Re: isa akong taong simbahan.
pero nung naitalakay na namin sa filipino yung Noli Me Tangere noong 3rd year ako,
naapektuhan ang paniniwala ko.
kailangan ba talaga laging nagsisimba, pwede naman magdasa
Nag-aral ako sa isang Christian school nung elementary ako, naging aktibo ako sa simbahang Katoliko nung highschool palang ako pero napag-isip isip ko na puro walang katuturan din ang pagiging malapit ko sa simbahan dahil wala na talaga ang pananamapalataya sa Panginoon sa mga panahon ngayon.
Ang masasabi ko lang, marami sa mga taong simbahan ngayon ay ubod ng [u]ipokrito[/u]. Bakit? Oo nga, palasimba nga pero kung magmura talong talo pa mga palengkera at skwater kung saan saan. Madami na akong naeencounter na masasama ang ugali at yung mga talagang "loyal" ay masyado atang na-brainwash para gawing recuiting agency ang mga fellowship nila. Masyado ring makasarili ang mga religion, gusto nila stick-to-one ang mga tao lalong lalo na "para daw derecho sa langit ang punta nila".
Nakakawalang gana tingnan ang mga katulad ng ganito. Sa mga pag-aaral ko wala talagang Diyos kaya sorry na lang.
Sorry kung may mao-offense sa mga sinabi ko ha? Laki talaga ng hinanakit ko sa mga ganyan. Para akong niloko sa totoo lang.