Pages: 1..12345678910111213..13

  2009-01-22 11:48:17

jamessss:b
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
8837
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://i41.tinypic.com/6jhcsg.png[/img][/align] [align=center]Official Poster of the Story:[/align] [b]PLOT:[/b] May siyam na magkakaibigang bakasyonista mula sa maynila, na napagd

[b]For the current [color=red]Chapter 4[/color], you can click this link:[/b] http://theftalk.com/p2259093-2009-01-20-10%3A36%3A02.html#p2259093 [b]Links --[/b] [u]Chapter 1&2:[/u] :arrow: http://theftalk.com/t54138-The-Uninvited-Summer.-%28chapter-3.3-SUPER-UPDATE%29.html [u]Chapter 3:[/u] :arrow: http://theftalk.com/p2195901-2009-01-08-10%3A12%3A43.html#p2195901 http://theftalk.com/p2213175-2009-01-11-09%3A26%3A55.html#p2213175 http://theftalk.com/p2221319-2009-01-13-09%3A11%3A09.html#p2221319 [b]CHAPTER 4.2:[/b] [color=red][b]Ang mga pangitain.. Mawawala. (part 1)[/b][/color] (Balik tayo kung nasan si Eney, sa labas ng bahay.) "ang hangin naman pala dito kahit paano, kahit hindi ko feel yung lugar, andaming puno eh.. sandali.." mag-isang banggit ni Eney sa sarili.. Habang naglakad sya at parang may napansing isang lalaking nakatingin sakanya.. ng palapit na si Eney sa lalaki, bigla nalang din syang lumapit kay Eney, at nang magkaharap na sila, hindi makita ni Eney ang muka nito dahil nakabalot ito ng itim na panyo at sumbrero at tinitignan mabuti ni Eney kung sino nga ba ang nakatingin sakanya. "sino ka ba? kilala ba kita?" tanong ni Eney sa misteryosong tao na nakabalot ng itim ang muka. At bigla nalang naglabas ng malaking bato ang lalaking nakaitim at hinampas ito sakanyang ulo, at kadahilanan ng kanyang pagkahimatay. Bumalik rin naman ako kagad sa labas kung nasan si Eney, pero ang pinagtataka ko.. Wala na siya sa labas, lumabas ako ng bakuran.. At susubukan ko syang hanapin. (Balik sa kwarto kung nasan ang mga bagong dating na pinsan ni Danx, at ang tropa) "Danx, gising na.. Hehe, ako to si Kuya Tristan mo" banggit ng pinsan nitong si Tristan. "Tri..tri..trist..tris..tristaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Letseeee, sino gumsing saken?! :angry: Punyeta, sino bang Tristann yan?! ..sandale" galit at parang may gusto pang dugtong na salita si Danx, "Oi, Danx! Ako 'to, Kuya Tristan mo!" pakilala ng pinsan. "AYYY, CRAP! Kuya?!" di makapaniwala na sabi ni Danx, "ai kuya, kailan ka pa dumating? men, miss na miss na kita, sndale, nasan si Luna at Nicz?" "Ayun nasa kabilang kwarto kung san kami matutulog" "Ay ganun, sige kuya, puntahan ko muna sil, tara dun na rin tayu mag usap usap, kasi baka magising tong mga to eh, tara kuya" "osige tara". At lumabas na nga sila ng kwarto at pinuntahan naman ang mga pinsan nitong nasa kabilang kwarto lang. "..taena naman ;_; sino nanaman yung dugyot na sumigaw na yon?! nak ng.. DI NA ULIT AKO MAKATULOG! :mad:" galit na banggit ni James, at dun narin isa isang nagsigising ang mga kasamahan nya. "o James, ano nanaman ba yang binubunganga mo jan, nak ng teteng naman o" pagalit na banggit ni Ukoi, "hayy. wala narin ako sa mood neto, nyeta.. nagugutom ako, sige labas muna ako ha." banggit ng kaibigan nilang si Iana, at tumayo na ito at lumabas ng kwarto. "sandali, nasan ba yung ibang tropa? sila Trick? Sila Chan? Si Best? sndali silipin ko muna" banggit ni Jeff, at sumunod din sya sa paglabas ni Iana. "hay punyeta, di na ulit ako makatulog. puyatt pa man din ako, sino ba kasi yun? nyeta o, alang ala na ko sa mood nito" isa pang pagalit na banggit ni James. "iwan muna kita, tingin lang ako sa kusina ng makakain, may gusto ka bang pakuha Jampot?" tanong ng kaibigang si Blanche, "ay, sige.. wala. sige labas ka na, mukang nagugutom ka na eh" "ah, sinabi mo pa.. sige matulog ka na jan at baka sakin ka pa maghimutok" "osige, layas ka muna" at pagkasuot ni Blanche ng slippers nya ay lumabas na din sya. "..hayyy, ano ba to! di na ulit ako makatulog, sandali nga, makababa ng double deck" banggit ni James at sabay baba ng kinahihigaan, at sabay umupo sa kama sa baba. "punyeta, bat mas malamig dito sa baba kesa dun sa taas ng double deck, pag tinamaan ka na nga ng kamalasan bababa na ito hanggang tuhod mo, nak ng teteng.." at bigla nalang may pumasok sa isip nya na buklatin ang mga bag ng kasamahan nyang babae, ang inuna nyang bag eh ang bag ni Iana, at tawa ng tawa si James sa mga nakita nyang gamit ni Iana, ng biglang may nakuha syang isang papel, at sa sobrang napaisip si James bigla nalang nyang binuksan ang papel, at nakasulat sa papel.. "Iana, Hindi ko alam kung pano ko pa to sasabihin kina mama, hindi ko alam kung anung ihaharap kong muka sakanila, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, Iana.. tulungan mo ko, kahit na hindi mo sabihin, alam ko ang sikreto mo.. Na isa ka ring anak ni mama, at ayaw mo lang sabihin dahil sa ibang ama ka nangaling at hindi kay papa, pero alam mo naman na tanggap kita, tanggap ko kung anu ka at kung anung meron ka, Iana.. tulungan mo ko. Anung gagawin ko? Hindi ko din alam ang gagawin ko sa ama ng dinadala ko, dahil.. dahil.. may iba akong nararamdaman sakanya, nararamdaman ko na unti unting nag iiba ang trato nya sa akin, sana matulungan mo ko at sana.." "..bat putol ang sulat?! nasan yung isang papel?" pikon na tanong nito sa sarili nya, at hinalukay nya parin ang mga gamit ni Iana, at napahinto sya, at sabay napaisip kung sino ang nagsulat ng liham na nabasa nya.. "ibig sabihin ba nito.. maaraing isa sa tropa ang buntis.. o kapatid talaga ito ni Iana" tanong nito sa sarili nya, at sabay hanap parin ito sa mga gamit ni ana, ng hindi inaasahan.. biglang bumukas ang pintuan.. "James, pinagdala kita ng sandwich at juice" banggit ni Ukoi, at sabay ayos ng mga gamit ni Iana si James at sabay tago ng sulat sa bulsa nito, "hoy James, may ginagawa ka nnmn atang kababalaghan jan aber" pilyang banggit ni Ukoi. "ai, sira ala lang to noh, nahulog kasi dun yung wallet ko, nagugutom kasi ako tapos yun, nahulog dito sa kama ni Iana" palusot na banggit nito, "hello, tatlo ang double deck dito, at nasa kaliwa kaya ang kama mo, at obvious naman na nasa kanan ang kama ni Iana" iritang banggit ni Ukoi, at walang maisip na palusot si James kundi.. "masarap ba yang sandwich na ginawa mo? anung palaman nito?" palusot nalang na tanong ni James. "ai, oo syempre.. o eto, sandali nga. kuha lang ako ng damit at maliligo ako" banggit ni Ukoi, "buti pa nga, sige maligo ka na at lalabas muna ako kunin ko na tong pagkain ha?" banggit ni James at sabay labas ng kwarto. (Sa malayong parte ng barangay Dagaw // Malayong parte ng resthouse) "Oi Chan, sandali may dala ka bang bente jan? Bili lang ako yosi at softdrinks" mayabang na patanong ni Trick, " 'tol, pasensya na sampu lang to eh, tsaka 'tol naman, sa kabilang kanto pa raw ang tindahan dito eh, bakit wala bang yosi sila Bryan at Jeff?" tanong nito kay Trick, "di naman nagyoyosi yung mga yun eh, pwera ata kay Bryan, yun nag yoyosi talaga yun" "ah, ganun ba? pag tiisan mo na nga tong sampu at tumuloy na tayo maglakad baka abutin pa tayo ng gabi dito sa daan" "yun nga eh, ikaw lang naman hinihintay ko." At tumuloy na nga maglakad ang dalawa.. pero maya maya pa ay napansin nila na namali sila ng daan at hindi nila alam kung saan ang palabas dahil hindi nila sinasadyang makapasok ng gubat. " 'tol nasan na ba tayo? nag aya aya ka pa kasi eh, tgnan mo! hindi tuloy natin alam kung saan na ang palabas" galit na bulyaw nito kay Trick, "ay tanga, ikaw lang kaya ang sinusundan ko, tapos ako pa ngaun ang..." putol na banggit ni Trick, dahil napansin nya na may nakatingin na isang mejo katangkadan at hindi malaman kung lalaki ba ito o babae, at mukang ito ang taong kumuha din kay Eney. At dun narin napansin ni Trick na dahan dahang lumalapit sakanila ito. "...Chan, pag sinabi kong takbo.. takbo." bulong nito kay Chan, "Ano kamo? Di kita maintidihan!" banggit nito kay Trick, at napalingon ito sa likod nya, at napansin nya nga ang taong nakatago ang muka sa isang maitim na panyo, lumapit din si Chan sa taong iyon. "aeh, kuya.. Alam nyo ba ang palabas ng gubat na to?" tanong ni Chan, at hindi marinig ni Chan ang mga bulong pa ni Trick sakanya, nung makita ni Trick na may nilabas ang taong may itim na panyong nakapulupot sa muka biglang sumigaw si Trick ng.. "..CHAN! Takbo!" sigaw nito kay Chan, at lumingon si Chan kung nasan si Trick at sabay harap rin ito sa kausap nito, at sabay pinukpok ng bato sa ulo si Chan, at sabay bagsak, nang pagkakita ito ni Trick ay dali dali syang tumakbo at simusigaw ng.. "TULONG!" (Sa labas resthouse kung saan patuloy parin sa paghahanap si Bryan.) "..ENEY! Nasan ka na Eney?" kanina pang sinisigaw na pangalan ni Bryan, "Oi Bryan, bat mo hinahanap si Eney, sa halit ang girlfriend mo ang hanapin mo" pilyang banggit ni Blanche, "ay sira, kasi kanina magkausap kami ni Eney, eh bigla namang dating ng mga pinsan nya, kaya yun hinatid ko sila sa loob tapos nung pagkabalik ko wala na si Eney" alalang banggit ni Bryan, "ganun ba? kanina mo pa ba hinahanap si Eney?" tanong ni Blanche, "oo eh, pwede bang tulungan mo ko? punta pa tayo sa banda dun, baka nandun sya" banggit ni Bryan, "sige, tara mag gagabi na o." banggit ni Blanche. (Sa loob ng bahay, kung saan magpapahinga ang tropa.) "nasan na ba kasi yung sulat?! bwisit, may nakielam ng bag ko! anu ba kasi yan?!" galit na galit na banggit ni Iana sa sarili nya, at napaisip sya.. "sandali nga, UKOI!" galit na sigaw nito sa kapapasok ng kwartong si Ukoi, "O eh, bakit mo ko sisigawan?!" tanong ni Ukoi, "siguro ikaw nakielam ng gamit ko noh?! ilabas mo na nga yung kinuha mo!" galit na sigaw nito kay Iana, "hoy, bat ako ang pagbibintangan mo?! eh kapapasok ko lang at kaliligo ko lang, aba Iana, tigilan mo ko ha!" "at bakit?! sino pa ba ang alam/kilala kong ubod ng pakielamera?!" "HOY Iana, sumosobra ka na ha!" "At bakit totoo naman ah?!" at sabay hatak na ni Ukoi sa mahabang buhok ni Iana, at gumanti naman si Iana, at tuluyan na ngang nagsabunutan. (Sa isang lugar na sa bayan parin ng Dagaw) "nasan ako?! NASAN AKO?! Bat wala akong makita? TULUNGAN NYO AKO! Tulungan nyo ako!, nagmamakaawa ako, kung sino man ang nakakarinig sa'kin tulungan nyo ako" at sinubukan nyang kumilos pero nakakadena ang leeg nya at mga paa. "ano to?! bat.. bat nakakadena ako?! tulungan nyo ako! nasasakal ako! nag mamakaawa ako!" At bigla nyang narinig ang pagbukas ng pinto.. "sino ka, sino ka?! nagmamakaawa ako sa'yo.. pakawalan mo na ak..." at biglang malakas na sampal sakanya... [b]Ipagpapatuloy.[/b]

Pages: 1..12345678910111213..13

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 11:12

[ 12 queries - 0.018 second ]
Privacy Policy