try nyu lng basahin...lgay kau ng comment sa baba kung tuluy pa o hindi ah...salamat!!
Mag-isa lang ang babae sa bahay. Maluwang ang bahay dahil walang kusina, walang kwarto. Ang tanging nilalaman lang ay isang mesa at isang upuan. Muli kong tinignan ang babae nakangiti siya sa akin bigla niyang sinabi “Bakit andito ka sa mundong ito? Ang mundo kung saan ako lang ang nabubuhay. Ipinadala ka ba dito?” hindi ko alam ang mga sagot sa kanyang tanong dahil nagising lang ako sa lugar na ito. “Tignan mo ang labas....” tumingin siya sa labas ng bintana. “...Ito lang naman ang makikita mo araw-araw. Mga damo at ang mga bilog na liwanag na lumulutang. Minsan may niyebe. Sigurado ka ba na dito ka nalang sa tabi ko? Hindi ka ba mayayamot na ako ang kasama mo? Sa totoo lang hindi kita makita...” Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit hindi niya ako makita? Bakit alam niya na nandito ako? “...hindi kita marinig pero nararamdaman kita huwag kang mag-alala, ako ang bahala para makagawa ng paraan para makausap kita. Hee hee.” Nakangiti ulit sa akin ang babae....
[b]CHAPTER 3[/b]
Agad akong tumakbo papuntang canteen. Habang tumatakbo, lumingon ako kay Aqua at sinabing doon lang siya at hindi aalis sa lugar kung nasaan siya. Nagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha at tumango nalang. Pagdating ko sa canteen marami nanamang tao sa booth ng tinapay na pagbibilhan ko na hindi naman nakakapagtaka. Sa totoo lang hindi pa ako bumili ni minsan sa tindahang ito. I just want to do something special for her. Hindi na rin ako nagdalawang isip at nakisiksikan. Sa tindahang ito may isang special na tinapay na binebenta dito sinasabi nila na napakasarap nito at yon ang dahilan bakit sikat ang tindahan. Nang makita ko ang basket ng tinapay na iyon agad konti nalang ang nilalaman at agad pang nababawasan kada segundo. Noong isa nalang ang tinapay na iyon nagmadali akong kunin ito at naging matagumpay naman. Agad akong nagbayad at nagmadaling pumunta kay Aqua. Habang tumatakbo ako patungong plant box may nakita akong dalawang lalaking nag-uusap sa hallway.
“Pare nabalitaan mo na ba na meron daw na babaeng multong umaaligid sa paaralan natin at nagbibigay ng isang bagay sa mga taong nakikita niya?” sabi ng isang lalaki. Hindi ko na rin narinig ang sagot ng isa dahil nga nagmamadali akong makabalik kay Aqua at wala na rin akong interes para malaman pa ang mga detalyeng iyon.
*PLAZA (PLANT BOX)*
Habang papalapit ako sa plant box nakita ko na si Aqua at masaya ako dahil nandoon pa siya at hindi siya umalis.
“Aqua! Heto yung pinangako kong tinapay. Hehehe.”
“Michael! Bakit ibinili mo pa ako! Tignan mo ang sarili mo? May galos ka sa kamay mo!” bigla niyang sinabi. Tinignan ko naman ang kamay ko may galos nga pero hindi ko na napansin.
“Haha! Pabayaan mu na yan wala sa akin ito. O heto na yung tinapay.” binigay ko na sa kanya at tinanggap niya ito. “Buksan mu na bahala ka mawawala yung init.” agad niya itong binuksan naghintay akong kainin niya ang tinapay pero nagtataka ako kung bakit nakatingin lang siya dito kaya sinabi ko sa kanya:
“Ayaw mo ba ang tinapay?”
“Ah? Oo nga pala salamat...” bigla siyang nanahimik. “Michael, bakit...bakit...bakit mo ginagawa ito para sa akin? Bakit ginagawa mo sa isang mahinang taong katulad ko? Bakit inuuna mo pa ako kaysa sa sarili mo?” pagkasabi niya dito bigla siyang umiyak. Ah sa nangyari agad kung ano ang meron.
“ Aqua, ginawa ko ito dahil gusto ko, ginawa ko ito dahil kaibigan kita at gagawin ko ang lahat masaktan man, masugat ok lang yon mapasaya ko lang ang kaibigan ko. Kaya wag ka nang umiyak. Ok?” ngumiti ako sa kanya. Si Aqua ay isang tao na agad sinisisi ang kanyang sarili sa mga pangyayari lalo na kapag nasaktan ang taong kilala niya, sa mga nangyari alam ko din na mabait siya at maalaga sa kahit kaninong tao ayaw niya rin nasasaktan sila. Sa mga sinabi ko sa kanya agad siyang tumigil sa pag-iyak.
“Salamat Mike. Alam mo napakabait mong tao.” ngumiti siya sa akin. Buti na lang at tumigil na siya sa pag-iyak.
“Huh? Ako mabait? Aqua hindi mo ba ako kilala? Sikat kaya ako dahil lagi akong may kaaway hindi ka ba takot?” banta ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at bigla ulit ngumiti.
“Hindi. Hindi ako takot sa iyo. Bakit ako matatakot sa iyo? Ikaw na nga ang magsabi kaibigan na kita diba? Hee hee.” siya lang ang unang taong hindi natakot sa akin sa unang pagkikilala. Sa sinabi niya, gumaan ang loob ko sa matagal na panahon ngayon na lang ulit ako nagkakaibigan napasaya niya ako. Tinignan ko siya. Hinati niya ang tinapay at inabot sa akin ang isa.
“Hindi ako papayag na hindi ka makakain ng tinapay kaya heto.” sabi niya sa akin. Kinuha ko rin ang piraso at sabay naming kinain ito. Tama nga masarap ang tinapay na ito at mas sumarap ito dahil kasalo mo ang isang kaibigan. Tumingin ako ulit sa kanya nakangiti ulit siya sa akin. Nararamdaman ko ang simula ng isang mabuting pagkakaibigan.
(End of Chapter)