Chapter 1:
Alas-onse na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam pero parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. [b]Emptiness[/b]. That word did sound a bell. And it really hurts like hell. Hindi ko alam na magiging ganon pala yon kasakit. Ilang beses ko na yong naramdaman. These past few months. It’s like someone dug a deep hole in my heart. Sobrang laking butas. Parang kinain na nga ang buong puso ko.
[i]
Charles Matthew Agustin[/i]
Ikaw ang may kasalanan ng lahat. And probably, hindi mo pa siguro yon alam. Marinig ko pa lang ang pangalan mo, parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. You never fail to make my heart pump out all the blood. Kaya para lumakas ang cardiovascular activity ko, para kong adik na gustong gustong marinig o mabasa ang pangalan mo. Gustong-gusto kong ini-stalk ang profiles mo: Friendster, facebook, twitter. Name it. Mabasa ko lang ang mga activities mo, feeling ko ang saya-saya ko na. Because that’s the only way I could let my feelings react in such a way that you would not notice it. Tropa ka kasi. At sa tropa, dapat walang talu-talo.
“VALERIA!! Aba’y dis-oras na ng gabi, nagcocomputer ka pa rin?!”. Nagulat ako ng biglang bumungad si Lola sa tabi ng monitor. Nagpupuyos ang loob sa galit. Mukha na nga siyang umuusok na toro, sa isip-isip ko.
“Anu ka ba Lola? Nagising lang ako tas di na po ako makatulog kaya yun. Naisip kong gawin na lang ung project namin na ipapasa next week”, palusot ko with matching batting eyelashes pa.
“Ahh. Ganun ba? Akala ko kasi naglalaro ka na naman nung.. ano nga bang tawag doon?.. Ah ung DOTA. Oi tigil-tigilan mo na iyon at nagdadalaga ka na. Hindi maganda yang nag-aasal lalake ka.” Aba si Lola. Alam yong DOTA. San niya kaya napulot yon? Hindi nga ko marunong maglaro non. Eh Farmville nga lang ang nilalaro ko. Hindi man ako finesse kumilos tulad ng mga magagandang babae sa school, hindi naman ako tomboy noh? Eto talagang si Lola.
“Opo la. Matutulog na din po ako. Saka La, wag nio naman akong tawaging Valeria. Pwede namang Val na lang. Ambantot e, parang matandang kontrabida sa telenovela. Nakakainis. Saka wag kayong masyadong highblood ha. Ang kyut kyut nio pa naman pag lagi kayong nakangiti..”, ani ko sabay halik sa kanyang noo.
“Ikaw talagang bata ka. Binola mo pa ako. Nga pala, tumawag iyong kaibigan mong si Caloy. Iyon bagang gwapong bata. Nakalimutan kong sabihin sayo. Ibinilin na tumawag ka daw at may sasabihin daw siyang importante”.
Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Gusto akong kausapin ni Charles? Anu kayang sasabihin niya. Parang nagliparan na naman yata ang mga paru-paro sa tiyan ko. Naku po! Wag kayong masyadong malikot dyan at baka masagi ang atay at balun-balunan ko.
“Oh, ba’t bigla kang namula apo? May sakit ka ba? Magpahinga ka na kasi at huwag ka nang magpuyat. Bukas mo na lang tawagan iyong kaibigan mo at baka natutulog na iyon. Siya sige ako ay matutulog na”. Tumalikod na si Lola at isinara ang pintuan ng kwarto ko.
Langya kasi. Stalk ako ng stalk ng profile. Nasermonan tuloy ako. Pero wala din naman kasing magawa. Kakaisip sa kanya, napupuyat tuloy ako. Speaking of which, ano kaya sasabihin non saken? Kinakabahan ako. I don’t have any idea.
Tumingin ako sa orasan na nasa bedside table ko. 11:15pm. Gising pa kaya yon? Ma-text nga. Nilog-out ko yung mga social networks na pinagkakaabalahan ko kanina at pinatay na rin ang computer maya-maya.
Umupo ako sa kama at nagsimulang tumipa sa keypad ng cellphone ko.
“e0uw pfh0uwz.. wahaha.. Lol.. Hoi Caloy! 2mawag ka dw d2 sa bhay sbi ni Lola. My ssbhn k dw? Sori l8 reply. Ngaun lng cnbi e. XD” Message Sent.
After what seemed to be an eternity… [i]*1 message received*[/i]
[b]--To be Continued--[/b]
[spoiler][b]A/N: Ok. I know the title was kind of lousy. Haha. Can't think of any good title right now.

Sana po magustuhan niyo.. Nag-try lng.. It'll be my first time to write na hindi one-shots.. whew.. sana mapanindigan ko mg-update.. haha.. :3[/b][/spoiler]
Last edited by ironic (2010-08-03 03:30:01)