Pages: 1..12345

  2008-11-15 22:56:26

nobodyknowsitbutme
» FTalker
FTalk Level: zero
134
0
1969-12-31

Re: [align=center][b][url=mynameiskz.bravehost.com]OFFICIAL SITE[/url][/b][/align]

[align=center][b]CHAPTER 9[/b] Instantly, Dylan let go of me. As in, yung layo namin sa isa't isa ngayon, para bang magkaaway kami at imposible nang magkabati pa. But it was too late already. Nakita na nila ang nangyari, eh. Nakita na nila na parang may milagro kaming ginagawa ni Dylan in public. Oo! Alam ko naman ang iniisip nila, eh! That Dylan and I were making out! Worse, they were acting obviously. Papalit-palit ang tingin nila samin dalawa ni Dylan. Urgh! I SOO hate their reactions, promise! As usual, Dylan got easily annoyed with them. Tinignan niya ng pagkasama-sama ang mga tao sa loob na siyempre, nasindak sa kanya. [color=blue]"What the hell are you looking at, idiots?! Got some fucking problem?!" [/color] Parang Army na sabay-sabay silang umiling-iling at nagsitinginan sa iba't ibang direksyon. [color=blue]"Get out." [/color] Animo'y haring utos ni Dylan sa kanila. They didn't move as if it hadn't registered on their minds what just he said. So Dylan slapped the elevator's door. Papasara na nga iyon pero bumukas din agad dahil sa kanya. Malapit na nga atang mayupi, eh. Diyos ko po! [color=blue]"Well, didn't you hear me? I said, get out of that damn elevator! Now!" [/color] Siyempre, nasindak ang mga tao na nasa loob at sa isang iglap lang, nandun na kaagad sila sa labas ng elevator. Aakalain mo ngang may stampede kanina, eh. Paano ba naman, nagtutulakan na sila para lang makalabas agad. Pagpasok na pagpasok niya, pinindot agad niya ang close button. Kung hindi ba anman napakawalanghiya! Mabuti na lamang at napindot ko rin ang open button sa labas ng elevator at nakapasok din dun. [color=blue]"What now?! Stop following me around! You're getting into my nerves already!" [/color] Pinindot na naman niya ang open button at tiningnan ako ng masama. [color=blue]"Get outta here." [/color] Narinig ninyo yun?! That was below the belt to think that there were people outside watching our argument! That was not the proper way to treat a lady! Ang ginawa ko, pinagpapalo ko ang kamay niya ng malakas para mabitiwan niya ang elevator buttons at pinindot ang close button. [color=red]"Alam mo, ikaw na ata ang pinakamasamang lalaking nakilala ko sa buong buhay ko dito sa Earth!" [/color] Salubong ang kilay na pinindot na naman niya ang open button tapos hinarap ako. [color=blue]"At alam mo, ikaw na ata ang pinakanakakainis, pinakanakakairita, pinakabungangera, pinakareklamador at pinakamaarteng babaeng nakilala ko sa buong buhay ko dito sa Earth!"[/color] What he just said was over-exaggerated! Dahil kung ikukumpara naman ako sa girlfriend niya, no, ex-girlfriend niya, I am way too far better that her! I pressed the close button again. [color=red]"No! Hinding-hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako inihahatid sa bahay!" [/color] Basta ganun lang ang ginagawa namin. Paulit-uli lang ang pagpipipindot sa open at close button. Kapag nga masira din ang elevator na sinasakyan namin ngayon, kawawa na talaga ang mga taong nakatira sa building na yun. Ang tatlo kasi ay under construction pa kaya hindi maaaring gamitin. [color=blue]"Anong akala mo sakin?! Driver mo?! You got to be shitting me!" [/color] Napatingin ako sa mga tao sa labas na sa tingin ko, nakatira din sa Condomenium na yun. Basta ang alam ko, para silang mga tangang nanonood lang sa away naming dalawa ng impaktong kaharap ko. [color=red]"Ah basta! Ihahatid mo ako sa ayaw at sa gusto mo, period!" [/color] [color=blue]"At sinong tinakot mo? Bahala ka sa buhay mo! Maghintay ka diyan ng magdamagan sa ayaw at sa gusto mo! Umuwi kang mag-isa mo!"[/color] Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Sa wakas, pinabayaan na niyang sumara ang elevator at pinindot ang P button. Sa Pent Floor pala siya. Sobrang yaman nga talaga niya, saksakan naman ng sama ang pag-uugali! [color=red]"But 'tis already 11:30 PM, Mister!" [/color] Tinaasan lang niya ako ng kilay at balewalang sumandig sa wall ng elevator. [color=blue]"Well, I don't care." [/color] Pagkatapos nun, tumahimik na siya habang ako panay ang pagtatatalak dun. Siya naman, habang tumatagal, mas lalo pang pasimangot ng pasimangot ang mukha niya. Napatigil lang ako ng biglang bumukas ang elevator sa 28th floor. May mga matatandang lalaki at babae pati pa nga buntis ang nag-aabang doon. Mas papasok pa sana ako sa loob para bigyan sila ng way ng biglang magsalita si Dylan. [color=blue]"Try to come inside and all of you are gonna die." [/color] Hindi makapaniwalang napatingin kaming lahat sa kanya! That was the most embarassing moment I had ever felt in my whole life... And that was all just because of him! [/align]

Last edited by nobodyknowsitbutme (2008-11-15 22:57:53)

Pages: 1..12345

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 11:03

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy