[b]For the previous [color=red]Chapter 4[/color], you can click this link:[/b]
http://theftalk.com/p2259093-2009-01-20-10%3A36%3A02.html#p2259093
[b]Links --[/b]
[u]Chapter 1&2:[/u]
http://theftalk.com/t54138-The-Uninvited-Summer.-%28chapter-3.3-SUPER-UPDATE%29.html
[u]Chapter 3:[/u]
http://theftalk.com/p2195901-2009-01-08-10%3A12%3A43.html#p2195901
http://theftalk.com/p2213175-2009-01-11-09%3A26%3A55.html#p2213175
http://theftalk.com/p2221319-2009-01-13-09%3A11%3A09.html#p2221319
[b]Updated/Main Cast Starting this Chapter 5:[/b]
[spoiler]Si [b]Eney[/b], isa sa mga tropa nilang unang mawawala, makakabalik pa ba sya o tuluyang mawawala?
Si [b]James[/b], nakakaalam ng isang sikreto kung saan maaring magbago ang ikot ng buhay nila.
Si [b]Jeff[/b], ang pinakamalapit na kaibigan ni Eney, at laging nakasalalay sakanya.
Si [b]Chaw[/b], isa siya sa mga taong makakasaksi ng kababalaghan ngaung (Chapter 5)
Si [b]Luna[/b], isa sa mga pinsan ni Danx na magkakaroon ng kaugnayan sa isa sa tropa nila.
Si [b]Jolo[/b], ang kababata ni Danx, at ang mga nakakaalam kung anung meron sa bayan ng Dagaw.
Si [b]Bryan[/b], ang nakakalabuang nobyo ni Danx at isa sa mga malapit na kaibigan ni Eney.
Si [b]Trick[/b], ang kauna unahang nakasaksi ng isang karumal dumal na pangyayari sa kanyang kaibgan.
Si [b]Danx[/b], ang nobya ni Bryan at ang mga pinsan nila Tristan, Nicz at Luna.
Si [b]Iana[/b], katulong ni Danx, at isa sa may mga matitinding lihim.
Si [b]Ukoi[/b], ang isa sa mga kaibigan nilang magkakaroon ng away kay Iana.
Si [b]Patrick[/b], sumunod sila ni Bridget sa resthouse at madadamay sa galit ni Dagaw
Si [b]Blanche[/b], isa sa mga tutulong kay Bryan para hanapin sila Eney at Chan.
Si [b]Tristan[/b], isa rin sa pinsan ni Danx, at madadamay ba sya sa galit ni Dagaw?
Si [b]Nicz[/b], ang laging kasama ni Luna.[/spoiler]
[b]Extended/Supporting Cast Starting this Chapter 5:[/b]
[spoiler]Si [b]Chan[/b], ang pangalawang nabiktima ni Dagaw, makakatakas ba sya? O hindi.
Si [b]Mela[/b], ang kababata ni Danx.
Si [b]Bridget[/b], isa sa mga kasama ni Patrick na bumalik sa resthouse[/spoiler]
[b]Upcoming Characters sooner/later of Chapter 5:[/b]
[spoiler][color=green][b]Ubench. Anne. Kaygee. Angeli.[/b][/color][/spoiler]
[hr][hr]
[b]CHAPTER 5:[/b] [color=red][b]Ang mga Nabubuong Lihim sa Bayan ng Dagaw (PartI)[/b][/color]
[b]User/Author's Rate:[/b] [b][color=brown]9.5/10[/color][/b]
(Sa isang lugar na sa bayan parin ng Dagaw // Ang abandonadong paaralan.)
"nasan ako?! NASAN AKO?! Bat wala akong makita? TULUNGAN NYO AKO! Tulungan nyo ako!, nagmamakaawa ako, kung sino man ang nakakarinig sa'kin tulungan nyo ako" at sinubukan nyang kumilos pero nakakadena ang leeg nya at mga paa. "ano to?! bat.. bat nakakadena ako?! tulungan nyo ako! nasasakal ako! nag mamakaawa ako!" At bigla nyang narinig ang pagbukas ng pinto.. "sino ka, sino ka?! nagmamakaawa ako sa'yo.. pakawalan mo na ak..." at biglang malakas na sampal sakanya... "bakit mo ba ginagawa sakin to? SINO KA BA?!" umiiyak na banggit nito, at sinusubukan nyang kalagin ang mga kadena. At sabay sipa sakanya ng taong nakabalot ang muka sa itim na panyo.
"Dagaw, Dagaw ang pangalan ko.. Kung gusto mo makalaalis sa kadenang iyan, pagbibigyan kita. Gusto ko maglaro ng isang napakadaling laro, kung saan.. Ako ang taya at ikaw ang hahabulin ko, eto ang mga susi (na sabay binato ang mga susi sa muka ni Chan)" isang kakilakilabot na banggit ni Dagaw, "Ha? Dagaw ang pangalan mo? Nagmamakaawa ako. Ayoko ng gusto mong gawin, at.. at.. bat ganyan boses mo? Hindi ko maintindihan kung lalaki ba o babae yang boses mo?" tuloy parin sa pagiyak si Chan. "Pano, labas na ko.. Magsisimula ang laro matapos ang isang minuto, at ang oras ay nagsisimula na ngaun.." banggit ni Dagaw at sabay lumabas ng kwarto kung san nakakulong si Chan.
"..kailangan ko magmadali, kailangan ko tong maalis (nagsasalita magisa habang dali daling inaalis ang mga kadena sa kanyang katawan)" dali dali nyang inalis ito, pagkaalis ng mga kadena sabay nya naman inalis ang mga panyong nakaharang sakanyang mga mata, at sabay syang tumakbo. Habang sya'y tumatakbo, nanghihina sya at di nya magalaw ng maayos ang kanyang mga paa dahil sinugatan pala ni Dagaw ang kanyang mga paa, at ang kanyang may sugat na ulo rin ang dahilan ng kanyang pagkahina.
Dali dali siyang lumabas ng kwarto kahit ramdam nya na ang pagkahina nya ng mga oras na yun. "nakalabas ka na pala, magbibilang nalang akong isa hanggang sampu, at dun na ako maguumpisang habulin ka, at dahil sa mabait ako, kahit tumakbo ka na at maglalakad nalang ako, TAKBO!! Isa.. Dalawa.." banggit ni Dagaw at tuloy parin sa pagbibilang, tuloy parin sa pag iyak si Chan habang siya'y tumatakbo. "nagmamakaawa ako sa'yo, layuan mo na ako, sigina" umiiyak paring banggit ni Chan. "Tatlo.. Apat.. SAMPU! Tumakbo at magtago ka na sa abot ng makakaya mo" banggit ni Dagaw, at sabay sinamahan ng malakas na tawa.
Dali daling tumatakbo si Chan kahit na masakit na ang kanyang mga paa at sinasabayan pa ito ng sakit ng kanyang ulo. Tuloy parin sya sa pagtakbo, at hindi nya alam kung saang lugar ba sya dinala ni Dagaw, para itong lumang school o parang pabrika, hindi nya ito maipaliwanag. At malapit na ay maabutan na siya ng mga paa ni Dagaw. "..Chan, palapit na ko.." banggit ni Dagaw, "Dagaw, nagmamakaawa ako sa'yo.. wag mong gawin yan sa'kin.. nagmamakaawa ako sa'yo.." banggit ng humahagulgol na si Chan. Sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa si Chan at tuluyan ng nabali ang mga buto nito, kung saan bumlwak na ang balat ng kanyang mga binti at sabay agos ng kanyang mga dugo.
"Dagaw, nagmamakaawa ako sa'yo, hindi na ako makagalaw, wala na akong isang paa.. Nagmamakaawa ako sa'yo..

" umiiyak na banggit ni Chan, at hindi nya na alam ang gagawin. Napangisi lang si Dagaw, at tinapakan nya ang mga binti ni Chan. "Arayyyyyyyyyyy! Dagaw, wag mong gawin to.. Hindi ko na kaya!!" ummiyak at nagmamakaawang banggit ni Chan. At sabay labas ni Dagaw ng kanyang itak at sabay saksak nito sa ulo ni Chan, at dun na binawian ng buhay si Chan. At hinatak na ni Dagaw ang katawan ni Chan.
(Sa isang lugar na sa bayan parin ng Dagaw // Ang abandonadong paaralan.)
Biglang nagising naman si Eney, at tinitignan ang paligid nya at sinubukan nyang tumayo pero nakatali naman sya at naka dikit ang kanyang mga bibig ng isang mighty bond at ang kanyang labi ay puro dugo dahil sinusubukan nya itong alisin ng pilit.. At umiiyak si Eney at hindi makapagsalita, dahil katulad din ng kay Chan, may mga sugat ito sa kanyang mga binti, at may malalim na sugat sa mga parteng taas ng kilay nya..
[b]Ipagpapatuloy..[/b]