Pages: 1

  2010-06-01 06:58:51

amenoyoku
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko kilala. Umikot ang aking paningin sa paligid at ang tanging nakita ko ay mga damo at mga mga bilog na liwanag na lumulutang, nararamdaman mo ang presko at payapang simoy ng hangin. Sadyang kay ganda ng pakiramdam, panatag, tahimik, payapa, at maaliwalas. Siguradong mapapanatag ang lugar na ito. Agad kong nilibot ang halos parte ng payapang lugar na ito para maghanap ng isang katulad ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Patuloy akong naglakbay sa payapang lugar na ito hanggang makakita ako ng isang bahay na simple at gawa sa kahoy..... CHAPTER 1 “Michael....Michael....Michael....gising na anak.” tinig ng isang babae na walang buhay kung makasalita. “Ummnnn...” dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Noong naayos ang aking paningin, agad kong tinignan ang taong nag-gising sa akin, yun pala ang aking ina. Nagmadali akong lumayo sa kanya at nagtungo sa pinakasulok na bahagi ng aking kama, agad ko ding inalis ang tingin ko sa kanya. Ngunit nakita ko ang kanyang mukha ay biglang nagbago, agad siyang nalungkot. “Mag-ayos ka na at kumain, baka mahuli ka pa sa klasi mo.” at agad siyang umalis sa aking kwarto. Malamang iinom lang naman siya ng alak. Lagi naman siyang ganoon magsimula noong naganap ang insidenteng iyon. Kung makikita mo ang aking ina, siya ay napakapayat at mukhang sakitin, maputla siya, mahaba at magulo ang buhok, para siyang multo sa isang horror movie, siya ay parang 40 years old pero hindi, 30 lang siya. Lagi din siyang umiinow ng alak, naninigarilyo at sumusugal. Hindi na rin nga ako nagtataka kung siya ay nakadrugs. Ako si Michael Mercado, 17, nakatira kasama ang walang kwenta kong ina. Ako ay isang senior sa Samsaman High School. Ito ay isang magandang paaralan kaya maraming gustong mag-aral dito ngunit pili lang ang nakakapasok dito. Ang aking tiya nagpapaarap sa akin at siya ay ubod ng yaman. Siya at mabait at maganda. Pinapangarap ko nga sana na siya nalang ang aking ina. Ang hinihingi lang naman na kapalit ng aking tiya ay bantayan ang aking ina. At sa nakikita niyo, hindi ko nagagawa. Pagkatapos kong mag-ayos at kumain, nagmadali ako para umalis na ng bahay. “Aalis ka nnnn...” sabi ng aking ina ngunit hindi ako nakinig, dumiretso lang ako at umalis. Sabi ko na nga ba, umiinom at naninigarilyo na naman siya. Nakita ko siya sa sala, ang bahay namin kasi bago ka makaalis ng bahay ay siguradong dadaan ka sa sala, at doon nakita ko ang isang kaha ng Malboro at tatlong bote ng “The Bar”, ang isa nakalahati na. At least hindi ito kasing sama ng kagabi dahil siya ay naka limang kaha ng sigarilyo at umiinom ng brandy ang chaser red horse. Hindi talaga ako magtataka kung siya ay mamamatay ng maaga, sabagay wala naman akong pakialam hindi rin naman siya naging magulang sa akin. Wala rin naman akong pakialam sa aking pag-aaral ngunit pumapasok lang ako para malayo sa aking ina. Barumbado din ako, halos bawat linggo, hindi pweding hindi ako nasasali sa mga gulo sa aming lugar. Ayoko sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay maraming mapapait na alaala na nangyari sa akin. Ayoko din ang aking buhay, hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa mundo. Minsan naisip ko na ding magpakamatay ngunit alam kong bawal iyon. At ayaw iyon mangyari ng Diyos. Kahit na isa akong walang kwentang tao, alagad pa rin ako ng Diyos. Para maalis ang isip ko sa aking ina, tinignan ko nalang ang langit. Buti pa ang langit malaya. Parang ang sarap mabuhay sa langit. Payapa, tahimik, maaliwalas. Alam kong malapit na ako sa paaralan dahil nakikita ang mga magaganda at mababangong bulaklak na nahuhulog sa halaman. Isa din ito sa gusto ko sa paaralan, isa ito sa nakakapagsaya sa akin. “Kaya ko to!” biglang sigaw ng isang tinig ng babae. Nabigla ako at napatigil sa paglalakad siya ay nasa harap ko ngunit nakatalikod siya. Agad din akong napatingin sa kanya. Woa! Siya ay maganda. Mahaba at maganda ang kanyang buhok, ang kulay ng kanyang mata ay brown, maputi, at maamo ang kanyang mukha. Sandali akong nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita siguro transfer student siya. Tutuloy ko na sana ang aking paglalakad patungo sa paaralan ngunit bigla siya ulit nagsalita. “Gusto mo ba ang paaralan na ito? Gusto mo ba ang lugar na ito? Ako? Mahal na mahal ko ito.” Kahit hindi ako ang kinakausap niya, parang ako ang kinakausap niya at natamaan sa sinabi niya. Patuloy siyang nagsalita. “Ngunit wala na lahat ang kakilala ko dito. Lahat ng aking mga kaibigan, kaklase, at masasayang alaala na kasama sila. Kaya ko bang ipagpatuloy ito? Hindi naman ako magaling sa pakikipagkaibigan, wala din akong lakas na loob para kausapin sila. Susuko nalang ako.” naramdaman ko na kailangan kong tulungan ang babaing ito. Hindi ako nagdalawang isip at tumabi ako sa kanya. “Hindi mo malalaman ang mangyayari hanggat hindi mo sinusubukan. Dapat hindi ka sumuko. Sigurado naman na maraming makikipagkaibigan sa iyo dito...” sabi ko sa kanya ngunit hindi ako tumitingin sa kanya sa halip ay sa harap lang. “...Kaya tara na pasok na tayo, mahuhuli pa tayo.” at nagsimula akong naglakad naramdaman ko din siya na naglakad kasama ko. “Sandali!” sabi niya. At sabay kaming pumasok sa paaralan. Kahit papano ay may natulungan ako ngayon. Minsan ko lang ito nagagawa. Ang sarap pala sa pakiramdam. Isang dahilan kung bakit sinabi ko iyon ay dahil ayokong may masira ng kinabukasan sa harap ko. Kaya gagawin ko ang nalalaman ko para kahit papano makatulong. (End of Chapter)

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 04:37

[ 12 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy