Re: [align=center][b][url=mynameiskz.bravehost.com]OFFICIAL SITE[/url][/b][/align]
[align=center][b]CHAPTER 7[/b]
Bago pa man makalabas ng pintuan si Dylan, nakapagtago na ulit ako sa dati kong pwesto kaninang umalis si Shajana. Ang ipinagdarasal ko lang, sana hindi na niya maisipan pang tingnan ang paligid dahil kung nagkataon, patay na talaga ako.
Nasa bandang kaliwa ako ng classroom kung saan sila nag-uusap kanina ni Shajana. Nagulat na lamang ako ng marinig ko ang pabalibag na pagbukas ng pinto ni Dylan. Mas lalo tuloy akong kinabahan!
[color=blue]"Why don't you show yourself to me, eavesdropper." [/color]
Okay. Hindi yun pakiusap, mas masasabi kong utos yun. At wala akong balak magpakita sa kanya, noh! Mahal ko pa ang buhay ko at marami pa akong gustong gawin sa mundo.
[color=blue]"Fine! May araw ka rin!" [/color]
Pagkatapos niyang sabuhin yun, narinig kong lumakad na siya. Good thing na nasa right side ang hagdanan namin dahil kung nagkataong sa left side yun, katapusan na ng maliligayang araw ko!
Nilagay ko ulit ang battery ng Cp ko at naghintay muna ng five minutes bago bumaba. Sinilip ko muna kung clear na ba ang area para masiguradong wala na si Dylan dun. Nang wala na ngang banta sa buhay ko, panatag ang loob na bumaba na nga ako.
Sa may bandang hagdanan, inayos ko ulit ang mga dala-dala ko pati na rin ang uniform ko. Nawalan na naman kasi ako ng poise sa pagmamadaling magtago kanina, eh. Nang okay na ang lahatm nagpasya na akong lumakad ulit.
[color=blue]"And where do you think you're going?" [/color]
[color=red]"Ay! Anak ng tipaklong!" [/color]
Gulat na sabi ko. Dahan-dahan pa nga akong lumingon sa likod ko at tumpak! Nandoon nga si Dylan na naka-lean sa wall. Napapangiwing nginitian ko siya. Langya! Natatakot na talaga ako.
[color=red]"O-Oh hi! You're still here, I see. But it's already late. As for your question, I'm heading home. Bye!" [/color]
Walang hinga-hingang sabi ko at nagmamadaling tinalikuran siya na hindi naman nangyari kasi nandun na kaagad siya sa harapan ko. Dahil hindi ko naman inaasahan yun, nabunggo ko tuloy siya at nahulog mga gamit ko. Great! De javu! Only this time, his focus was on me alone.
[color=red]"Paano ka nakarating agad dito?! Di ba nandun ka kanina? Do you have some sort of telepathy or power?" [/color]
Ang bilis talaga niya! Kahit naman sino, magugulat sa nangyari eh. His brows met kaya naman napatingin ako sa sahig baka himatayin pa ako sa takot. Hindi ko pinansin ang mga gamit ko. Feeling ko kasi, konting galawa ko lang, katapusan na ng buhay ko.
[color=blue]"Will you cut that bullshit, Mickey? Didn't anyone tell you that it's not proper to eavesdrop?" [/color]
Huh? Did you hear it too? He just called me in my name! Para talaga akong timang, eh, noh? Imbes na matakot ako ngayon, tuwang-tuwa pa ako. Eh pano naman kasi, first time niyang binanggit ang pangalan ko! Akala ko nga, hindi niya alam, eh!
[color=red]"H-Huh? What are you talking about?" [/color]
Pagmamaang-maangan ko na sa kasamaang palad, wala namang epekto.
[color=blue]"Too bad... It wouldn't work." [/color]
Ngumisi pa siya nun na parang inaasar ako. Tell me, ganito ba ang epekto ng break-up sa isang tao o kay Dylan lang? Kung ganito nga, aba, eh di maganda! At least hindi na puro simangot chuva ang makikita mo sa kanya, di ba?
[color=red]"I don't really have any idea with you are implying to." [/color]
Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi naniniwala sakin.
[color=blue]"Then prove it." [/color]
Bumuntong-hininga ako. Bahala na ang mga palusot ko dito. God... Please help me po...
[color=red]"First of all --------- Urghhhh!!!" [/color]
Nakita ko siyang mas lalong ngumisi at mukhang naa-amaze sakin.
[color=blue]"You're saying? First of all, you're totally busted." [/color]
Tapos umiling-iling siya. Yeah. Nabuko na ako dahil tumunog na naman ang lintek na CP ko! This time, walang na talaga akong lusot! Kasi naman eh! Bakit ko pa ba naisipang ibalik ulit ang battery!
[color=red]"Mom!" [/color]
Napapaangal na sagot ko. Hindi na ako umalis sa pwesto ko kasi kapag sinusubukan ko, hinaharangan ako ni Dylan. Kaya kayo, wag na kayong mga chismosa at chismoso, ha? Pagsisisihan niyo talaga yan! Naku!
[color=red]"Okay, okay. I can take care of myself. You take too, Mom. Gonna miss both of you. Bye!" [/color]
Nang i-cancel ko na ang tawag, hinawakan agad ako ni Dylan kamay at iyinuko pababa. Akala ko naman kung ano na ang gagawin sakin, tutulungan lang pala niya ako sa pagkuha ng mga gamit ko. Pero bakit kailangan pang hawakan ang kamay ko diba? Kaya naman, pinilit kong kunin sa kanya pero di niya binibitawan.
[color=red]"Bawal kaya PDA dito! Bitawan mo na kamay ko." [/color]
Nagtatakang napatingin siya sakin na parang di makapaniwala sa narinig tapos tumawa ng malakas. Baliw na ata ang isang 'to, eh! Hiniwalayan lang ng girlfriend, nasiraan na ng bait.
[color=blue]"You're so weird... This is not PDA. Baka kasi tumakas ka, eh." [/color]
Umiiling-iling na sabi niya at nginitian ako. Gosh! Mas lalo pa siyang gumagwapo kapag ngumingiti! Ako naman, kunwari nakikikuha na rin ng gamit pero ang totoo, kinikilig na ako! Haha! Aba! Once in a lifetime na matsa-tsansingan ko si Dylan ha! Nang okay na ang lahat, inalalayan niya ako patayo at hinila papuntang kotse niya.
[color=red]"Wait. Where are we going?" [/color]
[color=blue]"Home." [/color]
Ihahatid niya ako?! Huwaw! Life is soooo beautiful... [/align]