Pages: 1

  2009-01-18 09:57:57

zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

tenent! kakabasa.ko.lang.ng.story.na.ito.sa.aking.docus..ngaun.ko.lang.din.nbasa.but.still it.inspires.me.how.to.be.honest.sa.true.feeling.natin....lalo.na.sa.harapan.ng.Diyos.. nawawalan.ka.ba.ng.pag

[quote=bLeSSeDxcHiLd]Wow.! Ang ganda ng story.! Oo.! Naka-relate talaga ako nun.! Nangyari rin sa aking yung mawalan ng loob. Nung time na yun nakalimutan ko na may Diyos. I studied so hard and worked so hard hanggang magkasakit ako. When I found out na severe pnuemonia ang sakit ko, kinabahan ako. Pwede akong mamatay. Nasa hospital ako nun. I lied on my bed and started to cry. I said to Him na hindi ko na kaya. Lahat ng problema ko parang unti-unti akong pinapatay instead sa sakit ko. Kailangan ko si Lord, alam ko yun. When I closed my eyes, I thought I heard someone said: "Yun lang naman ang kailangan ko eh. Yung sabihin mo na hindi mo na kaya at kailangan mo ako." Kaya heto ako ngayon.! Buhay pa.! Thanks to him at nabigyan ako ng lakas ng loob. Simula noon, ginawa ko na ang lahat para makayanan lahat ng problema. Kaya naman natin eh, basta naniniwala ka na nandyan Sya at ginagabayan ka.! Thanks sa pag-share ng storyang ito.! Naalala ko ulit kung gaano kagaling ni Lord.![/quote] ur.welcome.bagay.ung.username.mo.sau..coz.ur.really.blessed.Child.... here's.the.part2 [spoiler]Npasulyap ako sa orasan sa taskbar ng computer. 11AM, Aug 4 2007. Isang oras na lang tapos na ang shift ko. "Borj, di ka ba kinakabahan?" Si RV, co-trainee ko at ka-close ko sa Batch 11 ng CTS. "Paano kung isa pala tayo sa di nkapasa sa training? Bro, bukas wala na tayong work. Ang dami ko pa namang mgagandang pngarap sa career ko dito." "Napaka-pessimistic mo talaga. Mas mataas nga ang score mo kesa sa akin eh. Bakit naman ako hindi kinakabahan." Ang totoo, may basis yung worry nya. Nasa remediation period kami. Yung ibang magaganda ang scores sa training, nauna na sa production floor. Mamaya, namin malalaman kung pasado kami sa training, o ito na ang huling gabing magkakasama kami. 3 months na kaming magkakasama sa training ng CTS department ng DELL Philippines. Sa pagkakaalam ko, ito na yata ang pinakamahabang training period sa isang Call Center Company. Ok nga eh, dahil hindi training allowance ang tinatanggap ko kundi actual salary na. And to think na this is DELL, isang computer brand giant, masasabing dream company. 1 week ang remediation period. 1 week na rin akong nagpe-pray na sana makapasa sa training. Bakit hindi, ang ganda ng package deal nito: Magandang position - Senior Technical Support Analyst (maganda rin pkinggan), astig na compensation package at syempre Dream company ko ang DELL. Naalala ko pa nung pumirma ako ng Job Offer, para akong nkalutang sa ere ng mabasa ko ang Compensation and Benefits package (Bawal sabihin, bsta wow! Sabi nga nila, pwede nang bumuhay ng pamilya). Proud na proud akong umuwi ng bahay. Lahat ng makaalam na nsa DELL na ako, di maiwasang mapa-WOW. Kaya nung nalaman kong kasama ako sa remediation, nag-alala tlaga ako. Pero inalala ko ang ginawa sa akin ng Lord nung bago ako nakapasok sa Informatics (see: Im so disappointed with You Lord part 1).. At lumakas ang loob ko at pananampalataya. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang mobile Bible na nakainstall dito. Muli kong binalikan ang verse na binigay sa akin ng Lord kahapon, verse na nagpapalakas ng loob: [b]"Ps 23:1 THE LORD is my shepherd; I shall not want. 2) He makes me to lie down in green pastures; He leads me beside the still waters. 3) He restores my soul; He leads me in the paths of righteousness for His name's sake." [/b]- Now this is what I call verse of confirmation. Sure na ako, papasa ako sa training. Siguro kaya nya ako pinadaan sa remediation, kase he is leading me into righteousness. We became more like him when we pray. [b]4) Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and Your staff, they comfort me.[/b] - Huh? shadow of death? Ah, baka yung remediation na yun, kase nga my career sa DELL is in the verge of "death". But God is comforting me with his Word. Amen! [b]5) You prepare a table before me in the presence of my enemies; You anoint my head with oil; My cup runs over.[/b] - Naalala ko bigla si Ms. Grace, yung trainer namin na medyo nagkaroon ako ng conflict. Ganun din yung iba kong mga kasama sa training na obviously natuwa nung nalaman nila na nsa remediation ako. Sorry sila, si Lord na ang nagsalita. Papasa ako! 6)Surely goodness and mercy shall follow me All the days of my life; And I will dwell in the house of the LORD Forever. Naguumapaw ang kagalakan sa puso ko. Ini-imagine ko na ang magiging career ko, na naputol lang nang tawagin na ang first 3. Pinapasok sila sa isang room, dun ibibigay ang results: In or Out. 10 minutes later, lumabas na sila. nakangiti. Pasok! Batch by batch, Tinatawag ang 24 na nsa remediation. Nakakapagtaka nmn, bkit hindi pa ako tinatawag. Pero ok lang, so far lahat ng tinawag pasok. Tinignan ko ang oras, 1AM na. Dpat hanggang 12MN lang kami. Tsk, Linggo na pala ng madaling araw. Nakupoh, Worship leader pa pala ako ngayon! Sana tawagin na ako para makauwi na, para makatulog pa ako kahit konti. Lagi nalang ganito, nagsisimba ako ng puyat. yan ang disadvantage ng call center agent, basag ang body clock mo. Pero hindi iyon dahilan para di ako magsimba, lalo pa't naging faithful ang Lord sa pagbe-bless sa akin at family ko. 2 AM. Anim nlng kming natira. Naghahalo n ang emotions ko. Kaba, excitement, pagod, puyat, gutom, inis. Lumabas ako sa hallway, nakita ko ulit si RV. Hindi pa sya umuuwi, hinihintay ako. Maaliwalas na ang mukha nya, kanina pa kase sya tinawag at nakapasa sya. Prang narinig ko si Satanas na bumulong sa akin. Dala marahil ng pagod, unti unting humihina ang tatag na kanina lang ay buo sa dibdib ko. Pumunta ako sa CR at nagpray. Pilit kong nilalabanan ang doubt na unti unting kumakain sa akin. Maya maya pa, tinawag na kami. 4 kming lahat na trainees na natira. ndun si Ms. Grace, at ang HR representative. May mga brown envelope syang hawak. Hmpf! Si Ms. Grace pa pala ang magbababa ng hatol. Nakakabingi ang katahimikan sa loob, kaya rinig na rinig ko ang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko. (to be continued).[/spoiler]

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 02:20

[ 12 queries - 0.007 second ]
Privacy Policy