Pages: 1234

  2008-11-11 02:36:29

janeene
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
330
0
1969-12-31

Re: [quote]guys, try my story..it's just a simple story..i'm just new on writing stories..hope you like it.enjoy reading.. =) (pls. leave your comments, i want to know your reaction 'bout my work. +repu

mukhang sinisipag ata akong mag-update ngayon ikalawang beses na akong mag-update for this day. ty sa comment. [i]anyway, here's the next chap[/i] [b]CHAPTIE 08[/b] lumakas ang ulan. "heto" binigay niya saken yung polo niya. OMG! basang basa na kami. wala pang masisilungan. "giniginaw ako" bulong ni janner. "naku, janner" "payakap muna" huwattt!!!! "janeene, payakap-" "pwede ba janner, huwag kang masyadong nagtatake advantage" :P "loko lang" "buti pa, uwi na tayo janner" "sige, hatid na kita sa bahay nyu" "gunggong, layo kaya nun" "eh, di sa sakayan nalang ninyo" "umuwi kana lang kaya janner, gabi na at tsaka kaya ko naman" "oh, sige bahala ka" "salamat sa libre" "ui, bayaran mo yun" "heh! 'yoko nga. sige, sa uulitin" "walang second time yun" "diyan ka na nga" [i]sa labas ng bahay[/i] medyo tumila na yung ulan. naku,panu tong polo ni Janner. :/ baka makita ng nanay. magtataka. :/ baka sabihin naglandi ako.:P tinago ko na lang sa bag ko. kinuha ko nalang yung binders at cellphone ko. yung iba, pabayaan mo yun. bahala ng mabasa yun, wag lang mabuking. :D dahan-dahan kong binuksan yung pinto. "ate, ginabi ka ata" si von "nag overtime lang kami sa I.T. si nanay?" "tulog na" "sige, punta na akong kwarto. teka, naghapunan na ba kayo?" "hindi pa eh. si febb kanina pa nga nagugutom" "teka lang maghahain lang ako" "ate, wala nga. wala ng makakain" "huh?" :/ "oo. baka bukas hindi na rin kami makapasok" "pati ako?" :O "oo. galit si nanay pag-uwi niya kanina eh" "teka, nagugutom ba kayo?" "oo" "eto, bente pesos. bili kayo ni febb na tinapay" "salamat ate" "magdala kayo ng payong at medyo umaambon" ang saklap. umuwi akong gabi na. busog. busog din yung puso. at dadatnan ko ang mga kapatid kong gutom. hindi koman lang kayang magalit sa nanay ko. kahit ganun yun. naiintindihan ko yun. may pera pa naman ako. good for one week. kaylangan ko ng maka e-mail uli sa tito ko. panu yungmga kapatid ko? kaylangan ko na rin sigurong mag-applyfor working student. kaylangan ko ng pera. [i]sa school[/i] "announcement" ang ingay talaga ni glenn. "lahat ng INFO TECH students maging prepare para sa accreditation ng council naten. memories the VMGO" bulong-bulungan. "heh, tumahimik nga kayo. wait, there's more. naghahanap yung council ng mga dagdag na student asistant. yung department head na yung bahala in termsof conditions. yun lang" timing. kaylangan ko ng pera. kahit maliit lang yung allowance. ok na yun. *ubo* *ubo* umuubo si janner. "janner, ok ka lang bah?" "ok lang ako ruch" "tong si ruchel, inlove kay janner" hiyawan yungmga boys pagkadinig sa sinabi ni sly. blush naman si ruch. "janeene" "ano ba sherwin?1" "eh, ba't ang sungit mo?' "ewan sayo" "inlove kana siguro saken noh? naiinis kang isipin yun" "ano bah sherwin, BASTED kana nga saken eh!" "ui, classmates, BASTED na pala tong kaborj sherwin naten!" buti nalang sinabi yun ni sly. buti nga yan kay sherwin. "sherwin ,basted ka?" "paburger ka naman" *burger* *burger* nagtuksuhan na yung mga boys. kasama na rin as usualsi Janner. "iDOTA mo lang yan" *dota* *dota* "janeene" "oh, bakit janner?" "yung polo ko?" "bukas nalang yun. kagabe ko lang nilabhan yun eh" "pinagalitan ka ba kagabi?" "hindi" "buti naman" "anong mabuti, walang ulam yung mga kapatid ko" "dahil, hindi ka nakauwi ng maaga para ipagluto sila?" "hindi" "eh anong dahilan?" "dahil wala kaming maiuulam" "huh?" "problemado ako sa pera ngayon" "gusto mong humiram ng pera?" "wag nah" "sige nah, janeene" "huh?" "huwag kang mahihiyang humingi ng tulong saken-"

Pages: 1234

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 00:42

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy