recess na sawakas… my favorite subject” sabi ko while searching for my wallet. “ favorite subject mo pala ang recess…” sabi sakin ni Joshua…. “ lahat naman ng tao eh … “ sabi ko Lumapit sakin si Liza, my new found friend nung first day of school. Friendly kasi siya and most of all napakabait. “ hi josh..hi mei….” Sabi ni Liza “ hoy bruha wala ka pa bang balak tumayo diyan dahil ako’y gutom na” “ opoh opoh…tatayo na poh.” Sabi ko habang hinihila ako ni Liza palabas nang room. Nang nasa canteen na kami…she talked to me. “ ang cute ni Joshua noh?” sabi niya sakin “ k lang…” sabi ko while looking at my wallet. Grabe mababawasan na naman pala ang laman nang wallet ko. “ di mo siya type noh? Anyway… ba’t ka nga poh pala late…second day mo pa lang ditto sa school may record ka na kay miss. Eglesias” tumatawang sabi ni Liza habang pumipila kami sa linya. “ eh kasi poh masyadong malaki ung school na di ko alam kung saan ako dadaan at tapos poh nakabunggo pa poh ako nang lalaking nuknukan nang yabang” sabi ko habang kumukuha nang tray “ nako Mei … kung gwapo ba naman eh maski magyabang okay lang!!!!” sabi ni Liza “ kaw talaga liz…mas pipiliin mo pa ung lalaki kesa sakin” sabi ko habang tumatawa. Maski pangalawang beses pa lang namin toh ni Liz eh feeling ko kilalang kilala ko na siya. “ di naman noh…nagtatampo ka naman…nwei anong itsura nung guy? Gwapo ba?” sabi ni Liza “ umm…di ko alam” sabi ko. “ di daw alam…if I know ayaw mo lang sabihin kung gwapo o hindi. Siguro gwapo noh… and type mo? “ sabi ni Liz na tumatawa “ o sige para tumahimik ka lang ituturo ko sau ung lalake pagnakita ko tapos ikaw magsabi kung gwapo o hindi… okie ba?” sabi ko kay Liz. Di nagsalita si Liz. “ hoy Liza…ano ba? Nakikinig ka poh ba? Sino ba ang tinitingnan mo diyan at para bang napapako ka sa katitingin?” sabi ko habang sinundan ko kung saan nakatingin si Liza. Tinitignan niya ung lalaking nakabunggo ko kanina… “ ang gwapo niya noh mei?’ sabi ni Liza habang may pakurap kurap pa nang mata “ di kaya…” sabi ko “ asus…kaw lang ang unang babaeng nakilala kong nagsabi nang ganyan” tumatawang sabi ni Liz “ di siya gwapo…masama pa ugali niya” sabi ko kay Liz “ bakit…nagaway ba kau ni Jade???” sabi ni Liza na pilyang nakangiti… So Jade pala name niya ah… “ mayabang siya un lang… un lang poh masasabi ko … un lang” sabi ko kay Liz “ eh bakit nga?” “ kasi poh… siya poh ung nakabunggo ko kanina..hapi?” sabi ko habang nagtuturo na ako nang gusto kong food. “ ah…so gwapo pala ung supladong nakaharap mo kanina” tumatawang sabi ni Liz “ ah ewan..kung tingin mo gwapo siya…pwes ako hindi…pumili ka na nga nang food mo” sabi ko kay liz trying to change the topic. “ fine fine fine… “ Umupo na kami ni Liz doon sa may tabi nang counter dahil un na lang ang may natitirang seat kaso sa kasamaang palad nandoon si Jade sa kabilang table. “ teka lang ah bili lang ako nang juice.” Sabi ko kay liza dahil pansin kong nakatingin sakin yung Jade na yon. “ pabili poh” sabi ko habang nagaabot nang pera sa tindera. Binigyan ako nang tindera nang mango juice. Pagkatalikod ko laking gulat ko nang tumapon sakin ung juice at sa nabunggo ko. “ Heck…di ka ba talaga marunong tumingin nang dinadaanan?” sabi sakin ni Jade. “ naku sori…sori talaga… I don’t mean it naman eh at isa pa ikaw ung paharahara sa daan eh” sabi ko habang pinapatong ung tray sa may counter. “ at ako pa ngayon ang sinisisi mo?” sabi niya sakin habang nakataas ang isang kilay. Ang yabang talaga nang damokong na yon. “ sori na nga eh…di ba dapat nag sosori ka rin kasi di ko naman ginusto yon eh and besides natapunan rin naman ako ah” sabi ko. Lumapit samin si Liza at ung ibang kasama ni Jade. Pinagtitinginan kami nang mga tao doon. Alam ko na second day ko lang toh sa school na yon at ang dami ko na yatang nagawang record sa araw na un. Malas talaga!!! “ pare ok ka lang…” tanong nung lalakeng kaibigan ata ni jade “ yeah … kaso kundi ba naman malas ang araw ko ngayon…. Miss disaster sa susunod nga magingat ka” sabi niya sakin na para bang nanlalait Inabutan ko siya nang putting panyo para punasan niya ung tumapon sa damit niya. Alam ko naman na nilalamig rin siya eh . Tinabig niya kamay ko. “ di ko kailangan nang tulong mo” sabi niya sakin. Hiyang hiya ako nang araw na yon. Pakiramdam ko pulang pula ang pisngi ko sa kahihiyan. “ sori na nga eh…” sabi ko. Hahabulin ko sana para gantihan. Inis na inis na talaga ako kaso hinila ako ni Liza. “ wag mo nang habulin…lalo ka lang mapapahiya…” sabi ni Liza “ bakit…eh siya naman may kasalanan ah di naman ako ah…kasi paharang harang siya sa likod ko” sabi ko habang pinupunasan ang sarili kong damit. “ kasi poh wala poh kayong laban sa kanya” pagpapaliwanag ni Liza habang tinutulungan akong magpunas nang natapon na juice sa damit ko “ eh bakit nga?” sabi ko. Alam ko na medyo may pagkakulit rin ako eh. “ eh kasi ganun” sabi niya habang napapabuntong hininga “ dapat may reason…lahat nang bagay ay nangyayari bcuz of reason” sabi ko “ he’s popular tapos new student ka lang. Wala kang laban kay jade. Naiintindihan mo ba? So kung may magagawa kang paraan para makaiwas sa kanya… umiwas ka na. It will be better that way. Wag mong hayaang magkrus ang landas niyong dalwa…kasi tuwing nagkikita kayo parang nagkakaroon nang dilubyo” sabi sakin ni Liza “ pwes di niya ko kilala… I’ll make sure that he will live his life in a living hell.” Sabi ko. Medyo natuyo tuyo na rin ung damit ko pero halata parin nabasa at higit sa lahat puro mantya. Patay ako paguwi ko sa bahay. Samantala naguusap naman si Jade at ang mga kaibigan niya sa may boys shower room. “ jade pare sino ba ung babaeng yon? “ sabi ni Jason na isang kaibigan ni Jade “ wag niyo nang alamin dahil di ko rin siya kilala…pero she was such a disaster. Lagi na lang siyang malas sa buhay ko starting kanina pa. “ sabi ni Jade habang sinasarado na ang shower. “ eh kasi naman pare di ba nga may kasabihan na pagnagsimula na sa malas ang araw mo maghapon nang malas” tumatawang sabi ni Bobby na kaibigan din ni Jade. “ oo na oo na…pero di ako naniniwala sa kasabihan” sabi ni Jade habang pinapatuyo ang sarili. “ change the topic na nga lang pare..musta na pala si Eloida?” tanong ni Jason. “ hayaan mong tumingin ung babaeng yon basta wag niya lang akong hahawakan… just look no touch!!!” sabi ni Jade habang nagbibihis. “ sabi mo eh…pero maganda din si Eloida” sabi ni Bobby “ kung di nga lang ikaw ang gusto ako na ang papatol doon” “ hayaan mo na lang kasi siya… “ sabi ni Jade nang matapos nang magbihis. Kararating lang namin ni Liz sa classroom. Medyo basa pa ang damit ko so I realized na hubarin na lang ang blouse ko tutal eh nakasando naman ako sa loob . Kesa naman pagtinginan nila ako dahil para akong bata na di marunong uminom nang juice kaya natapunan ang damit “ ano ang ginagawa mo?” tanong ni Joshua habang nakatingin sakin. “ ano ba sa tingin mo?” sabi ko “ umm,, no offense mei pero ang tingin ko eh naghuhubad ka” sabi ni Joshua Tumango lang ako habang tinatanggal pa rin isa isa ung butones nang blouse ko “ Mei ano ka ba? Pagnakita ka ni maam papagalitan ka nun” sabi sakin ni Joshua “ pangalawang araw ko palang toh pero ang dami ko nang record” pagmamaktol k okay Joshua “ so sigurado kang magtatanggal ka nang blouse?!!” manghang tanong niya “ eh ano namang masama para namang may titingin at para namang may titingnan sila. Mag- alis ako nang damit o hindi papagalitan din ako ni maam” sabi ko. Nakita kong nagtanggal nang polo si Joshua “ o ayan..miss pasaway… suutin mo na lang muna yan. “ sabi ni Joshua habang inaabot sakin ung polo niya “eh pano ka? Baka ikaw ang mapagalitan ni maam” sabi ko kay Joshua. “ Mei, di poh ako papagalitan ni maam dahil ok lang sa lalaki ang magtanggal nang damit kesa sainyong babae noh. Isa pa poh mas mabuti na yan kesa pagpiyestahan ka nang mga kaklase nating lalaki. Tumawa lang ako “ para namang may pagpipiyestahan sila? Pero josh panglalaki tong polo mo eh. Magmumukha akong half boy and half girl. Boy sa taas girl sa baba” sabi ko habang tumatawa “ Alam mo Mei mabuti na rin yan kesa wala di ba?” sabi ni Joshua habang isinusuot sakin ang polo niya “ Hay naku para akong bata na binibihisan pa. Akina nga kaya kong magsuot nang damit” sabi ko Ang totoo eh naiilang ako kasi pakiramdam ko di tama na siya pa ang maglalagay sakin nang damit ko maski naman alam kong nakasando ako and besides maski alam ko na di ako papatulan ni Joshua…syempre iba pa rin ung feeling noh!!! “ matanong ko lang poh…bakit poh ba may juice kayo sa damit…kaya tuloy para kang musmos na di alam kung anong gagawin” sabi ni Joshua habang tumatawa “ tapos nagrereklamo ka pa na ayaw mong bihisan kita dahil para kang bata” “ eh syempre…gnun un…natapunan lang poh ako nang juice dahil doon sa sobrang yabang na jade na un” sabi ko. “ si jade? Mabait naman un ah … “ sabi ni Joshua na para bang nagtataka “ mabait ba tawag dun???sori ah…d ko alam eh na mabait pala un… purkit popular mabait na” sabi ko Tumawa lamang si Joshua “ Alam mo Mei pikon ka…pero kung sinabi mong di mabait edi di siya mabait” “ yan tama yan” sabi ko habang tumatawa. Natigil kami ni Joshua sa pagbibiruan nang pumasok si Ms. Iglesias Hay tapos na rin ang klase sawakas!!! Nagmamadali akong ligpitin lahat ng gamit ko. Gustung gusto ko na kasing umuwi. Gusto ko nang maligo dahil lagkit na lagkit na ko dahil doon sa pagkatapon sakin ng juice. Gustong gusto ko na rin kumain dahil naubos ung energy ko sa lesson ni Maam Eglesias. Nakakapagod talaga!!! Pagod na rin ako kakaisip kay Jade na yun. Bahala na siya!!! As if naman magkakasalubong pa kami. I will never let it happen again...at kung mangyari man yon... I will have the last laugh " hoY!!! Tulala ka na naman" natatawang sabi ni Liz habang binagsak ung libro sa lamesa ko. " wag ka ngang manggulat nasisira ung pagiisip ko!!!" sabi ko habang pinagmamasdan si Liz " ayee..." nakangiting sabi ni Liz habang pasundot sundot pa sa tagiliran ko. " at para saan naman yang ayee mo?!!" sabi ko. Nagtaas pa ako ng kilay. Ang taray ko noh!!! " doon sa pagsusuot sau ng damit ni Josh" tumatawang sabi niya. Umarte pa si LIz na parang nagsusungit " nakakainis ka.... ba't mo kailangang landiin si papa josh ko" " papa ka diyan...papapain ko yang mukha mo eh" sabi ko " di ko siya nilalandi!!! Kung gusto mo sayong sayo na siya...." Doon ko lamang naalala na suot ko pala ung polo ni Josh. Patay!!! " nasan nga pala yung papa josh mo?" tanong ko habang inaayos parin ung gamit ko. Ang tagal kong mag ayos since napakarami kasing gamit eh. " di ko lam...di ba dapat ikaw ang nakakaalam noon.." tumatawang sabi niya. " hahaha...funny.." sarkastiko kong sabi " eh di di nakita aasarin kay josh... si papa jade ung iniisip mo kanina noh?" sabi ni Liz sabay sundot na naman nang tagiliran ko. Loka loka talaga tong babaeng toh " di noh...ba't ko siya iisipin..at kung iisipin ko man siya...iisipin ko kung paano ako makakaganti noh" sabi ko " ayee..." panunukso ni Liz " para saan na naman yang ayee mo aber" sabi ko habang nakataas na naman ang kilay ko " type mo si papa jade ko noh" pang aasar pa ni Liz habang tumatawa " di nga eh...di nga" nagmamaktol na ko.... " eh kasi sabi mo kung iisipin mo siya iisipin mo kung pano ka makakaganti meaning my dear... iniisip mo siya kanina" tumatawang sabi niya " hay naku...umiral ka na naman liz sa walang kwenta mong reasoning" sabi ko " fine fine fine.... pero last question" sabi niya habang pilyang ngumiti " ano un?" tanong ko " sinong mas type mo si papa josh o si papa jade?" tanong niya habang umastang parang nagdaday dreaming with matching batting eyelashes pa Talaga naman tong loka loka kong friend oh.. pero nagulat ako sa question niya " ano na sino???" pangungulit niya di ako makasagot.. di ko alam kung paano ako sasagot di ko alam isasagot ko .... ( To be continued)

Last edited by mitchelyn (2008-10-15 17:07:41)

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

Nice story.. :D I'll wait for the update!
As cicatrizes
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
14217
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b]awww~~kilig naman :wow: nice story sis.,i rarely read taglish stories. but i like yours.simple but nice. worth reading for.[/b]:cool::thumbsup:
losher29
» FTalkElite
FTalk Level: zero
5917
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

hahaha nice story I read it all. :lol:
jovie_toni
» FTalker
FTalk Level: zero
282
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

wow! nice story....:thumbsup: update na!:)
megumi028
» FTalkElite
FTalk Level: zero
3900
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

awts.. nice one.. me bgo nah aabangan.. haha.. waiting for d nx update..
_berii.^ü
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2494
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

woah. nice story. ;) akin na si papa josh! wahaha. =d wag ng makiepal. XD next na sis. :lol:
aljelyn13
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
514
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

nice story!:thumbsup: may bago na nman akong aabangan!:D hehehe...
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b]aiii e2 nga pla ang continue...xori L8 ha...ndi kc aq mkaOL at ndi aq mka acces ng FSTAlk s skol :crybaby:.... at L8 aq uwi knina :D ....keA banat type aq :lol: at icp :lol: tnxx s patient nyo :D xori din dobol post..... auq q kc mix ung stori bka kc magulohan kaU :D [/b]

Last edited by mitchelyn (2008-10-15 16:59:50)

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

" Hoy mei...sino na nga...sino na mastype mo?" " hi girls..." marahang sabi ni Josh sa di kalayuan. Thank God I was save by Josh...Thank you Josh...thank u so much. I smiled at him. " thanks nga poh pala sa polo" sabi ko " la un...." he told me habang kinuha ung bag na hawak ko. " ayee...ang sweet naman nila... ako papa josh di mo ba bubuhatin bag ko???" sabi ni Liza na nagbabatting eyelashes pa. pa cute talaga ang loka loka kaya binatukan ko nga " loka... di ka cute...acute ka!!!" sabi ko habang tumatawa " ah ganun....after all these years na magkasama tau...afterall the laughters we shared together...ginaganto mo na ko...hmmp" sabi ni Liza na umastang parang bata at inirap irapan ako. Nanonood lang samin si Joshua. Kainis di man lang ako tinulungan inaaway na nga ako nang bruhilda kong kaibigan " all these years ka diyan...2 days pa lang poh taung magkakilala." sabi ko habang tumatawa. nginitian niya ko " 2 days nga lang pero feeling ko inagaw mo nasakin mga papa ko" " ay ang bruha inartehan pa ko!!!" sabi ko " sige ka hihilahin ko ung buhok mo!!!" " para kaung mga bata..." nakangiting sabi ni Josh Namula ako. Nakalimutan kong nandoon nga pala si Joshua. Huhubarin ko na sana ung polo para ibigay sakanya. " ano yang ginagawa mo?" sabi niya sakin " isosoli ko na ung polo mo" sabi ko " wag na.... soli mo na lang sakin pag nahatid na kita sa haus mo kasi yaw kong pagpiyestahan ang mura mong katawan" sabi niya habang tumatawa " mura ka diyan... mahal yan noh.... billion halaga niyan" sabi ko habang tumatawa Tumawa rin si LIz " kayo bang dalwa ay magpapatuloy lang sa biruan kasi poh alam niyo naman na pagod na ko.... gusto ko ng umuwi" sabi ni Liz " oo na ... lalakad na nga eh" sabi ko habang binibitbit na ang bag ko Hinila ni Joshua yung bag ko " for this day kaw muna princess ko ako ang magbubuhat ng bag mo" sabi ni Joshua " ba't siya lang?" nagmamaktol na sabi ni Liz habang tinutulak ako palabas ng pinto. Sa kakatulak sakin ni LIz eh di ko namalayan na may tao pala sa labas ng pinto kaya nabunggo ako... Ouch ang sakit... It seems like napasa ang ilong ko " Aray ko!!! Napirat ata ilong ko pirat na nga napirat pa lalo" sabi ko habang hawak ung ilong ko Ang totoo eh di ang ilong ko ang masakit kundi ung ulo ko. Feeling ko nagkaroon ng malaking buko ang ulo ko " Di ka kasi nagiingat" sabi ng taong nasaharap ko. Actually familiar ung boses niya eh... his voice was too familiar di ko lang matandaan kung saan.... Teka...naalala ko na....di ko pedeng makalimutan ang boses ng ugok na un...Hindi di maaaring siya na naman!!! Marahan akong tumingala...afraid to look sa taong nabunggo ko. Oh no!!! Siya nga...si Jade ang nabunggo ko. KIlala ko toh...maski magshade pa siya nang mamahalin noh!!! Di naman matatakpan ng mamahalin niyang shades ung mukha niyang mukhang tokwa. " Mei Okay ka lang ba?" tanong sakin ni LIz Mukha ba akong ok?!!! Feeling ko merong mga starfish na umiikot sa ulunan ko!!! " yeah k lang ako.." sabi ko kay Liz. Tiningnan ko nang masama si Jade " Kaso sana di ka humarang sa dinadaan ko para di kita nabunggo tapos ikaw pa may ganang magmasungit...bwisit!!!" Inalis ni Jade ung shade na suot niya. " sinong tinatawag mong bwisit???" sabi ni Jade na nakataas ang kilay. Ewan ko b lagi na lang aristokratang umasta tong lalaking toh!!! Akala mo naman kasi kung sinong gwapo... " Sino pa nga ba... may bwisit pa ba sa buhay ko edi ba wala naman maliban sau" tinataasan ko na ung boses ko Pinagtitinginan na kami nang mga UP ( Ususera ng paaralan ). Napabuntong hininga si Jade. Di ko alam kung bakit pero masaya ako ... hahaha...sumuko rin siya sawakas... nanalo ako sa pakikipagtalo sakanya...this time siya ang napahiya hindi ako ... hahahah " Mei tama na yan" awat sakin ni Joshua Nakakalimutan kong kasama ko nga pala sina Liz at JOshua tuwing nakikipagaway ako kay Jade Sarkastikong ngumiti si Jade sakin. Ewan ko ba para bang makahulugan yung ngiti niya " we're not yet through..." sabi sakin ni Jade at tumingin siya kay Josh at nginitian niya yon " sige pare magingat na lang kau at ingat ka sa kasama mo.... parang amazona" Tumawa si Josh " sige insan ingat ka rin" Insan??? Tama ba rinig ko.... magpinsan sila ... teka repeat repeat repeat... ano nga ba ang sinabi ni Josh... insan??? Wa!!!!!!!!!!! " Mauna na ko sainyo at mukhang ihahatid mo pa tong amazonang babaeng toh" nakangiting sabi ni Jade habang naglakad papalayo. Natahimik kami nina liz, Josh at ako. Di ko alam kung magtatanong ba ako kung tama ang rinig ko or hahayaan ko na lang kasi baka di naman yon totoo. At saka eh ano kung magpinsan sila di ba??? AS if naman magkaugali sina Josh at si Jade. Si Jade yata ang black sheep nang pamilya nila unlike Josh para siyang angel na pinababa ni God para iligtas ako sa demonyong katulad ni Jade. " hatid niyo muna ako bago mo ihatid Josh si Mei sa bahay nila... you know naman na nakakatakot maglakad ng magisa" sabi ni Liz na hanggang tenga ang ngiti " sure...." sabi ni Josh. Tumingin sakin si Josh. Alam ko may iniisip siya di ko lang alam kung ano. " masyado kang tahimik ngayon Mei ah...kakapanibago" sabi ni Liz " huh? anong kakapanibago. di kaya" sabi ko. Ang totoo iniisip ko kung magpinsan nga ba talaga sina Jade at Josh. Sana di naman...oh no!!! Ayokong maging magpinsan sila kasi mayabang si jade at mabait si Josh Tumawa si Liz " malalim lalim lang kasi iniisip mo ngayon simula ng umalis tayo sa school para bang natahimik ka na" sabi ni Liz " ano ka ba Liz iniisip lang ni Mei kung paano niya isosoli sakin ung polo ko kasi baka amoy suka na un" tumatawang sabi ni Josh " Suka ka diyan" sabi ko habang hinabol ko si Josh. Gusto kong batukan TAwa lang nang tawa si Josh habang tumatakbo paikot ikot kay Liz " pasaway talaga kaung dalwa.... tama na nga at ayan na ang haus ko." sabi ni Liz " sige liz ingats ka" sabi namin. Naglakad kami ni Josh. Actually ang tahimik nga namin eh. Para bang nakakabingi ung katahimikang bumabalot samin dalawa " May gusto ka bang tanong Mei " marahang sabi ni JOshua " huh? ano naman ang tatanong ko sau" sabi ko habang ngumiti. Ang totoo di pa rin mawala sa isip ko kung magpinsan nga ba sila talaga. Ewan ko ba pero gusto kong malaman.... nagmumutiktik ang utak ko para malaman un " ewan ko sau.... feeling ko may gusto kang itanong " sabi ni Josh na ngumiti sakin. Grabe ang cute niyang mag smile " ano yan...makahulugang ngiti ba yan" sabi ko habang tumatawa " ano nga..ano gusto mong itanong...alam kong meron kaso natatakot ka lang" sabi niya " pano kung meron nga" sabi ko " eh basta ba masasagot ko eh " nakangiti parin si Joshua " totoo ba unbg sinabi mo nang tinawag mo siyang magpinsan kayo" marahan kong tanong kay Joshua. Namumula ako. As in pulang pula na para bang kulay kamatis Tumawa si Joshua " yup!! he's my cousin sa mother side. Kaya nga nagtataka ako sau nung sinabi mo kaninang mayabang si Jade eh kasi napakabait non. Medyo may pagkapilyo nga lang kasi nagiisang anak na lalaki" " Ah basta bwisit ung pinsan mo. simula nang nakasalubong ko siya kanina puro kamalasan na lang ang dumadating sa buhay ko. Ahh!!! Bwisit talaga. Kill Jade Kill Jade!!!" sabi ko. Para nga akong baliw kasi sa dami ba naman nang pagsasabihan ko eh pinsan pa niya. Tumawa nang malakas si Josh " di pala bagay sau ang magblouse kasi napakawild mo.... may pa kill kill kill ka pa diyan" sabi ni JOsh sakin habang tumatawa " ah ganun.... ibig mong sabihin mas bagay sakin na nakapolo ako" sabi ko " pano kung sabihin kong oo.... magagalit ka poh ba?" nakangiti niyang sabi " ba't naman ako magagalit.... hindi noh... as the matter of fact wala na kong planong isoli tong polo mo since bagay pala sakin" sabi ko habang tumatawa. Dumila ako kay Josh. " gusto mo lang ang amoy ko" sabi niya " feel mo... may kayabangan ka rin pala tulad ng pinsan mo" sabi ko habang tumatawa " hindi ako mayabang noh.... nageenjoy ka nga eh" sabi niya " sabagay...may point ka" sabi ko. [to be continued]

Last edited by mitchelyn (2008-10-17 10:04:27)

megumi028
» FTalkElite
FTalk Level: zero
3900
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

gosh.. wafu bga si josh.. haha.. ahm.. wanna know wats nx.. haha.. update na sis..
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

hehehe dont wori sisz upd8 aq mmeya :D
As cicatrizes
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
14217
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b]heeeeee~~reading this story makes me smile.,i like it's overall simplicity.[/b]=):thumbsup: [b]very nice story~~and at least i understand it.,haha~~i mean.,not just lines.,but there's something. ^________^[/b]
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b]tnx u like it....i will upd8 mor later... im stil workin on it :D[/b] [b]ohh yea tnxx for da repu too :)[/b]
_berii.^ü
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2494
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

waa. ahaha. akin na si papa josh ah! walang aagaw! XD next.next naa. :D
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

[b]cgeh cgeh sau n c josh :lol: w8 m lng upd8 q mmeya[/b]
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

hre the continue... Hay sawakas home sweet home. Nasa tapat na kami ni Joshua ng house ko " o ayan... nandito na tau sa haus mo. Sa susunod di na kita aaluking ihatid. Nakakapagod kang kasama. Ang daldal mo sa daan at napakapasaway mo pa" tumatawang sabi ni Josh na halatang pagod na pagod. " kasalanan mo yan paaluk aluk ka pa eh. Eh kung di mo ko inihatid edi sana di ka napagod" tumatawa ako. I know I know... I was laughing hard as in sobra. " Eh malay ko ba na ganun ka pala kadaldal...remember ngayon lang tau nagkakilala kaya i don't know u that much. Ngayon alam ko na na napaka ingay mo pla" tumatawa paring sabi ni JOshua dumila ako kay JOshua " beh!!! sabihin mo kaya mo ko inihatid dahil ayaw mong ibigay sakin ung polo mo" pangaasar ko Tumawa siya " di mo naman kailangan pang magkunwari na ayaw mo ung polo ko. All you need to do ay sabihin di ba? Ibibigay ko rin naman sau" sabi niya habang kumindat pa Ang loko loko. Napakaflirt rin pala nitong JOshua na toh... akala mo kung sinong tatahitahimik pagtumagal pala eh napakaingay " ah ganun...feeling mo naman hihingiin ko" sabi ko " sige na sau muna ung polo ko soli mo na lang pag nalaban mo na or sau na lang kung gusto mo" sabi niya habang tumatawa " lumayas ka na nga at may klase pa tau bukas...ang gulo mo" sabi ko habang tinutulak siya palayo sa gate nang bahay namin " nwei... Mei... nice meeting you...feeling ko ang tagal na kitang kilala" sabi niya natigil ako sa pagtutulak sakanya Namula ako.... I don't expect na sasabihin niya ung ganon I touched my face....grabe ang init init ng mukha ko and feeling ko nagblublush ako " Thanks ah....thanks sa polo and thanks rin na maski ngayong araw pa lang tau magkakilala eh napakalapit na nang loob ko sau" sabi ko Ginulo niya ang buhok ko " sige tulog ka na. Mahirap na baka magkasakit ka pa edi di mo napatulan ung insan ko" sabi niya sabay abot sakin ng bag ko " gud nyt mei!!!" " gud nyt din... see you tom" sabi ko while waving my hands. " namiss kita my room!!!" sabi ko habang hinagis ung gamit ko sa kama at humiga Napaupo ako... at napangiti " mabait naman pala si Josh eh...siguro magiging close kami ... nwei nakakainis talaga ung jade na un. Second day pa lang eh puro kamalasan na dumating sa buhay ko. Hay naku!!! Teka nga makuha nga yung diary ko para masulat ko ung mga nangyari sakin ngayong araw na toh...Nasan na nga ba un???" sabi ko habang hinahalungkat ung closet ko. AT last!!! After 10 years nakita ko na rin ang diary ko!!! Hehehe...syado ako noh nwei di naman 10 years mga ilang minuto lang naman Dear diary, Ito ang pinakamalas na araw sa buhay ko. pagpasok na pagpasok ko pa lang nang school eh late na ko and then di ko pa mahanap classroom ko. After that may nabunggo ako. Gwapo naman sana...ano ba Lyn...di siya gwapo...erase erase erase!!! Napakayabang nang nabunggo ko akala mo kung sinong gwapo eh mukha namang tokwa. Nwei... nakakahiya nga pagpasok ko kasi ako ung center of attraction pero atleast nandoon si JOshua. May itsura siya.... umm... kaso..nakakainis talaga ung Jade na un. Ah diary si jade nga pala ung nabunggo ko. Nabunggo ko na naman ulit nung recess at nung uwian. Ang yabang talaga ... lagi na lang ako minamalas tuwing nakikita ko pagmumukha niya natapunan tuloy ako ng juice. Alam mo ba diary na nalaman kong magpinsan pala sina jade at si joshua pero mas mabait naman si joshua. PInahiram pa ko ni joshua ng polo. Diary ...bwisit talaga ako sa araw na toh ... pero somehow enjoy ako nung nagusap kami ni Joshua. Sana laging ganto wag lang sisingit si mr. asungot. Sige diary till here na lang kasi babasahin ko pa ung libro ko para may masagot naman ako kahit papaano Pinatong ko ung pluma ko sa itaas nang aking libro at nagisip ng mababasang libro kaso puro mukha ni Jade ang pumapasok sa utak ko bwisit talaga!!! I grabbed my bag at hinanap ko ung libro ko. Pagbukas ko nang firstpage nakita ko ung name ni Jade... WA!!!! Nagkapalit yata kami ng libro!!!
megumi028
» FTalkElite
FTalk Level: zero
3900
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

waa.. haha.. iu na un.. juk lan.. away na naman kau nun.. haha.. update na sis.. ü
mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

hehehe...sori yan lng n upd8 q hanggan jn lng ntapoz q pag type weh :lol: pe0 e2 let ang continue I closed my eyes... siguro nananaginip lang ako..... akala ko libro ni jade tong hawak ko.... nananaginip ka lang Lyn...buksan mo ang mata mo at tingnan mo ulit Marahan kong binuksan ang aking mga mata....then nilayo ko ulit ang tingin ko... natatakot ako na baka libro nga ni Jade ang hawak ko... I'm afraid!!! Teka nga lang...ba't ba ko natatakot....eh ano kung libro niya toh... this will be my way to get revenge sa mga ginawa niya sakin kanina... Hahahha!!!! Tiningnan ko ang librong hawak ko at napasigaw ako " AHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Mabilis na kumatok ang kuya ko sa may pinto " Mei...nandiyan ka ba sa loob.. ok ka lang ba??? Bat ka sumisigaw...Mei buksan mo tong pinto..mei..." sunod sunod na sabi ng kuya Alex ko Mabilis kong tinago ung libro sa ilalim ng unan ko " ano poh yon kuya???" sabi ko habang nagmamadaling buksan ung lock ng pinto " ano ba ang nangyari sau at bakit tumitili ka... nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay ah" sabi niya sakin habang hinawakan ung noo ko " wala ka namang sakit ba't tumitili ka?" " ah eh... ah e.... " di ko matuloy tuloy na sabihin sa kuya ko kasi baka pagsinabi ko ung rason eh baka pagtawanan niya ko " ah eh..ano???" sabi niya " nawawala kasi respirator ko eh" sabi ko .... " di ko siya mahanap" malumanay kong sabi wishing na sana di niya mahalata na nagsisinungaling ako " kaw kasi napakaburara mo....hay naku MeiLyn ah...matulog ka na at gabi na ...bukas mo na lang hanapin respirator mo o kaya eh bili na lang tayo ng bago" sabi niya habang sinasarado ang pinto. I sighed as a sign of relief. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo na mahina ang puso ko. I'm having a hard time na huminga. Wala rin pala ang parents ko rito ang dad ko ay nasa Saudi samantalang ang mom ko naman ay nasa Hongkong kaya ito sa kuya Alex ko ako nakatira Naglakad ako palapit sa kama ko at hinila ko ung libro. This time binuklat ko na. Tiningnan ko ung name Jade Chris R. Lorenzo Mukhang mayaman ung name.... " Ah lorenzo pala apilido mo ah.... Nako mister Lorenzo maghanda ka dahil nakaharap ka nang katapat mo" sabi ko habang pilyang ngumiti sa room ni Jade... " Grabe ang malas malas naman ng araw ko ngayon...biruin mo nakakita ako nang bruha...bwisit talaga...nwei...nasan na ba ung libro ko " sabi ni Jade habang hinahalungkat ung libro niya sa bag niya BAkit kaya ganun??? Ang sungit sungit nung babaeng yon.... Akala mo kung sinong maganda di naman.... at napakapikon pa...biruin mo sabihan ba naman ako ng di gwapo akala mo kung sino..baka sa susunod eh siya ang hahabol habol sakin. Ano ba tong nangyayri sakin...Jade Chris R. Lorenzo tumigil ka na nga...wag mong isipin yung dimonyitang yon!!! Marahang kinuha ni Jade ang libro sa bag niya at binuklat niya yon. Something had catched his attentiion. Binasa niya yon " Meilyn C. Arguellias!!! Heck.... ba't ibang pangalan nakalagay dito!!!" malakas na napabulalas ni Jade nagisip isip si Jade kung kanino ung libro... naalala niya ang pagkakabunggo niya kay Mei. " sh*t for all people...ba't sakanya pa naswitch yung libro ko!!! Ahh!!!!!!!!!" napasigaw si Jade sa sobrang pagkakairita. Nakarinig siya ng katok sa pinto " kuya jade ok k lng poh ba...kasi sumisigaw ka eh" marahang sabi ng boses Napabuntong hininga si Jade.. " i'm fine Carylle.... matulog na kayo ni Jasmine.." sabi niya " eh kuya nagtataka kasi si ate Jasmine kung bakit ka raw sumisigaw" sabi ni Carylle. Si Carylle ang pinakabatang kapatid ni Jade. Sumunod kay Jade ay si Jasmine kaya ang bunso nila ay si Carylle " i'm fine... nahulog lng ung cellphone ko..." sabi ni Jade tumigil si Carylle sa kakakatok at bumaba ng hagdanan para lapitan ang kapatid na si Jasmine. " Oh Carylle anong sabi ni Kuya???" tanong ni Jasmine habang nakatitig sa kapatid. " he's fine raw nahulog lang daw ang cellphone niya..." sabi ni Carylle ngumiti si Jasmine sa kapatid " you don't need to worry that much dahil kayang kaya nang alagaan ni kuya ang sarili niya" sabi ni Jasmine " sige poh ate Jas...tulog na poh ako" sabi nito at umalis na para iwan ang kapatid. Nagiisip pa rin si Jade sa kwarto niya " sa anong paraan ko makukuha ang libro ko!!!" sabi ni Jade habang napapahilamos sa mukha. * beep...beep...* May nagtext sa cellphone niya Dahan dahang binuksan ni jade ung cellphone para tingnan kung sino ang nagtext sakanya. Napabuntong hininga lang si Jade...nagtetext sa kanya si Eloida. hi jade... mukhang bc ka sa pakikipag away sa babae kanina ah.... wala lang ... ingats and sweet dwims i love u...love Eloida Binuksan niya ung create new message at nagsimulang magtext loi...ingats ka rin...sana d ka na nag-abalang magtext....mauubos lang yang load mo...gud nyt rin and swit drims- Jade Oo nga't di niya masyadong gusto si Eloida pero d naman siyang marunong magpaiyak ng babae. Infact he hates it when he sees girls crying. Ayaw na ayaw niya kasi yon kasi paniniwala niyang girls are so vulnerable...well un ung paniniwala niya...except nang makilala niya si Mei kanina dahil ni hindi naman marunong sumuko si mei. Maya maya ay nagring ulit ung cell phone niya. Isang text na naman ang galing kay Eloida ba't naman walang i love u.... ang kuripot mo talaga sa letters.... ung text ang binabayaran at hindi ung letters sana naman noh...may i luv u o kaya iou...love u - Eloida Napabuntong hininga na naman si Jade. Di siya sanay na magsabi ng i love u sa isang babae lalo na sa babaeng di niya mahal. loi...i'll treat you tom na lang para makabawi sa pagtatampo mo ngayon...- jade Tinignan ulit ni Jade ung libro ... " kukunin ko ung libro ko kahit sa anong paraan..." " WA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko habang pawisan mabilis na binuksan nang kuya Alex ko ang pinto " Mei... ok ka lang ba??? anong nangyari sau ba't pawisan ka..." nagaalala niyang tanong habang pinupunasan ung tumutulo kong pawis Hay naku... maski 11 years ang gap namin ng kuya kong toh ... mahal na mahal ako niyan kahit na papaano Hinila ko ang kuya ko kaya muntik na siya mauntog sa headboard ng kama ko " ano bang nangyayari sau ah???" sabi ng kuya ko habang pinipilit niyang makawala sa hawak ko para haplusin ang masakit niyang ulo. " Wa!!! di toh maaari...di toh maaari...d ako makakapayag!!!" sabi ko habang may pailing iling pa ng ulo " bakit ba?? ano bang problema mo isa pang tanong ko ng bakit babatukan kita " sabi niya habang umuupo sa tabi ko " eh kasi... ah eh..." di ko na naman matuloy " ano nga ... iyan ka na naman sa ah eh mo eh " sabi ng kuya ko " eh kasi nanaginip ako" sabi ko " sus panaginip lang pala akala ko na kung ano" akmang tatayo ung kuya ko ng hinila ko siya " ano na naman?" " di mo man lang ba tatanungin kung ano ang panaginip ko???'' sabi ko " o sige na...ano ang napanaginipan mo" sabi ng kuya ko Hinagisan ko siya ng unan " ARay ko mei!!! para saan un???" sabi niya habang hinahagis sakin pabalik ang unan " wa!!! nanaginip ako ng lalakI" sabi ko Tumawa kuya ko. " Kaya pala nagtititili ka na parang kinukurot ang tumbong eh dahil nakapanaginip ka ng lalaki..ano ka ba baka mapaihi ka diyan sa kama o kaya nagwetdreams ka" sabi ng kuya ko Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " babae ako di ako lalaki kaya di ako magkakawetdreams.... at di ako nagtititili dahil doon" sabi ko habang pakunwaring nagsusungit " akala ko kasi lalaki ka kasi iniuntog mo ako kanina...eh bakit nga ba nagtitili kung lalaki lang pala" sabi ng kuya ko " eh kasi...." di ko matuloy " eh kasi ano???" sabi ng kuya ko " eh kasi.... nanaginip ako ng lalaki" sabi ko " eh alam ko na un eh... iniuulit mo lang" sabi niya habang napapakamot ng ulo " eh kasi ung lalaking napanaginipan ko eh ung kaaway ko" sabi ko " nako Mei baka kaya mo napanaginipan eh there's something between you two kaya mo inaaway" sabi ng kuya ko habang tumatawa Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " Aray para san naman un?" sabi niya " bumaba ka na nga wala kang kwentang kausap!!!" sabi ko habang nakasimangot " kaya minamalas ka kasi ang sungit mo lagi kang nakasimangot eh kaaga aga" sabi ng kuya ko habang tumatawa at pababa na " bumaba ka na rin at kumain....baka mahuli ka nanaman sa school mo" napakunot ako ng noo sa kuya ko Pano niya nalaman un? WA!!! BAka pagalitan niya ko Dito maaari kailangan makagawa ako ng excuse " sino naman may sabi sau ...as if naman paniniwalaan mo un eh alam mo naman sinisiraan niya lang ako." sabi ko Tumawa kuya ko... Teka ba't toh tumatawa/??? anong meron??? " o eh pano kung sabihin kong edi teacher mo ang naninira sau" sabi niya habang tumatawa Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " Aray para saan naman un ... nakakarami ka na" sabi niya habang binato sakin pabalik ung unan " ibig sabihin non bumaba ka na... unless gusto mong makita ung beautiful sister mong magbihis." sabi ko habang kumindat Napataas lang nang kamay ang kuya ko. Senyas na suko na siya sa pakikipagtalo o pangaasar sakin " bababa na ko kesa naman makita ko ang pangit mong katawan...it will be a torture to me sa oras na mangyari un" sabi niya habang tumatawa at sinasarado ung pinto " Ang yabang mo!!!" sabi ko habang tumatayo na sa malambot kong bed.
aljelyn13
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
514
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

nice story... nxt chap plz...
  • ARCHIVES 
  • » [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 14:17

[ 10 queries - 0.051 second ]
Privacy Policy