Pages: 112345678..8

  2008-12-08 07:30:09

rheiya58
» FTalker
FTalk Level: zero
265
0
1969-12-31

Re: WELL THIS IS MY SECOND STORY. MY FIRST ONE IS THE LAST SONG EVER. [url]http://theftalk.com/t50752-Last-song-ever..chappie-5.html[/url] ___________________________________________________________

PERS OF ALL salamat po talaga sa lahat ng sumusubaybay sa story ko.. sana po natutuwa kayo.. love you all! specially: sellahxhin my ate ailene!(tama ba spell?? ayeen na nga lang! hahah!) [b]CHAPTER 8[/b] ng dahil sa katangahan ko.. bmagsaka tuloy ako.. at bumagsak din si john sa akin.. tila tumigil ang mundo naming dalawa.. wala kaming ibang iniisip kung hindi ang mukha ng isa't isa.. its like i have butterflies on my stomach.. that tickles me.. in short kinikilig.. OMG! palapit na... palapit na ang lips ni john sa lips ko...napapikit na lamang ako.. [i]"ACHOO!"[/i] ang pagbahing ko sakto sa mukha ni john.. pero wala namang kadiri stuff.. anak ng kapre at tikbalang! ayun na eh! yun na oh! dahil sa istorbong bahing ko.. tumayo na si john.. at tinayo rin niya ako..ng nakatayo na kami pareho.. napangiti na lamang siya at umiling.. yun bang tipng parang tinaktak niya ang ulo niya sa kahihiyan. [i]"ahmm.. gusto mo pumasok? mag snack ka muna.."[/i] ang alok ni john sa akin sabay kamot sa ulo... at nilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa.. para bang nahihiya... [i]"ehh.. hindi eh.. ahmm... uuwi na lang ako.."[/i] ang sagot ko.. habang napakamot din ng ulo.. [i]"sige una na ako! jogging na lang ako pauwi.. para exarcise.. more energy mas happy!"[/i] ang sabi ko kay john.. pero i admit it.. i want to accept his offer.. for us to have a good conversation.. i want to know him better... pero duuhh?! guy siya.. girl ako... may pangarap pa po ako sa buhay... then tumakbo ako pakaliwa.. na parang nagjojogging... hindi pa ako nakakalayo.. ng biglang tinawag ako ni john.. [i]"RHIAN!"[/i] ang sigaw ni john.. naglaro agad sa isip ko ang mga salitang.. HATID NA LANG KITA or SAMAHAN NA KITA GUSTO MO? nakangiti akong tumalikod at humarap muli kay john.. [i]"eehh.. sa kanan di ba ang school? di ba dun dapat yung daan mo?"[/i] ang sagot ni john habang nangingiti na naman sa akin.. naku naman! mangarap ba ang gaga?! [i]"ay.. oo nga! hindi bumwelo lang ako.. kasi tatakbo ako ng mabilis..."[/i] ang palusot ever ko na naman! pero deep inside.. nalumbay ako.. gusto ko kasing marinig na ihahatid niya ako.. gusto ko pa kasi siya makasama ng mas matagal.. patakbo na ako.. pagdaan ko muli kay john.. hinila niya ang kamay ko ng walang pasabi sabi.. sabay kuha ng bike niya sa garahe.. pinaupo niya ako sa likod.. at umupo na siya sa kung bagay driver seat.. hindi pa kami nakakalayo.. hinawakan niya ang kamay ko at pinalupot niya sa may bangdang tyan niya... [i]"hindi kita pinapayakap.. kumapit ka kasi.. baka humandusay ka na lang sa daan.."[/i] ang sabi ni john.. bagamat may pagmamayabang.. naramdaman ko na nagaalala rin siya for me.. medyo nakalayo na kami.. hindi ko namalayang nakasandal na ang ulo ko sa likod ni john.. ng nalaman ko ito.. hinayaan ko pa rin ang sarili ko.. ng biglang umulan ng malakas.. sumilong muna kami sa isang tindahang sarado.. papatilain muna namin ang ulan.. mahigit limang minuto na kaming naghihintay.. hindi kami naguusap.. peor ang dami kong gustong itanong at malaman.. pero hindi ko magwang magtanong... feeling ko napanis na ang laway ko kaya hindi ko na mabukha ang bibig ko.. [i]"laro tayo sa ulan"[/i] ang sabi ko.. well sabi ng bibig ko.. hindi ko naman kasi talagang sabihin iyon.. i know what you're thinking.. baliw na ata ako..hinila ko ang kamay ni john palabas ng silong ng tindahan.. pero parang galit ang tadhana.. humina ang ulan at tuluyang nawala! [i]"so.. uwi na tayo.."[/i] ang nakayuko kong sabi kay john.. na hindi maitatangging malungkot.. naramdaman ata ito ni john.. sakto may nakita siyang isang hose na nakakabit sa isnag gripo.. binuksan niya ito.. sabay tinapat sa akin.. [i]"ahmm.. umuulan pa rin eh.."[/i] ang wika ni john habang patuloy ang pagbabasa sa akin.. kilig ever naman! [b]to be continued[/b]

Last edited by rheiya58 (2008-12-08 07:35:36)

Pages: 112345678..8

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 12:00

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy