2008-10-18 11:45:19

Phynne06
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
589
0
1969-12-31

Re: Hi everyone! sana po magustuhan niyo yung story na isusulat ko :D sa totoo lang madami na akong stories na hindi ko matapos-tapos kasi pag sinumpong ako, di ko na itutuloy yun ulit kahit kailan.. so i

[spoiler]update ko na ang next chappie mga sis! LOL. hindi ko kayo matiis. set-aside ko muna yung mga school papers. may bukas pa naman :D hahaÜ[/spoiler] [b]CHAPTER 3[/b] “Hi ma! Hi pa! :) ” and I kissed them both.. “anak, sino siya?” tanong ni mama. “ma, pa, si drew.. dun lang siya sa humble street nakatira.. schoolmate ko.. senior na din siya pero iba siyang section :D” “good afternoon po..” tsaka siya nag-mano kina mama at papa.. At nagbulungan sina mama at papa.. naku. Malaking gulo to. Dapat kasi inabisuhan ko muna sila eh.. at matapos silang magbulungan… “iho, maupo ka muna dito..” at inakay siya ni papa sa couch.. “at ikaw Ms. Ayesha Rinelle Hernandez, sumunod ka sa akin..” serious ang mukha ni mama.. naku.. kinakabahan tuloy ako.. ;) At dinala ako ni mama sa kusina.. “ma sory, sory talaga. :cry: Di ko na po uulitin.. di na po ako ulit tatanggap ng lalaking bisita. First and last na po si drew.. ma, wag na kayong magalit please? Ma di ko naman po kasi alam na magagalit kayo ni papa eh.. sa sususnod po magpapaalam na po ako sa inyo ni papa bago tumanggap ng bisita.. :crybaby: Ma, I promise na----“ At isang malakas na pag-batok ang natanggap ko kay mama. “sira ka talaga. :D Andami mo pang sinasabi jan eh di naman kami galit ng papa mo..” sinabi ni mama habang tumatawa siya.. “talaga ma?? :o ” at naki-tawa ako kay mama.. “oo ganun nga anak, mukha naman kasing matino yang si drew eh.. tinatanong nga pala ng papa mo kung manliligaw mo ba siya o kaibigan lang talaga??” :paranoid: “ma naman, friends lang kami nung tao.. as in friends :D” “loka-loka! Wag mo ng pakawalan yan anak! Grab the opportunity! Minsan lang dumating sa buhay mo ang ganyang klaseng tao..” grabe naman tong si mama, parang kulang na lang ipakasal na kami ni drew.. pero infairness, ang saya-saya naman.. boto ang parents ko sa kanya :eh: Galing noh? Para kaming magkakabarkada nina mama at papa.. kung tutuusin, mahal na mahal ko silang dalawa kasi kalog sila tulad ko.. sabagay, kanino pa ba naman ako magmamana? LOL. And back to my story..Ü “ma naman, ni hindi ko nga alam kung may gf na yung tao eh.. tsaka dadating din kami sa ganung punto..Ü” at nakipag-apir ako kay mama.. “o siya, lumabas ka na dun sa sala.. maghahanda na ako ng snacks niyo..” “ma, tulungan na kita..” “wag na, i-entertain mo na ang bisita mo at pagkatapos nun ay papuntahin mo dito ang papa mo..” “opo ma.Ü” --At pagdating ko sa sala… I was so shocked ng Makita ko si papa at drew na masayang nag-uusap.. tae! Patay na! baka kinwento na ako ni papa kay drew.. at nasapo ko na lang ang noo ko sa kamay ko.. “o iha nanjan ka na pala.. halika dito..” “hello pa. :) ” “napaka-bait naman pala nitong si drew iha.. napagkasunduan na namin na ipapaubaya na kita sa kanya anak.. maganda naman kasi ang family background niya..” “ha?!?! :o Pa naman, kaibigan ko lang naman yun tao tapos ipapaubaya mo na agad ako sa kanya??” shocked ako sa ikinikilos ng parents ko.. “iha naman, hindi naman masamang tao itong si drew, laki siya sa isang matinong pamilya.. siguradong kaya ka niyang alagaan.. and one more thing anak, kaibigan pala siya ni eiron eh.. mabait na bata din yaong si eiron..” “ah.. oo nga pala pa, nakalimutan kong sabihin sa inyo ni mama yun.. baka daw lumipat na sina lex at eiron sa sampaloc after nilang maikasal.. teka pa, kelan na kasi ang kasal nung dalawa??” “matagal pa.. sa susunod pang taon..” “okay pa.. salamat po..” “o sige.. maiwan ko muna kayo jan..” “sige po tito.. ingat po kayo..” sabi naman ni Andrew.. Ang hilig talagang may pahabol nito sa huli.. hahahaÜ napatingin ako sa kanya.. nakatingin pala siya sakin.. nakuu.. wag kang ganyan drew.. talagang titig na titig siya sa mata ko.. tae. Tama na please? Drew.. nalulusaw na ako.. nahuhulog na ako sayo :D hahaÜ ang epal ko.. “hmm, yesh?” At nabasag na ang aming katahimikan.. “ah- eh bakit drew??” “ang bait ng mama at papa mo..  wala akong masabi sa family mo..” “ah ganun ba? Ganyan talaga sina papa.. ngayon lang kasi ako nagpapasok ng lalaking bisita sa bahay namin sa buong buhay ko..” at tsaka ako tumawa.. “wow. Ang swerte ko naman pala kasi ako pa ang unang lalaking bisita na nakapasok sa bahay niyo” tsaka siya nag-smile sakin.. “oo nga eh.. akala ko kanina magagalit sina papa.. anyway, change topic.. mukhang ayos na ayos kayo ni papa ah??” “ah? heheheÜ hindi naman masyado..” At biglang umeksena si mama na may dalang tray ng snacks namin.. kaso um-exit din siya kaagad.. “mind if I ask you kung ano yung napagkwentuhan niyo ni papa?” kinakabahan kasi ako.. tae. Ano kaya yung pinagsasasabi ni papa. “curious lang kasi ako” at nag-smile na lang ako.. “ahh wala yun.. sabi ng papa mo mahal na mahal ka daw nila ng mama mo kaya hinihntay ka din daw nilang magkaboyfriend para naman daw mas sumaya ka.. nagulat nga daw sila ng mama mo nung Makita nila ako kanina.. akala daw nila boyfriend mo ako..” “ahh.. ganun ba? Naku si papa talaga..” buti na lang at yun lang ung mga ikinwento ni papa. =) “hmm yesh.. sabi ko sa papa mo, manliligaw ako sayo..” serious na naman ang mukha niya.. :O Tae. Totoo ba ang narinig ko?? Tae talaga. Bakit?? Drew naman.. ngayon lang mangyayari ang ganito sa buong buhay ko.. shocked mode again. “What?! :o Are you crazy drew? I mean, di ba ngayon mo pa lang ako nakilala?? Lam mo madami akong bad attitudes. Moody akong tao tapos magulo ako pag natutulog tapos minsan naghihilik pa ako.. minsan nga nag-sleepwalk pa ako eh..” naku! Hindi nga sinabi ni papa yung mg ayun pero ako naman yung nagsabi. Tae ka talaga yesh. Ang bunganga mo hindi mo maisara. Napansin kong tumatawa na pala siya sa mga sinasabi ko.. aww. I was so embarrassed.. “disappointed??” tanong ko. Baka kasi saka-sakali ay magbago ang isip niya. “nope. Mas na turn-on pa ako sayo. :D you are so unique yesh. At ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang babae..” At bago pa ako nakapag-salita.. he sealed me with a kiss.. :o sandali lang naman yun. Smack lang. “yesh, sorry.. nabigla lang ako.” “no drew, its ok.. :| anyway, dumidilim na.. baka gabihin ka pa dito sa bahay..” “oo nga eh.. alis na ako.. bukas ng umaga sabay na tayong papasok.. wait mo ako lagi pag umaga ha?” “ha? Naku wag na. kaya ko naman.” “no. gusto ko lagi kang safe..” “ha? Eh.. salamat :)” “sige alis na ako.. I enjoyed my stay here :D sana lagi akong welcome dito.” “don’t worry, you are always welcome here drew.. sige na baka gabihin ka pa.. ingat ka..” At hinatid ko na siya sa gate.. “yesh..... I love you..” :wow: :wow: :wow: At pumasok na siya sa sasakyan niya.. :o ganito ba talaga ang lalaking to? mahilig sa pahabol lines? tae. [i]--to be continued.. more updates to come sissies! :D[/i]

Last edited by Phynne06 (2008-10-18 11:48:14)

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 10:18

[ 12 queries - 0.021 second ]
Privacy Policy