" Hoy mei...sino na nga...sino na mastype mo?"
" hi girls..." marahang sabi ni Josh sa di kalayuan.
Thank God I was save by Josh...Thank you Josh...thank u so much.
I smiled at him.
" thanks nga poh pala sa polo" sabi ko
" la un...." he told me habang kinuha ung bag na hawak ko.
" ayee...ang sweet naman nila... ako papa josh di mo ba bubuhatin bag ko???" sabi ni Liza na nagbabatting eyelashes pa.
pa cute talaga ang loka loka kaya binatukan ko nga
" loka... di ka cute...acute ka!!!" sabi ko habang tumatawa
" ah ganun....after all these years na magkasama tau...afterall the laughters we shared together...ginaganto mo na ko...hmmp" sabi ni Liza na umastang parang bata at inirap irapan ako.
Nanonood lang samin si Joshua. Kainis di man lang ako tinulungan inaaway na nga ako nang bruhilda kong kaibigan
" all these years ka diyan...2 days pa lang poh taung magkakilala." sabi ko habang tumatawa.
nginitian niya ko
" 2 days nga lang pero feeling ko inagaw mo nasakin mga papa ko"
" ay ang bruha inartehan pa ko!!!" sabi ko " sige ka hihilahin ko ung buhok mo!!!"
" para kaung mga bata..." nakangiting sabi ni Josh
Namula ako. Nakalimutan kong nandoon nga pala si Joshua.
Huhubarin ko na sana ung polo para ibigay sakanya.
" ano yang ginagawa mo?" sabi niya sakin
" isosoli ko na ung polo mo" sabi ko
" wag na.... soli mo na lang sakin pag nahatid na kita sa haus mo kasi yaw kong pagpiyestahan ang mura mong katawan" sabi niya habang tumatawa
" mura ka diyan... mahal yan noh.... billion halaga niyan" sabi ko habang tumatawa
Tumawa rin si LIz
" kayo bang dalwa ay magpapatuloy lang sa biruan kasi poh alam niyo naman na pagod na ko.... gusto ko ng umuwi" sabi ni Liz
" oo na ... lalakad na nga eh" sabi ko habang binibitbit na ang bag ko
Hinila ni Joshua yung bag ko
" for this day kaw muna princess ko ako ang magbubuhat ng bag mo" sabi ni Joshua
" ba't siya lang?" nagmamaktol na sabi ni Liz habang tinutulak ako palabas ng pinto.
Sa kakatulak sakin ni LIz eh di ko namalayan na may tao pala sa labas ng pinto kaya nabunggo ako...
Ouch ang sakit... It seems like napasa ang ilong ko
" Aray ko!!! Napirat ata ilong ko pirat na nga napirat pa lalo" sabi ko habang hawak ung ilong ko
Ang totoo eh di ang ilong ko ang masakit kundi ung ulo ko.
Feeling ko nagkaroon ng malaking buko ang ulo ko
" Di ka kasi nagiingat" sabi ng taong nasaharap ko.
Actually familiar ung boses niya eh... his voice was too familiar di ko lang matandaan kung saan.... Teka...naalala ko na....di ko pedeng makalimutan ang boses ng ugok na un...Hindi di maaaring siya na naman!!!
Marahan akong tumingala...afraid to look sa taong nabunggo ko.
Oh no!!! Siya nga...si Jade ang nabunggo ko. KIlala ko toh...maski magshade pa siya nang mamahalin noh!!! Di naman matatakpan ng mamahalin niyang shades ung mukha niyang mukhang tokwa.
" Mei Okay ka lang ba?" tanong sakin ni LIz
Mukha ba akong ok?!!! Feeling ko merong mga starfish na umiikot sa ulunan ko!!!
" yeah k lang ako.." sabi ko kay Liz. Tiningnan ko nang masama si Jade " Kaso sana di ka humarang sa dinadaan ko para di kita nabunggo tapos ikaw pa may ganang magmasungit...bwisit!!!"
Inalis ni Jade ung shade na suot niya.
" sinong tinatawag mong bwisit???" sabi ni Jade na nakataas ang kilay.
Ewan ko b lagi na lang aristokratang umasta tong lalaking toh!!! Akala mo naman kasi kung sinong gwapo...
" Sino pa nga ba... may bwisit pa ba sa buhay ko edi ba wala naman maliban sau" tinataasan ko na ung boses ko
Pinagtitinginan na kami nang mga UP ( Ususera ng paaralan ).
Napabuntong hininga si Jade. Di ko alam kung bakit pero masaya ako ... hahaha...sumuko rin siya sawakas... nanalo ako sa pakikipagtalo sakanya...this time siya ang napahiya hindi ako ... hahahah
" Mei tama na yan" awat sakin ni Joshua
Nakakalimutan kong kasama ko nga pala sina Liz at JOshua tuwing nakikipagaway ako kay Jade
Sarkastikong ngumiti si Jade sakin. Ewan ko ba para bang makahulugan yung ngiti niya
" we're not yet through..." sabi sakin ni Jade at tumingin siya kay Josh at nginitian niya yon " sige pare magingat na lang kau at ingat ka sa kasama mo.... parang amazona"
Tumawa si Josh " sige insan ingat ka rin"
Insan??? Tama ba rinig ko.... magpinsan sila ... teka repeat repeat repeat... ano nga ba ang sinabi ni Josh... insan??? Wa!!!!!!!!!!!
" Mauna na ko sainyo at mukhang ihahatid mo pa tong amazonang babaeng toh" nakangiting sabi ni Jade habang naglakad papalayo.
Natahimik kami nina liz, Josh at ako.
Di ko alam kung magtatanong ba ako kung tama ang rinig ko or hahayaan ko na lang kasi baka di naman yon totoo. At saka eh ano kung magpinsan sila di ba???
AS if naman magkaugali sina Josh at si Jade. Si Jade yata ang black sheep nang pamilya nila unlike Josh para siyang angel na pinababa ni God para iligtas ako sa demonyong katulad ni Jade.
" hatid niyo muna ako bago mo ihatid Josh si Mei sa bahay nila... you know naman na nakakatakot maglakad ng magisa" sabi ni Liz na hanggang tenga ang ngiti
" sure...." sabi ni Josh. Tumingin sakin si Josh. Alam ko may iniisip siya di ko lang alam kung ano.
" masyado kang tahimik ngayon Mei ah...kakapanibago" sabi ni Liz
" huh? anong kakapanibago. di kaya" sabi ko.
Ang totoo iniisip ko kung magpinsan nga ba talaga sina Jade at Josh.
Sana di naman...oh no!!! Ayokong maging magpinsan sila kasi mayabang si jade at mabait si Josh
Tumawa si Liz
" malalim lalim lang kasi iniisip mo ngayon simula ng umalis tayo sa school para bang natahimik ka na" sabi ni Liz
" ano ka ba Liz iniisip lang ni Mei kung paano niya isosoli sakin ung polo ko kasi baka amoy suka na un" tumatawang sabi ni Josh
" Suka ka diyan" sabi ko habang hinabol ko si Josh.
Gusto kong batukan
TAwa lang nang tawa si Josh habang tumatakbo paikot ikot kay Liz
" pasaway talaga kaung dalwa.... tama na nga at ayan na ang haus ko." sabi ni Liz
" sige liz ingats ka" sabi namin.
Naglakad kami ni Josh. Actually ang tahimik nga namin eh. Para bang nakakabingi ung katahimikang bumabalot samin dalawa
" May gusto ka bang tanong Mei " marahang sabi ni JOshua
" huh? ano naman ang tatanong ko sau" sabi ko habang ngumiti.
Ang totoo di pa rin mawala sa isip ko kung magpinsan nga ba sila talaga.
Ewan ko ba pero gusto kong malaman.... nagmumutiktik ang utak ko para malaman un
" ewan ko sau.... feeling ko may gusto kang itanong " sabi ni Josh na ngumiti sakin.
Grabe ang cute niyang mag smile
" ano yan...makahulugang ngiti ba yan" sabi ko habang tumatawa
" ano nga..ano gusto mong itanong...alam kong meron kaso natatakot ka lang" sabi niya
" pano kung meron nga" sabi ko
" eh basta ba masasagot ko eh " nakangiti parin si Joshua
" totoo ba unbg sinabi mo nang tinawag mo siyang magpinsan kayo" marahan kong tanong kay Joshua.
Namumula ako. As in pulang pula na para bang kulay kamatis
Tumawa si Joshua
" yup!! he's my cousin sa mother side. Kaya nga nagtataka ako sau nung sinabi mo kaninang mayabang si Jade eh kasi napakabait non. Medyo may pagkapilyo nga lang kasi nagiisang anak na lalaki"
" Ah basta bwisit ung pinsan mo. simula nang nakasalubong ko siya kanina puro kamalasan na lang ang dumadating sa buhay ko. Ahh!!! Bwisit talaga. Kill Jade Kill Jade!!!" sabi ko.
Para nga akong baliw kasi sa dami ba naman nang pagsasabihan ko eh pinsan pa niya.
Tumawa nang malakas si Josh
" di pala bagay sau ang magblouse kasi napakawild mo.... may pa kill kill kill ka pa diyan" sabi ni JOsh sakin habang tumatawa
" ah ganun.... ibig mong sabihin mas bagay sakin na nakapolo ako" sabi ko
" pano kung sabihin kong oo.... magagalit ka poh ba?" nakangiti niyang sabi
" ba't naman ako magagalit.... hindi noh... as the matter of fact wala na kong planong isoli tong polo mo since bagay pala sakin" sabi ko habang tumatawa.
Dumila ako kay Josh.
" gusto mo lang ang amoy ko" sabi niya
" feel mo... may kayabangan ka rin pala tulad ng pinsan mo" sabi ko habang tumatawa
" hindi ako mayabang noh.... nageenjoy ka nga eh" sabi niya
" sabagay...may point ka" sabi ko.
[to be continued]
Last edited by mitchelyn (2008-10-17 10:04:27)