[align=center][b][url=mynameiskz.bravehost.com]OFFICIAL SITE[/url][/b][/align]
[align=center][font=comic sans ms][b]CHAPTER 2[/b][/font]
[color=red]"Waaahhhh--------------!!!" [/color]
Hindi na ako nakahingi ng saklolo dahil tinakpan na ng multo ang bibig ko. Yung mga gamit ko nga, nahulog na lahat, eh. Bakit nga ba naman hindi, kung ikaw kaya nasa posisyon ko, di ka kaya kilabutan, ha?
[color=blue]"I'll let go of you but promise me first that you wouldn't scream again." [/color]
Huh? May multo bang foreigner? English yun, ha! At ang boses na yun... Kilala ko talaga ang nagmamay-ari nun, eh. Pamilyar siya at ngayon, siguradong-sigurado na akong totoong tao ang sumusunod sakin at hindi kung ano pa man.
Tumango na lamang ako since hindi pa rin naman ako makakasagot kasi nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko. Ganun lang at binitiwan na niya kaagad ako. Hinarap ko naman agad siya para malaman kung sino siya.
[color=red]"Dy-Dylan?" [/color]
Nakita ko siyang nakayuko at pinupulot yung mga gamit ko. Ako naman, nakatunganga lang sa kanya.
Hindi ako nagulat na hindi pala multo ang sumusunod sakin. Mas ikinagulat ko kung bakit si Dylan Lui-Hiwatari ang sumusunod sakin.
Bata pa lamang ako, kilala ko na siya dahil magkakaibigan ang mga pamilya namin. Business-partner pa. Pero kahit ganun, hindi yun naging daan para maging malapit kami sa isa't isa. Ang totoo niyan, siya lang yata ang hindi ko ka-close sa kanilang pamilya, eh. Kadalasan, kapag nagkikita kami, either dito sa school man o sa party or any gatherings, even unexpected meetings, tinatanguan lang niya ako. Kapag naman may topak na lagi nalang ata nangyayari, deadma lang siya. Parang wala siyang pakialam sa mundo pati na rin sa mga nangyayari sa paligid niya.
[color=blue]"Here." [/color]
Medyo nagulat pa ako ng magsalita siya pero kinuha ko naman agad ang mga gamit ko baka magalit siya sakin. Sa lahat pa naman ng mga Thew, siya yung madaling mag-init ang ulo. Errr... Correction, palagi palang mainit ang ulo niya kasi nakasimangot kahit ang ganda-ganda ng panahon at wala namang dahilan para magalit siya sa mundo.
[color=red]"Are you following me?" [/color]
Bahala na. Hindi na talaga kasi ako makatiis na hindi magtanong, eh. Kaya eto, naglakas loob nalang ako.
[color=blue]"No." [/color]
Napakunot-noo na siya nun.
[color=blue]"Why would I do that?"[/color]
Tapos tiningnan niya ako na parang nasisiraan na ng bait.
[color=red]"Eh bakit mo ako pinigilan sa pagtakbo kanina?" [/color]
Tanong ko na naman. Sa curious ako, eh. Masama ba?
Napasimangot muna siya.
[color=blue]"Because I just wanted to."[/color]
Ano naman kayang klaseng rason yun? Is he for real? Gagawa nalang siya ng palusot, yung sobrang kapanipaniwala pa talaga! Oo, as in! Ang kabaliktara nun! Tinaasan ko siya ng kilay.
[color=red]"Eh di ibig sabihin, sinusundan mo nga ako?" [/color]
[color=blue]"I said, I'm not following you!" [/color]
Goodness gracious! Kailangan ba niyang sumigaw pa? Eh di hindi na kung hindi! Ikamamatay ko ba kung nagsasabi siya ng totoo, di ba? Hindi naman niya hawak buhay ko. Para nagtatanong lang ang tao, eh.
[color=red]"Okay... Sabi mo yan, eh... Wala ka bang kailangan sakin?" [/color]
Mahinahon ko pa ring tanong.
Sumimangot na naman siya. Grabe! Totoo pala ang mga bali-balitang mas moody pa siya kaysa kay Ruke, ah.
[color=blue]"None." [/color]
Kumunot na naman ang noo niya.
[color=blue]"What will I want from you?" [/color]
Haaayyyy... Gwapo nga, ubod ng sungit naman. Tinanguan ko nalang siya at nag-umpisa na namang maglakad. Hindi pa nga ako nakakadalawang hakbang, hinawakan na naman niya ang braso ko. Malapit na tuloy akong masusob dahil sa gulat! Naiiritang hinarap ko ulit siya.
[color=red]"What now? Akala ko ba wala kang kailangan sakin, ha?" [/color]
[color=blue]"Wala nga." [/color]
Mukhang naiirita na rin niyang sabi.
Napataas-kilay ako.
[color=red]"Eh bakit pinigilan mo na naman ako? Alam mo, Mr. Dylan Lui-Hiwatari, kung wala ka talagang kailangan sakin, pwede bang pauwiin mo na ako?" [/color]
Mas lalo pa tuloy siyang sumimangaot ngayon. As in, todo simangot na siya.
[color=blue]"You are being summoned to the office of Mr. Principal, okay? Wala akong kailangan sayo. Inutusan lang niya akong tawagin ka. Siya ang may kailangan sayo at hindi ako." [/color]
Ay! Oo nga naman pala! Si Mr. Principal talaga ang may kailangan sakin. At inutusan lang pala siya! Infairness, ang galing-galing ng conclusion niya! Wow! Iba rin talagang mag-isip ang impaktong 'to! Buwisit!
[color=red]"What does he want from me this time?" [/color]
Out of nowhere na tanong ko. Hindi ko naman akalain na napalakas pala kaya mas lalo pa yatang nairita sakin ang impakto sa harap ko.
[color=blue]"Why the hell are you asking me that? Like I said, I was not the one who need anything from you. How would I know the reason?" [/color]
Diyos ko... Kailan ko kaya makikita ang impaktong ito na nakangiti kahit pilit man lang? At isa pa po, hindi naman po siya ang tinatanong ko nun, eh. Kailangan pa ba talaga niyang magalit agad?
[color=red]"Haaayyyy...." [/color]
Napapabuntung-hinanga ko nalang sabi. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
[color=blue]"What?! You're just going to sigh and sigh there?!" [/color]
Pagsusungit na naman ng impakto. Hello?! Meron ka ba ngayon o menopausal period ka na?
[color=blue]"Pumunta ka na nga sa office ni Mr. Principal. You know how he acts when he's mad." [/color]
OMG. Concern siya sakin! Touch naman ako! At totoo yun. Halos lahat ng inis ko sa kanya, biglang nawala dahil may pagka-sweet din naman pala siyang tinatago kahit papano.
[color=blue]"Besides, I don't to be scolded just because of you." [/color]
Nagyayabang na tinanguan niya ako tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa at umismid pa!
[color=blue]"Diyan ka na nga!" [/color]
And he went away just like that. Ako naman, naiwang gigil na gigil. Kahit crush ko siya noon pa, parang gustung-gusto ko na siyang sakalin. Akala ko pa naman concern na talaga siya sakin. Yun pala, sarili pa rin niya ang iniisip niya! And correction, kung ikukumpara ko naman siya kay Mr. Principal, kahit pa nga kay Ruke, mas matindi pa rin siyang magalit, noh! Konting bagay lang, asar na asar na kaagad. And imagine, kahit walang dahilan, lagi nalang hindi maipinta ang mukha niya. Talagang malala na ang impaktong yun. Napailing na lang ako sa kawalan ng magawa. Then I made my way to the principal's office. Yeah... What a day! [/align]