Pages: 112345

  2008-11-28 10:35:05

rheiya58
» FTalker
FTalk Level: zero
265
0
1969-12-31

Re: [img]http://i164.photobucket.com/albums/u2/smluuvslm/GHost-2.jpg[/img] [i]it's too late when i realized..the one that i loved did not exist after all..[/i] [i]"IAN!! tae ka bakit mo ako binasa!"[/i

[b]CHAPTER 9[/b] after hearing those words.. minabuti ko na lamang na ibaba ang telepono.. [i] "oh.. kuya.. bakit ang lungkot mo? pinapatawag na naman si mama ng guidance counselor niyo no!"[/i] ang kantyaw ni ashley sakin, ang nakababata kong kapatid. nagulat siya dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya.. imbis na gumanti ako ng kiliti.. minabuti ko pang pumunta sa kwarto ko. bakit? ano bang nagawa ko? sino ba yun? kasalanan ko bang mahalin ko si shane ng sobra? maraming tanong ang bumabagabag sakin.. hanggang sa maramdaman ko na lang na.. basa ang pisngi ko ng luha.. umiiyak na pala ako.. ngayon lang ako umiyak.. ito ang unang beses na napaiyak ako.. well aside doon sa inagawan ako ng robot ng kalaro ko nung 5 years old pa lang ako.. ngayon ko lang naramdaman ang masaktan.. ngayon ko lang naramdaman ang kirot na ganito.. yun bang parang nawala lahat ng plano ko sa buhay.. yung mga pangrap ko na pakasalan si shane, at magkaroon ng isang basketball team with pep squad na mga anak.. parang nawala.. parang natangay ng hangin.. hindi ko mapigilan ang umiyak.. hanggang sa nakatulog na ako.. [b]KINABUKASAN [/b] ayaw kong pumasok sa school.. wala rin naman akong mapapala.. baka may malaman na naman akong mas malala..pero kailangan eh.. papasok ako don bilang etudyante.. yun lang. pagpasok na pagpasok ko pa lang.. tila pinagkwentuhan na ako namamaga ng sobra ang mata ko dahil sa pagiyak ko ng grabe kagabi. laking gulat ko ng nakaupo na si shane sa upuan niya.. kadalasan kasi ako ang nauuna.. well, seatmate kami.. umupo ako sa upuan ko at yumuko.. then i see my pants wet because of tear drops. [i]"mahal naman kita ehh.. pero hindi ako yung shane dati.."[/i] ang sabi ni shane na parang walang nangyari.. para bang nakalimutan niya yung almost 1 month namin relationship at 6 months namin friendship.. [i]"pwes ako hindi na.. gusto ko na langmalaman kung sino yug dahilan ng katangahan na toh... at ang punot dulo ng relasyon natin na walang ibang dahilan kung hindi puro kasinungalingan"[/i] hindi ko alam kung sinong nagudyok sakin na sabihin iyon.. siguro sa galit ko na rin.. pero umpisa pa lang nagsinungaling na ako. mahal ko pa siya.. hindi ko tinuturing na katangahan ang pagmamahal ko sakayna.. at lalong hindi kasinungalingan ang lahat ng ginawa ko para sakanya. [i]"ate ko.. hindi mo na kailangan malaman ang pangalan niya.. nung freshmen pa lang daw kayo.. minahal ka niya ng todo.. she will do anything just to get your attention.. but then.. ang sinukli mo ay isang araw na pagtitrip sakanya.. nung umaga.. nilagyan mo ng pintura ang upuan niya.. nung hapo nilagyan mo ng chewing gum ang buhok niya.. nung hapon namna binuhusan mo siya ng pintura.. ang bait mo noh! super! sana kunin ka na ni lord!"[/i] ang kwento ni shane.. hindi ko naman sinasadya yun ah! well baka oo.. pero past is past.. hindi ko naman akalain na seseryosohin niya ang katuwaan para sakin noon.. nagalit ako. gusto ko siyang murahin, sapakin, tadyakan at bugbugin pero hindi ko magawa.. sa halip gusto kong lumuhod sakanya para patawarin niya na ako.. yakapin siya at sabihing hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.. halikan siya at magmakaawang bumalik na siya sakin.. [i]"and because of what you did.. nagpakamatay lang naman siya.. first love ka daw kasi niya.."[/i] ang sabi ni shane na may halong pagtataray ngunit halatng naiiyak na sa galit.. hindi ko alam na may humantong sa ganoon.. sa dami ba naman ng inaway ko.. hindi ko na matandaan.. pero i've changed a lot because of shane.. makakahanap pa kaya ako ng happy ending? [b] to be continued[/b]

Pages: 112345

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 15:25

[ 12 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy