2008-10-27 04:05:39

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: [b] characters: Mei Lyn ( mei ) <<< best enemy ni jade but eventually naging bestfriend Jade Chris ( jade) <<< popular guy sa school na pinagaaralan nila. Naging bestfriend ni Mei Lyn maski na sa

katatapos lang nnamin kumain ng almusal na niluto siyempre ni josh. Mabilis akong lumakad palabas para makalanghap ng sariwang hangin. Actually nagtataka na talaga ako kay Chris. Simula pa noong umaga ay wala siyang ginawa kundi tumingin sakin. Nakakapagtaka at nakakainis na nga siya eh. Hindi nia dapat ako tinitignan on a way na parang kami at nagtaksil ako sakanya. Kailangan ko ng fresh air to release this feeling na nararamdaman ko. naguguluhan na talaga ako as in sobra. So here i am standing alone in this lonely place para di naman ako mahirapang huminga kapag nandyan si chris. " kanina ka pa nakatayo diyan ah ... anong iniisip mo? " Napatili ako sa gulat. " ano ka ba naman kuya ba't nanggugulat ka" sabi ko kay Chris. He looked at me. Yung titig na tila ba nakakapatay..ehheh ung titig na tagos sa buto He looked away and asked " kayo na ba ni joshua?" Natulala ako sa tanong niya. How on earth will i answer him. Alam kong di pa kami ni joshua pero ung tingin niya ay nakakatakot kaya nawawalan ako ng sasabihin. Tumingin ako sa malayo at huminga ng malalim. " hindi pa" I managed to say "pa?' so may balak ka??" tanong ni Chris " sige na kuya mauna na poh ako magaayos pa poh ako ng gamit" sabi ko habang papaalis Hinawakan niya ko ng sobrang higpit at napatingin lang ako sakanya " mahal mo ba siya" tanong niya sakin " kuya..." di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi hinalikan niya ko. A kiss that seemed lasted forever... yun ang pakiramdam ko Dahan dahan niya kong pinakawalan pinakawalan niya ko and he look straight at my eyes napabuntong hininga siya "im sorry...di ko dpat ginawa yon" malumanay na sabi ni jade "why?"tanong ko na tila ba napupuzzle kung bakit siya nagsosori. Feeling ko pinagsisisihan niya na hinalikan niya ko "hinalikan kita for peté's sake and i'm so sorry about that" tila pagalit niyang sabi "ayaw mong halikan ako?"tanong ko na nakatitig sa kanyang mga mata "sh*t lyn...look i'm sori for kissing you pero pag di mo tinigil ung pagtitingin sakin ng ganyan baka ang susunod kong paghalik sayo eh hindi ko na pagsisihan"sabi niya "so meaning pinagsisisihan mo ngayon?"tanong ko sakanya "Yes... kasi mali to.... di dapat kita hinalikan..."sabi niya sakin saba binitawan ang kamay ko I like the way he kissed me yet pakiramdam niya ay mali.... "so dapat di mo ako hinalikan.... "pasigaw na sabi ko sakanya "kaya nga nagsosori di ba?"halos pasigaw rin na sabi niya sakin tapos tinalikuran niya ako "kuya wait..."habol ko sakanya huminto naman siya sa paglalakad " kuya....kung magiging kami poh ba ng pinsan niyo magagalit ka poh ba" HIndi makapaniwala si Jade sa narinig halos parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. " ba't mo naman kailangan pa saking itanong yang bagay na yan.. di ba dapat ay ikaw ang nakakaalam non"pigil na emosyon ang ginawa ni Jade para hindi mahalata ni Lyn ang pagbabago ng ekspresyon niya Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at iniwan akong maang na nakatitig sakanya. Napabuntong hininga ako. Di ko na talaga siya maintindihan. Nahiirapan na rin ako. Alam kong mahal ko siya.. mahal na mahal pero bakit ganun na lang... para bang lahat ng ginagawa niya sakin ay pinagsisisihan niya. Nakakalungkot man isipin pero nararapat ko na siyang iwasan. Ang tanga tanga mo talaga Lyn kahit kelan!!! Pinanganak ka sa lupa na kinuha mo lahat ng kamalasan. Anyway di naman lahat ay sakin napunta. Malas lang talaga ako dahil dumating sa buhay ko si Jade. Kung di siya dumating siguro wala kang problema sa puso at sa isip. Pampagulo lang ng diwa ko si Jade... pampagulo lang siya ng buhay ko!!! "Hahaha!!! sinusumpa kita Jade Chris!!! Mapapaibig din kita at di mo na sasabihin sakin ang sori sa oras na halikan mo ulit ako. Ibabalik ko sau ang kamalasan na napunta sakin. Magaling ata ako doon...magaling ako mamahagi ng sakit ng ulo. Bwahahaha!!!" sabi ko sa sarili ko habang exagerated na tumatawa. Isang linggo rin kami di nagkita ni Jade. bumalik na rin kami sa Maynila at eto ako ngaun kasama ang kuya Alex ko. "oh sis ano nangyari sa pinuntahan mo?"sabi niya na mukha pang excited Hay naku ang kuya ko talaga kahit kelan...mas excited pa sakin sa pagkwekwento. "wala naman..."sabi ko "wala??? eh ba't parang ang lungkot lungkot mo ngaun? may nangyari ba???? "tanong ni kuya alex sa mukhang nag-aalala Hay naku kuya marami ... maraming problema ang baby sis mo.. Maraming sakit sa ulo...nangununa na roon si Jade " so?? ano sis ... ano ba ang prob??? Baka patayin ako nila mommy sige ka!"sabi nito habang tumatawa. "Wala..."sabi ko sa malumanay na tinig Mataman niya akong tinitigan tapos maya maya ay napabuntong hininga si Kuya " Sis mapapatay talaga ako nila mommy... pero sigurado ka bang wala? "pangungulit pa rin nito... Hay kuya sabi nga sau marami akong problema.... maraming marami "wala nga poh... guniguni mo lang yan kuya kasi kain ka ng kain ng kape"sabi ko habang tumatawa. ehehhe.. ang tawa ko ay pagpapanggap lang naman eh para di mahalata. Aba magaling ata ang lola niyo doon sa pagtatawa ng ganun Tinitigan ako ni Kuya Alex na para bang nagtataka "Kinakain ba ang kape sis/??? Ang alam ko iniinom ang kape hindi kinakain"sabi nito "yup kinakain ang kape.. kinakain mo un... "sabi ko na tila ba walang pakeelam sa sinabi ng aking kuya "hindi kaya" "oo kaya... kinakain mo ung kape...di mo na nga tinitimpla eh...addict ka kasi kuya"sabi ko habang tuluyan ng natawa. Addict kasi sa kape ang Kuya Alex ko kaya kung ano anong guniguni ang pumapasok sa ulo pero alam ko naman na hindi lamang ito naghahallucinate ng sinabi niya na alam nitong may problema ako. Hay... kilalang kilala talaga ako ng kuya ko..wala ata ako matatago sa taong ito. Tumawa na rin si kuya at maya maya lang ay niyakap ako "sis kung may problema ka wag ka lang mahiyang lumapit sakin ha..." Tumango lang ako sa sinabi ni KUya... pinipigilan kong sabihin sakanya na nahihirapan ako dahil pakiramdam ko nagmamahal ako ngaun ng isang maling tao... maling tao...dahil...iba ang mahal ng taong mahal ko at may tao akong pinangakuan na mamahalin ko... KUng sana natuturuan lamang ang puso ay gagawin ko ... kung natuturuan lamang ang puso ay susubukin ko.. na ibaling na lamang sa iba ang ibang pakiramdam na nararamdaman ko para kay Jade... Kuya tulungan mo naman ako "opo kuya... wala naman akong problema kaya wala poh akong kailangang sabihin sau" sabi ko sakanya habang binigyan pa ito ng aking pinakamatamis na ngiti "sabi mo yan ah"sabi nito sakin habang ginulo pa ang maganda kong buhok... "hey not my hair!!!"i shouted... i love my hair kaya ayokong magulo ito not a single strand... "i love you sis.... "sabi nito at tuluyan na akong iniwan "i love you too kuya" sabi ko habang iniisip ang kuya Alex ko at ang kuyakuyahan kong si Jade. LIfe is unfair...really unfair Hay naku may klase na naman.. isang araw na kinakatakutan kong dumating... Simula ng nawalan ng klase natatakot na talaga akong pumasok... Saan nga ba talaga ako natatakot??? Iisa lang naman ang kinakatakutan ko...takot akong makakita ng multo at para sakin ngayong mga panahon na ito ... ang multo ay sina Jade at JOsh... Ang magpinsang iyon..ginulo ang buhay ko!!! Grrr!!! Ang buhay kong tahimik..naglaho na parang bula... parang nagbubble bath., waa!!! Dahan dahan akong pumasok sa gate ng aming paaralan. "o Diyos ko sana poh hindi niyo poh ako pabayaan...wag niyo ho akong hayaan makakita ng multo kundi ikamamatay ko poh"nasambit ko habang naglalakad na may patingin tingin pa sa langit at habang nakasalikop ang aking mga kamay. Di ko alam na nakatingin pala sakin si Liz., "hoy., ang ale.. anong ginagawa mo??? Humihingi ka ba ng himala... nagiging kamukha mo na tuloy si NOra"sabi nito Inirapan ko ang aking magaling na kaibigan na wala na lang ginawa kundi asarin ako Pasaway ka talaga Liz.. lagi kang wrong timing "kamukha ko na ba talaga si NOra???"tanong ko Tumango naman ito na tila ba mukhang seryosong seryoso "oo sis, kamukha mo na si nora..."sabi niya habang tila ba nag-aalala "edi pwede na pala akong mag-apply sa showbiz"sabi ko... habang ginaya rin ang paraan ng pagkakasambit nito. "walang tatanggap sau"sabi nito habang patuloy na naglalakad Napataas ang kilay ko sa sinabi nito "bakit naman?? kala ko ba kamukha ko na???"sabi ko habang tinititigan ang maganda kong kaibigan "walang tatanggap sayo kasi ngayon pa lang palpak ka na" sabi nito habang nakangiti sakin ng sobrang tamis Nagtaka tuloy ako " BAkit walang tatanggap sakin???"tanong ko Tumawa ito "kasi ngaun pa lang eh hindi bagay sayo ang role na walang himala "sabi nito "bakit??? kasi may nangyari ng himala sa buhay ko?? "takang tanong ko "hindi naman .. pero hindi bagay sau., kasi ang pangit mo sis kapag may paduro duro ka pa ng kamay., tapos biglang banggit ng walang himala" sabi nito habang tumatawa Natawa na rin ako... Isa ito sa mga gusto ko sa ugali ni Liz... Npapatawa niya ako sa mga panahon na namromroblema ako ... lalo na sa dalwang mokong na yon.., ay di pala .., lalo na sa wlanghiyang lalaking si Jade.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 17:24

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy