• ARCHIVES 
  • » tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

Pages: 1

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag-asa? nadidismaya.ka.ba? well,para.sau.ang.story.na.ito!! [spoiler][b]Pasensya na kung mahaba. Gaano mo kakilala ang tinatawag mong Diyos?[/b] ------------------------------------------------------------------ Mahigit 6 months na ang lumipas mula ng materminate ako sa una kong trabaho. Hindi kagaya ng karamihang college fresh graduate, madali akong nagkatrabaho dahil nagsimula ako sa kumpanyang iyun bilang OJT, at nang makagraduate sa college, tuluyan na nila akong inabsorb. Laking pasasalamat ko noon, dahil sa hirap ng kumpetisyon, idagdag pang hindi namn ako degree holder, mahirap makahanap ng matinong trabaho. Naubos na ang backpay na nakuha ko sa kumpanya. At dumadaan ang pamilya ko sa isang krisis na pampinansyal. Panganay ako sa magkakapatid, kaya damang-dama ko ang hirap. Pero nanindigan pa rin ako sa aking pananampalataya. Alam ko, bibigyan ako ng Diyos ng trabaho. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng takot, ng panlulumo at pagkabigo. Pero lumaki ako sa isang Christian family, at ang pagkakaalam ko, kasalanan ang magalit sa Diyos. Madalas na kaming mag-away ni mama dahil sa kakulangan sa bahay. Isang araw, nagkasagutan na naman kami. Sabi nya, hindi daw ako nageexert ng effort na maghanap ng trabaho. Puro lang daw ako pagi-internet. Puro gastos. Nung sinabi kong sa internet ako naghahanap ng trabaho, hindi sya naniwala. Di na ako nakipagtalo, walang jobstreet at jobsdb nung panahon nya. Hindi maganda yung sunod nyang nasabi, nasaktan ako at nakapagtaas ng boses sa kanya. hindi ko ugaling sumagot ng pabalang sa nanay ko. Pero kung alam nya lang ang hirap ng loob na pinagdadaanan ko. Ang hirap at sakit ng katotohanan na jobless ka. msakit sa ego yun. At sa mga panahon na halos panawan na ako ng lakas, sa panahon na kailangan ko ang encouragement nya bilang ina, Ganito pa ang nangyayari. Naghahanap naman ako ng trabaho eh, nageexert nman ako ng effort. Pero bakit ganun, parang may pumipigil, parang may nakikialam. lahat ng inaplayan ko, hindi ako tinawagan. O kung tumawag man, sa exam pa lang bagsak na. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Tumakbo ako sa itaas, malakas na isinara ang pinto at umiiyak na dumapa sa kama. Sinisisi ko ang Diyos. Alam kong masama ang magalit sa Diyos, pero hindi ko na kaya. Sinubsob ko ang ulo ko sa unan at sumigaw. Ibinuhos ko doon ang lahat ng emosyon na kinimkim ko laban sa kanya. Wala na akong pakialam kung magalit Sya. "Im so disappointed with you, Lord! Why are you doing this to me??! Hindi ko na kayang makipagplastikan sayo, ganun din nman eh. Nakikita mo ang totoong laman ng puso ko." Tuloy tuloy ang paglalabas ko ng sama ng loob, na para bang kaharap ko ang isang kaibigan na nakasakit sa akin. Inamin ko ang takot na nararamdaman ko, ang panghihina ng loob at pananampalataya, maging ang lihim na pagkadismaya at galit s knya. "Nanindigan ako sa pananampalataya ko, pero bakit hindi mo ako tinutugon.?" Maya maya pa, nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib. Ang dating galit ay naging tampo na lang. At namalayan ko na lang, nagsasalita ako na parang naglalabas ng tampo sa isang kaibigan, isang kaibigan na buong unawang iniintindi na nakapagsalita ako sa kanya ng mga bagay dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ilang minuto pa, nanumbalik ang pag-asa ko at tiwala sa salitang hindi nya ako pababayaan. At sa unang pagkakataon mula ng maging Krstiyano ako, nanalangin ako ng buong katapatan... [b]"Lord, nasasaktan po ako. Hindi lingid sa inyo ang hirap ng kalooban na nararamdaman ko mula ng mawalan ako ng trabaho. Gusto kong maging honest sa inyo, tutal alam mo naman ang laman ng puso ko. Natatakot po ako. Natatakot ako sa magiging future ko, na baka hindi na ako makapagtrabaho. Ang hirap pong maghanap ng job, karamihan ng mga company ay mga degree holder ng kilalang university ang kinukuha. technician lang po ang natapos ko.Kung maari po sana, alisin mo na ako sa ganitong hirap na kalagayan. Hindi ko na po kaya. But I still put my trust in you. I want to believe, help me with my unbelief."[/b] Umiyak na naman ako.[b] "Kung ako po ang masusunod, I want to put an end to this. But if I really have to go through this Lord, if going through this pain would make me into a better person, then I surrender to your will... Kahit nakikita mo akong umiiyak, kahit nakikita mo akong nasasaktan, if this would bring glory to your Name.... don't stop Lord... DONT STOP UNTIL YOU ARE FINISHED!!"[/b] Pagkasabi ko nito, naramdaman ko ang isang malamig na hangin na bumalot sa buo kong katawan. Parang yumayakap. Kinilabutan ako, pero mas higit akong kinilabutan ng may marinig akong maliit na boses, na parang nangungusap sa puso ko. [b]"Finally, my child. You have learned your lesson." [/b] Sa isang iglap, biglang nagliwanag ang isip ko at naintindihan kong pinili nyang pagdaaanan ko ang bagay na iyon upang higit kong makilala ang kapangyarihan Nya. Sa loob ng pitong buwan, pinili nyang pigilan ang ulan ng pagpapala para matuto akong maging honest sa knya, maging sa mga pangit na emosyon na nararamdaman ko. Narealize kong mas gusto ng Diyos na maging authentic and honest tayo sa kanya, kesa ang purihin sya nang wala naman sa puso. In that 7 months, [b]He taught me how to be like David, being openly honest to Him. Before, I used to know about Him... but now I know Him... deeply, personally.[/b] Nagpatuloy ang boses, "Ngayon, sabihin mo kung ano ang gusto mong trabaho." Dahil natuto akong maging honest, naging specific ako. Gusto ko ng work na above minimum ang sweldo. Gusto ko ng workplace na malapit. Gusto kong madagdagan ang husay ko sa computer o IT, sana isang company na pwede akong makapag-aral sa gabi para makapagaral pa ako ng mga latest sa IT. Kung pwede sana, may mga Christians na officemates. Tsaka Lord, kung pwede magrequest... pwede po ba yung nakalong-sleeves at necktie ako? Hindi ko alam, pero sigurado akong napangiti Siya ng sinabi ko iyon. Tok tok. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng faculty room. Nagising ako mula sa pagpa-flashback na iyon. "Sir RJ, nandyan na po ang mga estudyante nyo sa programming class. Room 3." Sinabi kong susunod na ako. Katatapos lang ng morning devotion namin na bahagi ng daily routine sa Ortigas branch ng Informatics na dalawang sakay lang ang layo sa bahay. Isang taon na ako dito. Hindi na ako nagaaral sa gabi, kasi may required training ang mga IT instructors ng latest IT courses para maituro namin. Maya maya pa ay narinig ko na ang "Through It All" na tumutugtog sa manager's office, favorite ni boss. Inayos ko ang tupi ng longsleeves ko at hinigpitan ang necktie, bago ako lumabas ng faculty room... [b]You will never know that God is all you need until God is all you've got.[/b] QUOTE: [b]PSALM 13 1 How long, O LORD? Will you forget me forever? How long will you hide your face from me? 2 How long must I wrestle with my thoughts and every day have sorrow in my heart? How long will my enemy triumph over me? 3 Look on me and answer, O LORD my God. Give light to my eyes, or I will sleep in death; 4 my enemy will say, "I have overcome him," and my foes will rejoice when I fall. 5 But I trust in your unfailing love; my heart rejoices in your salvation. 6 I will sing to the LORD, for he has been good to me.[/b][/spoiler] kakabless.ba? kakainspired? nakarelate.ka.ba? comment.na.heheh
bLeSSeDxcHiLd
» n00b
FTalk Level: zero
68
0
1969-12-31

Re: tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

:O Wow.! Ang ganda ng story.! Oo.! Naka-relate talaga ako nun.! Nangyari rin sa aking yung mawalan ng loob. Nung time na yun nakalimutan ko na may Diyos. I studied so hard and worked so hard hanggang magkasakit ako. When I found out na severe pnuemonia ang sakit ko, kinabahan ako. Pwede akong mamatay. Nasa hospital ako nun. I lied on my bed and started to cry. I said to Him na hindi ko na kaya. Lahat ng problema ko parang unti-unti akong pinapatay instead sa sakit ko. Kailangan ko si Lord, alam ko yun. When I closed my eyes, I thought I heard someone said: "Yun lang naman ang kailangan ko eh. Yung sabihin mo na hindi mo na kaya at kailangan mo ako." :D Kaya heto ako ngayon.! Buhay pa.! Thanks to him at nabigyan ako ng lakas ng loob. Simula noon, ginawa ko na ang lahat para makayanan lahat ng problema. Kaya naman natin eh, basta naniniwala ka na nandyan Sya at ginagabayan ka.! :crybaby: Thanks sa pag-share ng storyang ito.! Naalala ko ulit kung gaano kagaling ni Lord.!
zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

Re: tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

[quote=bLeSSeDxcHiLd]Wow.! Ang ganda ng story.! Oo.! Naka-relate talaga ako nun.! Nangyari rin sa aking yung mawalan ng loob. Nung time na yun nakalimutan ko na may Diyos. I studied so hard and worked so hard hanggang magkasakit ako. When I found out na severe pnuemonia ang sakit ko, kinabahan ako. Pwede akong mamatay. Nasa hospital ako nun. I lied on my bed and started to cry. I said to Him na hindi ko na kaya. Lahat ng problema ko parang unti-unti akong pinapatay instead sa sakit ko. Kailangan ko si Lord, alam ko yun. When I closed my eyes, I thought I heard someone said: "Yun lang naman ang kailangan ko eh. Yung sabihin mo na hindi mo na kaya at kailangan mo ako." Kaya heto ako ngayon.! Buhay pa.! Thanks to him at nabigyan ako ng lakas ng loob. Simula noon, ginawa ko na ang lahat para makayanan lahat ng problema. Kaya naman natin eh, basta naniniwala ka na nandyan Sya at ginagabayan ka.! Thanks sa pag-share ng storyang ito.! Naalala ko ulit kung gaano kagaling ni Lord.![/quote] ur.welcome.bagay.ung.username.mo.sau..coz.ur.really.blessed.Child.... here's.the.part2 [spoiler]Npasulyap ako sa orasan sa taskbar ng computer. 11AM, Aug 4 2007. Isang oras na lang tapos na ang shift ko. "Borj, di ka ba kinakabahan?" Si RV, co-trainee ko at ka-close ko sa Batch 11 ng CTS. "Paano kung isa pala tayo sa di nkapasa sa training? Bro, bukas wala na tayong work. Ang dami ko pa namang mgagandang pngarap sa career ko dito." "Napaka-pessimistic mo talaga. Mas mataas nga ang score mo kesa sa akin eh. Bakit naman ako hindi kinakabahan." Ang totoo, may basis yung worry nya. Nasa remediation period kami. Yung ibang magaganda ang scores sa training, nauna na sa production floor. Mamaya, namin malalaman kung pasado kami sa training, o ito na ang huling gabing magkakasama kami. 3 months na kaming magkakasama sa training ng CTS department ng DELL Philippines. Sa pagkakaalam ko, ito na yata ang pinakamahabang training period sa isang Call Center Company. Ok nga eh, dahil hindi training allowance ang tinatanggap ko kundi actual salary na. And to think na this is DELL, isang computer brand giant, masasabing dream company. 1 week ang remediation period. 1 week na rin akong nagpe-pray na sana makapasa sa training. Bakit hindi, ang ganda ng package deal nito: Magandang position - Senior Technical Support Analyst (maganda rin pkinggan), astig na compensation package at syempre Dream company ko ang DELL. Naalala ko pa nung pumirma ako ng Job Offer, para akong nkalutang sa ere ng mabasa ko ang Compensation and Benefits package (Bawal sabihin, bsta wow! Sabi nga nila, pwede nang bumuhay ng pamilya). Proud na proud akong umuwi ng bahay. Lahat ng makaalam na nsa DELL na ako, di maiwasang mapa-WOW. Kaya nung nalaman kong kasama ako sa remediation, nag-alala tlaga ako. Pero inalala ko ang ginawa sa akin ng Lord nung bago ako nakapasok sa Informatics (see: Im so disappointed with You Lord part 1).. At lumakas ang loob ko at pananampalataya. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang mobile Bible na nakainstall dito. Muli kong binalikan ang verse na binigay sa akin ng Lord kahapon, verse na nagpapalakas ng loob: [b]"Ps 23:1 THE LORD is my shepherd; I shall not want. 2) He makes me to lie down in green pastures; He leads me beside the still waters. 3) He restores my soul; He leads me in the paths of righteousness for His name's sake." [/b]- Now this is what I call verse of confirmation. Sure na ako, papasa ako sa training. Siguro kaya nya ako pinadaan sa remediation, kase he is leading me into righteousness. We became more like him when we pray. [b]4) Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and Your staff, they comfort me.[/b] - Huh? shadow of death? Ah, baka yung remediation na yun, kase nga my career sa DELL is in the verge of "death". But God is comforting me with his Word. Amen! [b]5) You prepare a table before me in the presence of my enemies; You anoint my head with oil; My cup runs over.[/b] - Naalala ko bigla si Ms. Grace, yung trainer namin na medyo nagkaroon ako ng conflict. Ganun din yung iba kong mga kasama sa training na obviously natuwa nung nalaman nila na nsa remediation ako. Sorry sila, si Lord na ang nagsalita. Papasa ako! 6)Surely goodness and mercy shall follow me All the days of my life; And I will dwell in the house of the LORD Forever. Naguumapaw ang kagalakan sa puso ko. Ini-imagine ko na ang magiging career ko, na naputol lang nang tawagin na ang first 3. Pinapasok sila sa isang room, dun ibibigay ang results: In or Out. 10 minutes later, lumabas na sila. nakangiti. Pasok! Batch by batch, Tinatawag ang 24 na nsa remediation. Nakakapagtaka nmn, bkit hindi pa ako tinatawag. Pero ok lang, so far lahat ng tinawag pasok. Tinignan ko ang oras, 1AM na. Dpat hanggang 12MN lang kami. Tsk, Linggo na pala ng madaling araw. Nakupoh, Worship leader pa pala ako ngayon! Sana tawagin na ako para makauwi na, para makatulog pa ako kahit konti. Lagi nalang ganito, nagsisimba ako ng puyat. yan ang disadvantage ng call center agent, basag ang body clock mo. Pero hindi iyon dahilan para di ako magsimba, lalo pa't naging faithful ang Lord sa pagbe-bless sa akin at family ko. 2 AM. Anim nlng kming natira. Naghahalo n ang emotions ko. Kaba, excitement, pagod, puyat, gutom, inis. Lumabas ako sa hallway, nakita ko ulit si RV. Hindi pa sya umuuwi, hinihintay ako. Maaliwalas na ang mukha nya, kanina pa kase sya tinawag at nakapasa sya. Prang narinig ko si Satanas na bumulong sa akin. Dala marahil ng pagod, unti unting humihina ang tatag na kanina lang ay buo sa dibdib ko. Pumunta ako sa CR at nagpray. Pilit kong nilalabanan ang doubt na unti unting kumakain sa akin. Maya maya pa, tinawag na kami. 4 kming lahat na trainees na natira. ndun si Ms. Grace, at ang HR representative. May mga brown envelope syang hawak. Hmpf! Si Ms. Grace pa pala ang magbababa ng hatol. Nakakabingi ang katahimikan sa loob, kaya rinig na rinig ko ang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko. (to be continued).[/spoiler]
bLeSSeDxcHiLd
» n00b
FTalk Level: zero
68
0
1969-12-31

Re: tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

:O Ano kaya ang result.? :/ Hindi ko alam pero kung ano man ang result I know that God has reasons; pumasa man sya o hindi.
zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

Re: tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

here.na.ang.part3 medyo.shocking.sya.pero..nanatli.syang.matatag..nakakabilib!...nakakarelate.ako.. [spoiler]Ito na ang second part ng Broken-spirit trilogy. Enjoy. ----------------------------000000000----------------------------- Tinignan ko kung sino sino ang mga kasama ko: nasa kaliwa ko si Judith, yung tinatawag nila na may attitude problem. Nakikipagtalo sa mga trainers, kahit obvious nang mali, sige pa rin. Kung hindi late, absent. Talagang hindi sila manghihinayang na ilaglag ito. Sa kanan ko, si Daddy Deo. daddy kase 50 plus na sya. Sya ang pinakamahina sa grupo. Hirap sa English, ganun din sa mga aptitude test. Field technician sya, pero its obvious na he is not cut for a call center career. At si Mark. Average performer. Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. I don't know how they will accept the bad news. Nagsimula na si Grace. Sinabi nya na kaya ndun ang HR ay para siguraduhin na ang pagpasa o pagbagsak ay dumaan sa due process. Una nyang tinawag si Mark, sinabi ang requirements for passing, at kinongratulate. Pasado si Mark. Pinalabas na sya agad. Pag-alis ni Mark, walang emosyon ang mukha ni Grace. "Borj, Judith, Daddy Deo, Im sorry to tell you that you failed to pass the remediation. We are terminating your training and your career here in DELL." "You're kidding." I gasped in disbelief. Umiyak si Judith, Yumuko lang si Daddy. I can't believe what I heard. Nilapitan ko si Grace at kinuha ang papers. 85 ang passing, I got 67. I felt ridiculed. naglitanya si Grace how they came up with the decision, but I felt the results were cooked. It was a mock trial for me. Pakiramdam ko, nagdidiwang ang kalooban ni Ms Grace habang sinasabi iyon. Then, the HR asked me na hubarin ko na ang DELL badge ko. Ang simbolo ng career ko which for the past 3 months ay proud na proud kong sinusuot. kahit pumasok ako sa MOA, nakasabit iyon. Now Im being stripped of my glory. Sabi ng HR, if I felt the decision was biased, I can contest it. Di naman nila ako mapipilit na pirmahan ang termination papers na nasa harap ko. Pero before ako nakagpagsalita, I sensed His Spirit in the room. [b]"Yield. Trust me and obey." [/b]He said. In my mind, I asked him why, and he flooded me with verses: [b]I know the plans that i have for you, plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you hope and a future..(Jer 29:11); For [as] the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways, and my thoughts than your thoughts. (Isaiah 55:9); ...all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to [his] purpose.(Rom 8:28) For He does not enjoy hurting people or causing them sorrow. (Lam 3:33)[/b] In a split second, biglang nagliwanag ang isip ko. I saw a vivid picture of Christ's suffering on the cross. I found myself associating that painful moment with my Savior's agony. Yes there are no physical wounds, but no words can explain the pain of bruised emotions and a wounded pride; it is human nature to feel the pain of humiliation in accepting defeat sa harap ng mga taong natutuwa sa paghihirap mo. And since Jesus was fully human, then He must have felt it too. [b]"I feel what you feel, and it hurts me so much that you are going through this. But know that I love you, and am with you even at this very moment." His Spirit comforted me. My circumstances did not change, but His word made me change my perspective of that situation. Sa isang iglap, I felt joy sweeping me, I gained strength.[/b] Though still hurting, I prayed. "Lord, hindi po lahat binibigyan ng rare opportunity na kagaya nito, to have a life situation similar to your suffering. I pray that You let me finish this refining moment. Gusto ko pong makita what I will become after you have molded me through this. Please give me the strength, as I finish the remaining steps of my walk through this valley, of the shadow of death." Pormal kong hinarap ang HR at si Ms. Grace at ngumiti ng tipid. "I trust that the decision was made fair and square. And if it weren't so, then it is not me who will have a guilty conscience. Ms. Grace, I appreciate you having to stay until 4AM just to finish this. Thank you and God bless." Pakiramdam ko, nakabawi na ako sa kanya. She must not have expected my reaction.[/spoiler] ayan...sa.mga.dimismayado.dyan....heheh...read.na.ito..and.gain.encouragement....
  • ARCHIVES 
  • » tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 03:19

[ 10 queries - 0.056 second ]
Privacy Policy