2008-10-17 09:57:41

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

[b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

hehehe...sori yan lng n upd8 q hanggan jn lng ntapoz q pag type weh :lol: pe0 e2 let ang continue I closed my eyes... siguro nananaginip lang ako..... akala ko libro ni jade tong hawak ko.... nananaginip ka lang Lyn...buksan mo ang mata mo at tingnan mo ulit Marahan kong binuksan ang aking mga mata....then nilayo ko ulit ang tingin ko... natatakot ako na baka libro nga ni Jade ang hawak ko... I'm afraid!!! Teka nga lang...ba't ba ko natatakot....eh ano kung libro niya toh... this will be my way to get revenge sa mga ginawa niya sakin kanina... Hahahha!!!! Tiningnan ko ang librong hawak ko at napasigaw ako " AHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Mabilis na kumatok ang kuya ko sa may pinto " Mei...nandiyan ka ba sa loob.. ok ka lang ba??? Bat ka sumisigaw...Mei buksan mo tong pinto..mei..." sunod sunod na sabi ng kuya Alex ko Mabilis kong tinago ung libro sa ilalim ng unan ko " ano poh yon kuya???" sabi ko habang nagmamadaling buksan ung lock ng pinto " ano ba ang nangyari sau at bakit tumitili ka... nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay ah" sabi niya sakin habang hinawakan ung noo ko " wala ka namang sakit ba't tumitili ka?" " ah eh... ah e.... " di ko matuloy tuloy na sabihin sa kuya ko kasi baka pagsinabi ko ung rason eh baka pagtawanan niya ko " ah eh..ano???" sabi niya " nawawala kasi respirator ko eh" sabi ko .... " di ko siya mahanap" malumanay kong sabi wishing na sana di niya mahalata na nagsisinungaling ako " kaw kasi napakaburara mo....hay naku MeiLyn ah...matulog ka na at gabi na ...bukas mo na lang hanapin respirator mo o kaya eh bili na lang tayo ng bago" sabi niya habang sinasarado ang pinto. I sighed as a sign of relief. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo na mahina ang puso ko. I'm having a hard time na huminga. Wala rin pala ang parents ko rito ang dad ko ay nasa Saudi samantalang ang mom ko naman ay nasa Hongkong kaya ito sa kuya Alex ko ako nakatira Naglakad ako palapit sa kama ko at hinila ko ung libro. This time binuklat ko na. Tiningnan ko ung name Jade Chris R. Lorenzo Mukhang mayaman ung name.... " Ah lorenzo pala apilido mo ah.... Nako mister Lorenzo maghanda ka dahil nakaharap ka nang katapat mo" sabi ko habang pilyang ngumiti sa room ni Jade... " Grabe ang malas malas naman ng araw ko ngayon...biruin mo nakakita ako nang bruha...bwisit talaga...nwei...nasan na ba ung libro ko " sabi ni Jade habang hinahalungkat ung libro niya sa bag niya BAkit kaya ganun??? Ang sungit sungit nung babaeng yon.... Akala mo kung sinong maganda di naman.... at napakapikon pa...biruin mo sabihan ba naman ako ng di gwapo akala mo kung sino..baka sa susunod eh siya ang hahabol habol sakin. Ano ba tong nangyayri sakin...Jade Chris R. Lorenzo tumigil ka na nga...wag mong isipin yung dimonyitang yon!!! Marahang kinuha ni Jade ang libro sa bag niya at binuklat niya yon. Something had catched his attentiion. Binasa niya yon " Meilyn C. Arguellias!!! Heck.... ba't ibang pangalan nakalagay dito!!!" malakas na napabulalas ni Jade nagisip isip si Jade kung kanino ung libro... naalala niya ang pagkakabunggo niya kay Mei. " sh*t for all people...ba't sakanya pa naswitch yung libro ko!!! Ahh!!!!!!!!!" napasigaw si Jade sa sobrang pagkakairita. Nakarinig siya ng katok sa pinto " kuya jade ok k lng poh ba...kasi sumisigaw ka eh" marahang sabi ng boses Napabuntong hininga si Jade.. " i'm fine Carylle.... matulog na kayo ni Jasmine.." sabi niya " eh kuya nagtataka kasi si ate Jasmine kung bakit ka raw sumisigaw" sabi ni Carylle. Si Carylle ang pinakabatang kapatid ni Jade. Sumunod kay Jade ay si Jasmine kaya ang bunso nila ay si Carylle " i'm fine... nahulog lng ung cellphone ko..." sabi ni Jade tumigil si Carylle sa kakakatok at bumaba ng hagdanan para lapitan ang kapatid na si Jasmine. " Oh Carylle anong sabi ni Kuya???" tanong ni Jasmine habang nakatitig sa kapatid. " he's fine raw nahulog lang daw ang cellphone niya..." sabi ni Carylle ngumiti si Jasmine sa kapatid " you don't need to worry that much dahil kayang kaya nang alagaan ni kuya ang sarili niya" sabi ni Jasmine " sige poh ate Jas...tulog na poh ako" sabi nito at umalis na para iwan ang kapatid. Nagiisip pa rin si Jade sa kwarto niya " sa anong paraan ko makukuha ang libro ko!!!" sabi ni Jade habang napapahilamos sa mukha. * beep...beep...* May nagtext sa cellphone niya Dahan dahang binuksan ni jade ung cellphone para tingnan kung sino ang nagtext sakanya. Napabuntong hininga lang si Jade...nagtetext sa kanya si Eloida. hi jade... mukhang bc ka sa pakikipag away sa babae kanina ah.... wala lang ... ingats and sweet dwims i love u...love Eloida Binuksan niya ung create new message at nagsimulang magtext loi...ingats ka rin...sana d ka na nag-abalang magtext....mauubos lang yang load mo...gud nyt rin and swit drims- Jade Oo nga't di niya masyadong gusto si Eloida pero d naman siyang marunong magpaiyak ng babae. Infact he hates it when he sees girls crying. Ayaw na ayaw niya kasi yon kasi paniniwala niyang girls are so vulnerable...well un ung paniniwala niya...except nang makilala niya si Mei kanina dahil ni hindi naman marunong sumuko si mei. Maya maya ay nagring ulit ung cell phone niya. Isang text na naman ang galing kay Eloida ba't naman walang i love u.... ang kuripot mo talaga sa letters.... ung text ang binabayaran at hindi ung letters sana naman noh...may i luv u o kaya iou...love u - Eloida Napabuntong hininga na naman si Jade. Di siya sanay na magsabi ng i love u sa isang babae lalo na sa babaeng di niya mahal. loi...i'll treat you tom na lang para makabawi sa pagtatampo mo ngayon...- jade Tinignan ulit ni Jade ung libro ... " kukunin ko ung libro ko kahit sa anong paraan..." " WA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko habang pawisan mabilis na binuksan nang kuya Alex ko ang pinto " Mei... ok ka lang ba??? anong nangyari sau ba't pawisan ka..." nagaalala niyang tanong habang pinupunasan ung tumutulo kong pawis Hay naku... maski 11 years ang gap namin ng kuya kong toh ... mahal na mahal ako niyan kahit na papaano Hinila ko ang kuya ko kaya muntik na siya mauntog sa headboard ng kama ko " ano bang nangyayari sau ah???" sabi ng kuya ko habang pinipilit niyang makawala sa hawak ko para haplusin ang masakit niyang ulo. " Wa!!! di toh maaari...di toh maaari...d ako makakapayag!!!" sabi ko habang may pailing iling pa ng ulo " bakit ba?? ano bang problema mo isa pang tanong ko ng bakit babatukan kita " sabi niya habang umuupo sa tabi ko " eh kasi... ah eh..." di ko na naman matuloy " ano nga ... iyan ka na naman sa ah eh mo eh " sabi ng kuya ko " eh kasi nanaginip ako" sabi ko " sus panaginip lang pala akala ko na kung ano" akmang tatayo ung kuya ko ng hinila ko siya " ano na naman?" " di mo man lang ba tatanungin kung ano ang panaginip ko???'' sabi ko " o sige na...ano ang napanaginipan mo" sabi ng kuya ko Hinagisan ko siya ng unan " ARay ko mei!!! para saan un???" sabi niya habang hinahagis sakin pabalik ang unan " wa!!! nanaginip ako ng lalakI" sabi ko Tumawa kuya ko. " Kaya pala nagtititili ka na parang kinukurot ang tumbong eh dahil nakapanaginip ka ng lalaki..ano ka ba baka mapaihi ka diyan sa kama o kaya nagwetdreams ka" sabi ng kuya ko Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " babae ako di ako lalaki kaya di ako magkakawetdreams.... at di ako nagtititili dahil doon" sabi ko habang pakunwaring nagsusungit " akala ko kasi lalaki ka kasi iniuntog mo ako kanina...eh bakit nga ba nagtitili kung lalaki lang pala" sabi ng kuya ko " eh kasi...." di ko matuloy " eh kasi ano???" sabi ng kuya ko " eh kasi.... nanaginip ako ng lalaki" sabi ko " eh alam ko na un eh... iniuulit mo lang" sabi niya habang napapakamot ng ulo " eh kasi ung lalaking napanaginipan ko eh ung kaaway ko" sabi ko " nako Mei baka kaya mo napanaginipan eh there's something between you two kaya mo inaaway" sabi ng kuya ko habang tumatawa Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " Aray para san naman un?" sabi niya " bumaba ka na nga wala kang kwentang kausap!!!" sabi ko habang nakasimangot " kaya minamalas ka kasi ang sungit mo lagi kang nakasimangot eh kaaga aga" sabi ng kuya ko habang tumatawa at pababa na " bumaba ka na rin at kumain....baka mahuli ka nanaman sa school mo" napakunot ako ng noo sa kuya ko Pano niya nalaman un? WA!!! BAka pagalitan niya ko Dito maaari kailangan makagawa ako ng excuse " sino naman may sabi sau ...as if naman paniniwalaan mo un eh alam mo naman sinisiraan niya lang ako." sabi ko Tumawa kuya ko... Teka ba't toh tumatawa/??? anong meron??? " o eh pano kung sabihin kong edi teacher mo ang naninira sau" sabi niya habang tumatawa Binato ko ulit ng unan ang kuya ko " Aray para saan naman un ... nakakarami ka na" sabi niya habang binato sakin pabalik ung unan " ibig sabihin non bumaba ka na... unless gusto mong makita ung beautiful sister mong magbihis." sabi ko habang kumindat Napataas lang nang kamay ang kuya ko. Senyas na suko na siya sa pakikipagtalo o pangaasar sakin " bababa na ko kesa naman makita ko ang pangit mong katawan...it will be a torture to me sa oras na mangyari un" sabi niya habang tumatawa at sinasarado ung pinto " Ang yabang mo!!!" sabi ko habang tumatayo na sa malambot kong bed.

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 20:20

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy