2008-10-21 12:43:22

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

Binili ako ng food ni papa josh. Ang bait bait nga niya eh ...but at the same time di pa rin mawala sa isip ko si Jade Di ko nga alam kung bakit... Iniisip ko kung bakit magkasama sila ng loi na yon edi hamak naman namasmaganda ako noh Magtaas daw ba ng bangko??? " lyn... ano san mo gusto kumain sa loob ng bus o dito na lang" sabi ni josh Lumingon ako sa paligid at since di ko makita si jade ko eh sabi ko sakanya na sa bus na lang. Baka nandito kasi sila loi tapos maramdaman ko na naman yung kapareho ng naramdaman ko kanina ng makita kong magkasama sila ni jade. Tama ba yun..di kaya pagseselos ang nararamdaman ko??? " hey princess ko saan mo poh ba gustong kumain?" tanong ni josh " ah...ah sa bus na lang " sabi ko " osige...sabi mo eh" nginitian niya ko habang inakbayan "naku josh baka akalain ng mga tao eh nobyo kita" sabi ko " hayaan mo silang magakala di ba? malapit na namang mangyari yon" sabi ni josh " gnun??? hehhe...ewan ko ba pero pagikaw ang nagyayabang para bang hindi kayabangan ang dating kundi katotohanan" sabi ko habang tumatawa at umaakyat ng bus... pagakyat ko ng bus eh nakita ko si jade na nakatingin samin As in for the first time nagbalik na naman ang masasama niyang tingin na akala mo may gustong kababalaghan na namang gagawin Akala ko ba bati na kami nitong lalaking toh... Di ba nga ate na ang tinatawag niya sakin at ako naman sakanya ay kuya " lyn... kumain ka na ba?" sabi niya sakin pero di siya sakin nakatingin kundi kay josh Naks napaka caring naman ni Jade Ano kaya ang nakain ng lalaking ito para maging caring... " Di pa nga eh ... kakain pa lang kami ni joshua" sabi ko habang nakangiti sakanya ng pagkatamis tamis. pinakita ko ang hawak kong pagkain " Dito kayo kakain sa loob ng bus?" nakataas ang kilay niyang tanong sakin. Tumango lamang ako Tumingin si Jade kay JOsh " jade , insan...gusto niyo rin bang kumain ni loi... treat ko" " no thanks...." sabi lamang ni jade kay Josh Di ko alam kung ano ang nangyayari sa dalawang magpinsan pero feeling ko may hidwaang namamagitan doon sa dalawa. Ouch naman yon...sana naman wala. " Lyn... kumain ka ng marami para makakuha ka ng lakas. Kung di pa sapat sayo yang pagkain na yan sabihin mo lang... kung may iba ka pang gustong kainin..just tell me...wag kang mahihiya..Okie Ate?" nakangiti niyang sabi hay kung ganito palagi si jade eh nanaisin ko siyang pakasalan Ngumiti ako at tumango " opo kuya... kumain na rin poh kayo" sabi ko habang kagat sa tinapay na hawak ko. ngumiti siya at tumayo na siya sa kinauupuan. Tinitigan lng siya ni loi at sumunod sa kanya " mauna na kami ni loi.. kakain pa kami..." sabi niya Tuluyan ng nawala si Jade sa aking mga paningin. Lumungkot ang aking mga mukha dahil alam kong kasama niya si loi. Di ko rin naman kailangang magmukmok di ba dahil nandito naman si josh upang pasayahin ako pero di ko malaman kung bakit pakiramdam ko eh wala na akong ganang kumain. Nagulat na lang ako sa ginawa ni Josh Inakbayan niya ko... Para bang uminit at namula ang pisngi ko.. " lika Mei kain na tayo..." " sige....gutom na rin ako eh..." sabi ko kumakain na ako kasama si josh pero di pa rin mawala sa isip ko si jade... ewan ko ba feeling ko naiinis ako sa loi na yon... " okay class... kumpleto na ba tayo dito sa bus... malapit na tayong makapunta sa pupuntahan natin " sabi ni maam Di ako mapakali kasi wala pa si jade... Umaandar na ang bus pero wala parin akong katabi Nakakalungkot dahil hanggang ngayon eh wala pa rin siya sa tabi ko Nasakalagitnaan ako ng pagmumuni ng may biglang nagsalita sa tabi ko " ba't di ka pa natutulog...medyo malayo layo pa...tayo" " jade?" sabi ko at niyakap ko siya Tumingin lamang siya sakin " te anong nangyari sau..." sabi niya sakin Mukha kaming tanga sa bus noh Umiiyak na pala ako " kala ko poh naiwanan kayo..." sabi ko tapos binatukan ko siya " san ka ba nanggaling ba't nawala ka.... ni hindi mo man lang ako tinabihan eh ako katabi mo sa bus" " sori na....nagalala ka noh?" sabi niya sakin habang nakangiti binatukan ko nga kayabang yabang feeling ko tuloy kanina maheaheart attack ako " hindi at bakit ako magaalala sayo...feel mo" sabi ko tapos umupo ako at tumingin sa malayo di ko alam n nakatingin pala samin si josh at si loi Di ko alam na nakatulog pala ako sa kaiiyak pano ba naman kasi tong jade na toh magbibiro na nga lang o hindi na nga lang tatabi sakin eh ang sakit sakit pa ng feeling. Pakiramdam ko tuloy ang sakit sakit ng mata ko " ahem ahem..." Nagmulat ako ng mata tapos di ko namalayan na nakahilig pala ako sa dibdib ni jade Tinitigan ko siya... Aba ang walanghiya may papungay pungay pa ng mata PInikit ko ulit ang mata ko...pakiramdam ko ayaw ko nang magising sa di ko malamang dahilan... Napakasakit tuwing nakikita kong magkasama sila ni Loi Am i falling in love with him na???? " hindi maaari!!!!" Nagtinginan sakin lahat at nagising ko ang anghel na katabi kong nahihimbing " okay ka lang ate?" sabi niya sakit habang pinupunasan ang mata niya " ah....ah... oo..." Tinitigan ko siya... Kahiya hiya naman toh...ba't ba ako sumigaw ng ganun Nagising tuloy si beautiful angel... nwei angel ka diyan mei... hindi siya anghel noh....isa siyang demonyo... nagpakabait bait lang sayo ng onti eto ka.... parang di mapakali and as if may pafalling falling ka pa... siya si mr. tokwa di ba ??? So hate him...hate him mei hate him!!! " ba't sumisigaw ka???? " tanong niya sakin " wala kang pake okay?" pagtataray ko " siguro nga...pero i'm really really sorry kung di kita tinabihan kanina.... it's my fault naman eh....dapat di ko ginawa un para di mo naramdaman na para kang may virus or something" sabi niya habang nginitian ako " virus ka diyan...hoi lalake kung may virus ni isa man dito...ikaw un... virus ng kakapalan ng mukha!!!" Tumawa siya..tapos nagbuntung hininga sa side ni Jade>>> Kung alam mo lang ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita.... kung alam mo lang na ayokong makita kang umiyak... dahil mahal na ata kita...hayz..lyn ba't di mo yon maramdaman.... ba't hanggang ngayon asar ka parin sakin....pero masaya ako na kahit papaano eh nag-aalala ka rin pala sakin...<<<

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 17:27

[ 12 queries - 0.023 second ]
Privacy Policy