Pages: 1

  2009-01-18 05:38:15

zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag-asa? nadidismaya.ka.ba? well,para.sau.ang.story.na.ito!! [spoiler][b]Pasensya na kung mahaba. Gaano mo kakilala ang tinatawag mong Diyos?[/b] ------------------------------------------------------------------ Mahigit 6 months na ang lumipas mula ng materminate ako sa una kong trabaho. Hindi kagaya ng karamihang college fresh graduate, madali akong nagkatrabaho dahil nagsimula ako sa kumpanyang iyun bilang OJT, at nang makagraduate sa college, tuluyan na nila akong inabsorb. Laking pasasalamat ko noon, dahil sa hirap ng kumpetisyon, idagdag pang hindi namn ako degree holder, mahirap makahanap ng matinong trabaho. Naubos na ang backpay na nakuha ko sa kumpanya. At dumadaan ang pamilya ko sa isang krisis na pampinansyal. Panganay ako sa magkakapatid, kaya damang-dama ko ang hirap. Pero nanindigan pa rin ako sa aking pananampalataya. Alam ko, bibigyan ako ng Diyos ng trabaho. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng takot, ng panlulumo at pagkabigo. Pero lumaki ako sa isang Christian family, at ang pagkakaalam ko, kasalanan ang magalit sa Diyos. Madalas na kaming mag-away ni mama dahil sa kakulangan sa bahay. Isang araw, nagkasagutan na naman kami. Sabi nya, hindi daw ako nageexert ng effort na maghanap ng trabaho. Puro lang daw ako pagi-internet. Puro gastos. Nung sinabi kong sa internet ako naghahanap ng trabaho, hindi sya naniwala. Di na ako nakipagtalo, walang jobstreet at jobsdb nung panahon nya. Hindi maganda yung sunod nyang nasabi, nasaktan ako at nakapagtaas ng boses sa kanya. hindi ko ugaling sumagot ng pabalang sa nanay ko. Pero kung alam nya lang ang hirap ng loob na pinagdadaanan ko. Ang hirap at sakit ng katotohanan na jobless ka. msakit sa ego yun. At sa mga panahon na halos panawan na ako ng lakas, sa panahon na kailangan ko ang encouragement nya bilang ina, Ganito pa ang nangyayari. Naghahanap naman ako ng trabaho eh, nageexert nman ako ng effort. Pero bakit ganun, parang may pumipigil, parang may nakikialam. lahat ng inaplayan ko, hindi ako tinawagan. O kung tumawag man, sa exam pa lang bagsak na. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Tumakbo ako sa itaas, malakas na isinara ang pinto at umiiyak na dumapa sa kama. Sinisisi ko ang Diyos. Alam kong masama ang magalit sa Diyos, pero hindi ko na kaya. Sinubsob ko ang ulo ko sa unan at sumigaw. Ibinuhos ko doon ang lahat ng emosyon na kinimkim ko laban sa kanya. Wala na akong pakialam kung magalit Sya. "Im so disappointed with you, Lord! Why are you doing this to me??! Hindi ko na kayang makipagplastikan sayo, ganun din nman eh. Nakikita mo ang totoong laman ng puso ko." Tuloy tuloy ang paglalabas ko ng sama ng loob, na para bang kaharap ko ang isang kaibigan na nakasakit sa akin. Inamin ko ang takot na nararamdaman ko, ang panghihina ng loob at pananampalataya, maging ang lihim na pagkadismaya at galit s knya. "Nanindigan ako sa pananampalataya ko, pero bakit hindi mo ako tinutugon.?" Maya maya pa, nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib. Ang dating galit ay naging tampo na lang. At namalayan ko na lang, nagsasalita ako na parang naglalabas ng tampo sa isang kaibigan, isang kaibigan na buong unawang iniintindi na nakapagsalita ako sa kanya ng mga bagay dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ilang minuto pa, nanumbalik ang pag-asa ko at tiwala sa salitang hindi nya ako pababayaan. At sa unang pagkakataon mula ng maging Krstiyano ako, nanalangin ako ng buong katapatan... [b]"Lord, nasasaktan po ako. Hindi lingid sa inyo ang hirap ng kalooban na nararamdaman ko mula ng mawalan ako ng trabaho. Gusto kong maging honest sa inyo, tutal alam mo naman ang laman ng puso ko. Natatakot po ako. Natatakot ako sa magiging future ko, na baka hindi na ako makapagtrabaho. Ang hirap pong maghanap ng job, karamihan ng mga company ay mga degree holder ng kilalang university ang kinukuha. technician lang po ang natapos ko.Kung maari po sana, alisin mo na ako sa ganitong hirap na kalagayan. Hindi ko na po kaya. But I still put my trust in you. I want to believe, help me with my unbelief."[/b] Umiyak na naman ako.[b] "Kung ako po ang masusunod, I want to put an end to this. But if I really have to go through this Lord, if going through this pain would make me into a better person, then I surrender to your will... Kahit nakikita mo akong umiiyak, kahit nakikita mo akong nasasaktan, if this would bring glory to your Name.... don't stop Lord... DONT STOP UNTIL YOU ARE FINISHED!!"[/b] Pagkasabi ko nito, naramdaman ko ang isang malamig na hangin na bumalot sa buo kong katawan. Parang yumayakap. Kinilabutan ako, pero mas higit akong kinilabutan ng may marinig akong maliit na boses, na parang nangungusap sa puso ko. [b]"Finally, my child. You have learned your lesson." [/b] Sa isang iglap, biglang nagliwanag ang isip ko at naintindihan kong pinili nyang pagdaaanan ko ang bagay na iyon upang higit kong makilala ang kapangyarihan Nya. Sa loob ng pitong buwan, pinili nyang pigilan ang ulan ng pagpapala para matuto akong maging honest sa knya, maging sa mga pangit na emosyon na nararamdaman ko. Narealize kong mas gusto ng Diyos na maging authentic and honest tayo sa kanya, kesa ang purihin sya nang wala naman sa puso. In that 7 months, [b]He taught me how to be like David, being openly honest to Him. Before, I used to know about Him... but now I know Him... deeply, personally.[/b] Nagpatuloy ang boses, "Ngayon, sabihin mo kung ano ang gusto mong trabaho." Dahil natuto akong maging honest, naging specific ako. Gusto ko ng work na above minimum ang sweldo. Gusto ko ng workplace na malapit. Gusto kong madagdagan ang husay ko sa computer o IT, sana isang company na pwede akong makapag-aral sa gabi para makapagaral pa ako ng mga latest sa IT. Kung pwede sana, may mga Christians na officemates. Tsaka Lord, kung pwede magrequest... pwede po ba yung nakalong-sleeves at necktie ako? Hindi ko alam, pero sigurado akong napangiti Siya ng sinabi ko iyon. Tok tok. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng faculty room. Nagising ako mula sa pagpa-flashback na iyon. "Sir RJ, nandyan na po ang mga estudyante nyo sa programming class. Room 3." Sinabi kong susunod na ako. Katatapos lang ng morning devotion namin na bahagi ng daily routine sa Ortigas branch ng Informatics na dalawang sakay lang ang layo sa bahay. Isang taon na ako dito. Hindi na ako nagaaral sa gabi, kasi may required training ang mga IT instructors ng latest IT courses para maituro namin. Maya maya pa ay narinig ko na ang "Through It All" na tumutugtog sa manager's office, favorite ni boss. Inayos ko ang tupi ng longsleeves ko at hinigpitan ang necktie, bago ako lumabas ng faculty room... [b]You will never know that God is all you need until God is all you've got.[/b] QUOTE: [b]PSALM 13 1 How long, O LORD? Will you forget me forever? How long will you hide your face from me? 2 How long must I wrestle with my thoughts and every day have sorrow in my heart? How long will my enemy triumph over me? 3 Look on me and answer, O LORD my God. Give light to my eyes, or I will sleep in death; 4 my enemy will say, "I have overcome him," and my foes will rejoice when I fall. 5 But I trust in your unfailing love; my heart rejoices in your salvation. 6 I will sing to the LORD, for he has been good to me.[/b][/spoiler] kakabless.ba? kakainspired? nakarelate.ka.ba? comment.na.heheh

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 00:25

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy