• ARCHIVES 
  • » try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Pages: 1

try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

amenoyoku
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Last edited by amenoyoku (2010-06-12 09:49:33)

amenoyoku
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

Re: try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko kilala. Umikot ang aking paningin sa paligid at ang tanging nakita ko ay mga damo at mga mga bilog na liwanag na lumulutang, nararamdaman mo ang presko at payapang simoy ng hangin. Sadyang kay ganda ng pakiramdam, panatag, tahimik, payapa, at maaliwalas. Siguradong mapapanatag ang lugar na ito. Agad kong nilibot ang halos parte ng payapang lugar na ito para maghanap ng isang katulad ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Patuloy akong naglakbay sa payapang lugar na ito hanggang makakita ako ng isang bahay na simple at gawa sa kahoy..... CHAPTER 1 “Michael....Michael....Michael....gising na anak.” tinig ng isang babae na walang buhay kung makasalita. “Ummnnn...” dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Noong naayos ang aking paningin, agad kong tinignan ang taong nag-gising sa akin, yun pala ang aking ina. Nagmadali akong lumayo sa kanya at nagtungo sa pinakasulok na bahagi ng aking kama, agad ko ding inalis ang tingin ko sa kanya. Ngunit nakita ko ang kanyang mukha ay biglang nagbago, agad siyang nalungkot. “Mag-ayos ka na at kumain, baka mahuli ka pa sa klasi mo.” at agad siyang umalis sa aking kwarto. Malamang iinom lang naman siya ng alak. Lagi naman siyang ganoon magsimula noong naganap ang insidenteng iyon. Kung makikita mo ang aking ina, siya ay napakapayat at mukhang sakitin, maputla siya, mahaba at magulo ang buhok, para siyang multo sa isang horror movie, siya ay parang 40 years old pero hindi, 30 lang siya. Lagi din siyang umiinow ng alak, naninigarilyo at sumusugal. Hindi na rin nga ako nagtataka kung siya ay nakadrugs. Ako si Michael Mercado, 17, nakatira kasama ang walang kwenta kong ina. Ako ay isang senior sa Samsaman High School. Ito ay isang magandang paaralan kaya maraming gustong mag-aral dito ngunit pili lang ang nakakapasok dito. Ang aking tiya nagpapaarap sa akin at siya ay ubod ng yaman. Siya at mabait at maganda. Pinapangarap ko nga sana na siya nalang ang aking ina. Ang hinihingi lang naman na kapalit ng aking tiya ay bantayan ang aking ina. At sa nakikita niyo, hindi ko nagagawa. Pagkatapos kong mag-ayos at kumain, nagmadali ako para umalis na ng bahay. “Aalis ka nnnn...” sabi ng aking ina ngunit hindi ako nakinig, dumiretso lang ako at umalis. Sabi ko na nga ba, umiinom at naninigarilyo na naman siya. Nakita ko siya sa sala, ang bahay namin kasi bago ka makaalis ng bahay ay siguradong dadaan ka sa sala, at doon nakita ko ang isang kaha ng Malboro at tatlong bote ng “The Bar”, ang isa nakalahati na. At least hindi ito kasing sama ng kagabi dahil siya ay naka limang kaha ng sigarilyo at umiinom ng brandy ang chaser red horse. Hindi talaga ako magtataka kung siya ay mamamatay ng maaga, sabagay wala naman akong pakialam hindi rin naman siya naging magulang sa akin. Wala rin naman akong pakialam sa aking pag-aaral ngunit pumapasok lang ako para malayo sa aking ina. Barumbado din ako, halos bawat linggo, hindi pweding hindi ako nasasali sa mga gulo sa aming lugar. Ayoko sa lugar na ito. Ang lugar na ito ay maraming mapapait na alaala na nangyari sa akin. Ayoko din ang aking buhay, hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa mundo. Minsan naisip ko na ding magpakamatay ngunit alam kong bawal iyon. At ayaw iyon mangyari ng Diyos. Kahit na isa akong walang kwentang tao, alagad pa rin ako ng Diyos. Para maalis ang isip ko sa aking ina, tinignan ko nalang ang langit. Buti pa ang langit malaya. Parang ang sarap mabuhay sa langit. Payapa, tahimik, maaliwalas. Alam kong malapit na ako sa paaralan dahil nakikita ang mga magaganda at mababangong bulaklak na nahuhulog sa halaman. Isa din ito sa gusto ko sa paaralan, isa ito sa nakakapagsaya sa akin. “Kaya ko to!” biglang sigaw ng isang tinig ng babae. Nabigla ako at napatigil sa paglalakad siya ay nasa harap ko ngunit nakatalikod siya. Agad din akong napatingin sa kanya. Woa! Siya ay maganda. Mahaba at maganda ang kanyang buhok, ang kulay ng kanyang mata ay brown, maputi, at maamo ang kanyang mukha. Sandali akong nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita siguro transfer student siya. Tutuloy ko na sana ang aking paglalakad patungo sa paaralan ngunit bigla siya ulit nagsalita. “Gusto mo ba ang paaralan na ito? Gusto mo ba ang lugar na ito? Ako? Mahal na mahal ko ito.” Kahit hindi ako ang kinakausap niya, parang ako ang kinakausap niya at natamaan sa sinabi niya. Patuloy siyang nagsalita. “Ngunit wala na lahat ang kakilala ko dito. Lahat ng aking mga kaibigan, kaklase, at masasayang alaala na kasama sila. Kaya ko bang ipagpatuloy ito? Hindi naman ako magaling sa pakikipagkaibigan, wala din akong lakas na loob para kausapin sila. Susuko nalang ako.” naramdaman ko na kailangan kong tulungan ang babaing ito. Hindi ako nagdalawang isip at tumabi ako sa kanya. “Hindi mo malalaman ang mangyayari hanggat hindi mo sinusubukan. Dapat hindi ka sumuko. Sigurado naman na maraming makikipagkaibigan sa iyo dito...” sabi ko sa kanya ngunit hindi ako tumitingin sa kanya sa halip ay sa harap lang. “...Kaya tara na pasok na tayo, mahuhuli pa tayo.” at nagsimula akong naglakad naramdaman ko din siya na naglakad kasama ko. “Sandali!” sabi niya. At sabay kaming pumasok sa paaralan. Kahit papano ay may natulungan ako ngayon. Minsan ko lang ito nagagawa. Ang sarap pala sa pakiramdam. Isang dahilan kung bakit sinabi ko iyon ay dahil ayokong may masira ng kinabukasan sa harap ko. Kaya gagawin ko ang nalalaman ko para kahit papano makatulong. (End of Chapter)
amenoyoku
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

Re: try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Lumapit ako sa bahay, sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw nitong magbukas. Inulit-ulit ko ang pagsubok pero hindi ako nagtagumpay. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko ito kayang ibuksan ito. Umupo nalang ako sa tabi ng pinto naghihintay ng walang hihintayin. Nawawalan na ako ng pag-asa na makakita pa ako ng kasama dito. Nawawala na rin ang pakiramdam ko na maganda ang lugar na ito. Tuluyan na akong tumayo para lumibot sa lugar na ito. Kasabay ng aking unang paghakbang, bumukas ang pinto at nakita ko ang isang babae. Nakatingin siya ng diretso sa akin at biglang ngumiti. Nakakapresko ang kanyang ngiti ang pag-asang nawawala ay unti-unting bumabalik. Bigla niyang sinabi “Halika pasok.”..... [b]CHAPTER 2[/b] Tulala nanaman ako sa labas ng bintana ng aming classroom. Isang araw na naman ang lilipas na walang mangyayari sa buhay ko. Tulad ng aking nakaugalian gising, kain, ligo, aral, kain, tulog. Yun kang naman ang takbo ng aking buhay sa araw-araw, napakaboring. Naalala ko bigla yung babae. Nakagawa kaya siya ng kaibigan? Okay lang kaya siya? Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa kanya. “Hoy Mike! Musta na?” sabi ng isang boses ng lalake. Agad akong tumingin sa kanya. “Oi! Pat! Milagro ang aga mo dito? May sakit ka ba?” biro ko sa kanya. Siya si Patrick Mendoza. Ang kaisa-isang kaibigan ko sa paaralan. Parehong-pareho kami, laki sa away pero mas maganda ang buhay niya dahil siya ay may pamilya. Malayo ang kanilang bahay sa paaralan kaya kailangan niyang mapalayo sa pamilya at ngayon nangungupahan siya sa isang men’s dorm. Kasing tangkad ko lang siya, gwapo, pikon, medyo mayabang pero mabait, at dahil nga lagi siyang nasa away, maraming takot sa kanya. “Adik. Kahit na barumbado ako at magulo, kailangan ko pa ring pumasok sa paaralan kung gusto kong makatapos ng high school.” “Hahaha! Kahit anong mangyayari, hindi ka parin naman papasa! Hahaha!” yun ang banat ko sa kanya. “Hoy! Gusto mo ng away?” hamon niya sakin. Pinaaral nanaman niya ang pagiging pikon niya. “Umm...ano...pwede tama na ang away?” sabi ng boses ng isang babae. “Oo nga Mike sabi ko na sa iyo na wag kang makipag-away, bad yun. Tsaka nakakahiya naman sa ating cute na president.” biglang sabi ni Pat. Oo nga pala, si Pat ay sobrang childish at mahillig sa babae at dahil nga lagi siyang nakikipag-away, walang nagkakagusto sa kanya. “Umm...salamat sa inyong dalawa.” hiyang-hiyang sinabi ng babae. Ang babae ay si Louis Sarmiento, tulad nga ng sibi ni Pat, siya ay cute at ang presidente ng aming klase,sobrang mahiyain, mabait, maikli lang ang kanyang buhok at laging may nakatali na ribbon sa kanan para sa nakatirintas niyang buhok. “Hahaha! Walang anuman yon Louis! Para sa iyo lahat kaya kong gawin!” banat ni Pat kay Louis. Ganyan naman siya sa kahit sinong maganda o cute na babae. Bigla akong napatingin sa pintuan ng aming classroom at may nakita ulit na babaeng pamilyar sa akin na may dalang libro. Bigla niya itong hinagis papunta kay Pat. Boom! Sapol! Bull’s Eye! “Aray! Sino yon?” galit na galit si Pat. Nagsalita ang babae. “Hoy! Pat! Anong ginagawa mo sa kambal ko? Binu-bully mo nanaman siya no?” galit na din si Lyca. Si Lyca Sarmiento, kambal ni Louis at kabaliktaran niya pero mabait din, maganda at mahaba ang buhok tulad ng kambal niya, siya ay ang presidente ng kabilang klasi at may ribbon ding naka ayos para sa nakatirintas niyang buhok sa kaliwa, yun ang trademark nila. At isa pa, si Pat, takot na takot sa kanya. “Hhhiiinnndddiiii kkkooo ssiiiyyyaaa biiinnnuuu-bbbuullly Llllyyyycccaaaa.” nanginginig na sabi ni Pat. “Oo nga Lyca, hindi niya ako ina-ano.” sabi ni Louis. Ang bait niya talaga. “Chill ka lang Lyca.” sabi ko din sa kanya. “Okay. Sige na naniniwala na ako. Basta Louis pag may ginawa siyang masama sa iyo sabihin mo sa akin okay.” Tumingin siya kay Louis at ngumiti. “Oo, sige.” ngiti din ni Louis. “At ikaw Pat! Wag na wag mong lalapitan ang kapatid ko.” sabay tingin kay Pat ng masama. “Yes mam!!” kabadong sabi ni Pat. At pagkatapos ay bumalik na si Lyca sa kanilang classroom. At pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang prof namin. Math, English, Physics. Agad natapos ang morning classes at hindi ako nabagot dahil sa nakakatawang nangyari kanina. Naglalakad ako papuntang canteen para sa lunch, habang naglalakad, napatingin ako sa bintana at nakita ulit ang babae kaninang umaga na nag-iisa sa isang plant box sa plaza ng aming paaralan, malungkot. Nagdesisyon akong hindi na dumiretso sa canteen at puntahan nalang siya. *PLAZA (PLANT BOX)* “Yo!” bati ko sa babae. Kumakain siya ng isang tinapay. Agad din siyang tumingin sa akin. “Umm, ah! Ikaw yung lalake kanina.” bigla niyang sabi sa akin. “Haha! Oo ako nga. Nasaan ang mga kaibigan mo?” tumingin siya sa baba at muling nalungkot. Arg! Napaka-insensitive ko naman. Dapat kaninang nakita ko siya sa bintana alam ko na. Kailangan humingi ako ng tawad sa kanya. Hihingi na sana ako ng tawad pero bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. “Okay lang naman akong mag-isa. Bakit nandito ka?” alam kong nagsisinumaling siya sa una niyang sinabi. “Ano...umm...kasi...” hindi ko alam ang sasabihin ko pero ayokong sabihin sa kanya na pumunta ako dito dahil sa kanya nakakita ako ng mga ibon. “Ah! Kasi gustokong makakita ng ibon! Hahahaha!” pangit ng excuse ko sa kanya. “Ah! Ganun ba? Umm, oo nga pala hindi pa tayo nagkakilala diba? Ako pala si Aquamarine Agustus. Pero Aqua nalang itawag mo sa akin.” nakangiti siya sa akin. “Ako si Michael Mercado, nice to meet you Aqua.” Ngiti din ako sa kanya. “Kumain ka na?” tanong ko sa kanya. “Hindi pa, bakit?” “Lilibre kita ngayon yung masarap na tinapay sa canteen” “Diba mahirap kunin yon dahil maraming bumibili?” “Okay lang ako wag kang mag-alala. Kahit na blockbuster ang tinapay natin, pag sinabi kong ibibili kita, ibibili kita.” buong tapang kong sinabi sa kanya. Totoong pahirapang kumuha ng tinapay sa canteen dahil masarap iyon, pero gusto kong tulungan si Aqua hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko dapat ko siyang maging kabigan. (End of Chapter)

Last edited by amenoyoku (2010-06-05 11:05:42)

amenoyoku
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

Re: try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Mag-isa lang ang babae sa bahay. Maluwang ang bahay dahil walang kusina, walang kwarto. Ang tanging nilalaman lang ay isang mesa at isang upuan. Muli kong tinignan ang babae nakangiti siya sa akin bigla niyang sinabi “Bakit andito ka sa mundong ito? Ang mundo kung saan ako lang ang nabubuhay. Ipinadala ka ba dito?” hindi ko alam ang mga sagot sa kanyang tanong dahil nagising lang ako sa lugar na ito. “Tignan mo ang labas....” tumingin siya sa labas ng bintana. “...Ito lang naman ang makikita mo araw-araw. Mga damo at ang mga bilog na liwanag na lumulutang. Minsan may niyebe. Sigurado ka ba na dito ka nalang sa tabi ko? Hindi ka ba mayayamot na ako ang kasama mo? Sa totoo lang hindi kita makita...” Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit hindi niya ako makita? Bakit alam niya na nandito ako? “...hindi kita marinig pero nararamdaman kita huwag kang mag-alala, ako ang bahala para makagawa ng paraan para makausap kita. Hee hee.” Nakangiti ulit sa akin ang babae.... [b]CHAPTER 3[/b] Agad akong tumakbo papuntang canteen. Habang tumatakbo, lumingon ako kay Aqua at sinabing doon lang siya at hindi aalis sa lugar kung nasaan siya. Nagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha at tumango nalang. Pagdating ko sa canteen marami nanamang tao sa booth ng tinapay na pagbibilhan ko na hindi naman nakakapagtaka. Sa totoo lang hindi pa ako bumili ni minsan sa tindahang ito. I just want to do something special for her. Hindi na rin ako nagdalawang isip at nakisiksikan. Sa tindahang ito may isang special na tinapay na binebenta dito sinasabi nila na napakasarap nito at yon ang dahilan bakit sikat ang tindahan. Nang makita ko ang basket ng tinapay na iyon agad konti nalang ang nilalaman at agad pang nababawasan kada segundo. Noong isa nalang ang tinapay na iyon nagmadali akong kunin ito at naging matagumpay naman. Agad akong nagbayad at nagmadaling pumunta kay Aqua. Habang tumatakbo ako patungong plant box may nakita akong dalawang lalaking nag-uusap sa hallway. “Pare nabalitaan mo na ba na meron daw na babaeng multong umaaligid sa paaralan natin at nagbibigay ng isang bagay sa mga taong nakikita niya?” sabi ng isang lalaki. Hindi ko na rin narinig ang sagot ng isa dahil nga nagmamadali akong makabalik kay Aqua at wala na rin akong interes para malaman pa ang mga detalyeng iyon. *PLAZA (PLANT BOX)* Habang papalapit ako sa plant box nakita ko na si Aqua at masaya ako dahil nandoon pa siya at hindi siya umalis. “Aqua! Heto yung pinangako kong tinapay. Hehehe.” “Michael! Bakit ibinili mo pa ako! Tignan mo ang sarili mo? May galos ka sa kamay mo!” bigla niyang sinabi. Tinignan ko naman ang kamay ko may galos nga pero hindi ko na napansin. “Haha! Pabayaan mu na yan wala sa akin ito. O heto na yung tinapay.” binigay ko na sa kanya at tinanggap niya ito. “Buksan mu na bahala ka mawawala yung init.” agad niya itong binuksan naghintay akong kainin niya ang tinapay pero nagtataka ako kung bakit nakatingin lang siya dito kaya sinabi ko sa kanya: “Ayaw mo ba ang tinapay?” “Ah? Oo nga pala salamat...” bigla siyang nanahimik. “Michael, bakit...bakit...bakit mo ginagawa ito para sa akin? Bakit ginagawa mo sa isang mahinang taong katulad ko? Bakit inuuna mo pa ako kaysa sa sarili mo?” pagkasabi niya dito bigla siyang umiyak. Ah sa nangyari agad kung ano ang meron. “ Aqua, ginawa ko ito dahil gusto ko, ginawa ko ito dahil kaibigan kita at gagawin ko ang lahat masaktan man, masugat ok lang yon mapasaya ko lang ang kaibigan ko. Kaya wag ka nang umiyak. Ok?” ngumiti ako sa kanya. Si Aqua ay isang tao na agad sinisisi ang kanyang sarili sa mga pangyayari lalo na kapag nasaktan ang taong kilala niya, sa mga nangyari alam ko din na mabait siya at maalaga sa kahit kaninong tao ayaw niya rin nasasaktan sila. Sa mga sinabi ko sa kanya agad siyang tumigil sa pag-iyak. “Salamat Mike. Alam mo napakabait mong tao.” ngumiti siya sa akin. Buti na lang at tumigil na siya sa pag-iyak. “Huh? Ako mabait? Aqua hindi mo ba ako kilala? Sikat kaya ako dahil lagi akong may kaaway hindi ka ba takot?” banta ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at bigla ulit ngumiti. “Hindi. Hindi ako takot sa iyo. Bakit ako matatakot sa iyo? Ikaw na nga ang magsabi kaibigan na kita diba? Hee hee.” siya lang ang unang taong hindi natakot sa akin sa unang pagkikilala. Sa sinabi niya, gumaan ang loob ko sa matagal na panahon ngayon na lang ulit ako nagkakaibigan napasaya niya ako. Tinignan ko siya. Hinati niya ang tinapay at inabot sa akin ang isa. “Hindi ako papayag na hindi ka makakain ng tinapay kaya heto.” sabi niya sa akin. Kinuha ko rin ang piraso at sabay naming kinain ito. Tama nga masarap ang tinapay na ito at mas sumarap ito dahil kasalo mo ang isang kaibigan. Tumingin ako ulit sa kanya nakangiti ulit siya sa akin. Nararamdaman ko ang simula ng isang mabuting pagkakaibigan. (End of Chapter)
  • ARCHIVES 
  • » try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 02:57

[ 10 queries - 0.019 second ]
Privacy Policy