[spoiler]Eto na po ung karugtong.. Tnx po sa pagbabasa.. sana magustuhan mo tong update ko..

[/spoiler]
Chapter 2
*1 message received*
“Aswang k ba? Magp2log ka nga. Kala ko p nman kng cnong magandang babae ung nagtxt. Ikw lng pla. So disappointing -_-”
Aba’t loko loko nga naman talagang lalaki yon. Akala mo kung sinong gwapo. Well, actually hindi naman siya gwapo, except for that arrogant aura which complemented his face features. He has like square jaws, that’s why I always see Spongebob whenever I recall how he looks like. His eyes are not that big but it gets so cute whenever he smiles. His eyebrows look like knitted ones, and when he gets angry it shapes like that of a letter V. And I always find it funny, whenever he looks like that. He reminds me of Shia LaBeouf, though I think that actor looks a lot hotter than him.
Funny, but until now, hindi ko pa rin alam kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. My other friends say that it’s his personality. Ano bang klaseng personality meron ang lalaking yon? Why do I ended up falling for a friend?
Nagsimula ulit akong magtipa sa keyboard nang biglang *blink* *blink*
*BATTERY EMPTY*
“Okay. So destiny interrupts this time”. I sighed. Alam ko masama daw bumuntong-hininga but what can I do? I wanted to text him so bad just for us to be able to engage in a little conversation. Kahit lagi ko siyang nakikita sa school. Parang ang layo layo niya pa rin. We’re just friends. Just friends.
11:30pm. Okay, so nothing to gain from fussing over an empty battery. I put the cellphone on charge and got out of the window. Sleep seemed to have evaded me that night. Masyadong maalinsangan ang gabing iyon. Lumabas ako at umakyat sa bubong. Nakakainis. Kinailangan ko pang mag tiptoe para hindi ulit magising si Lola. Mababaw pa naman matulog yon. Baka masermunan ulit ako.
Pagkalabas, kinailangan ko pang sumabit sa puno para makatungtong sa bubong. Humiga ako at tumigin sa kalangitan. Stars. Andami na namang stars ngayon. Buti na lang maganda na ang panahon. Umulan kasi ng malakas kahapon kaya hindi ko inaasahang makikita ko ngayon ang mga bituin.
Stars. They always make me a little melodramatic. I looked at my favorite star – the one on the left that seems to shine so bright. I don’t know anything about Astronomy pero I know that that star belongs to me. I know I’m hopeless romantic and I believe in so-called destiny kaya naniniwala din ako sa power ng stars. And this night, I’ll be wishing upon my star for like the nth time.
“Sana maging masaya siya”. That’s what I’ve always wished for since the day I met him. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Almost two years na rin ang nakalipas.
------------------------------------------------------------------
“Val, may problema tayo. Sir Anthony told me we need to present a dance presentation for the dean’s 60th birthday. Sabi pa nga niya it should be like a cotillion de honor”, bungad ni Paula sakin pagdating ko sa Student Government Office nang araw na iyon.
Second year na kami ni Paula, ang bestfriend ko mula pa elementary. Siya ang secretary ko. Unang taon ko pa lang iyon sa pagiging president ng student council ng Our Lady of Grace University. And so far, okay naman ang naging pamamalakad ko. Nakakaya ko pa rin pagsabayin ang studies with extra-curricular activities. I need to strive hard para makakuha ng scholarship. Single parent lang kasi si Mama. BS Accountancy nga ang napili kong course dahil iyon ang gusto niya. Dati pa man hindi ko na ginustong bigyan pa siya ng sakit ng ulo kaya sinunod ko na lamang siya. Pinili niyang maging isang OFW para matustusan ang pag-aaral naming limang magkakapatid mula nang magloko si Papa at sumama sa ikalawa niyang pamilya.
“Oh sige. Contact all the members and say that there will be an emergency meeting at 3 o’ clock this afternoon. I want everybody to be present.”, sabi ko matapos ilapag ang lahat ng gamit ko sa table.
[i]Later that day…[/i]
“We’ll only need at least five pairs for the presentation. And since I think most of you know how to dance, I don’t think this will be a difficult task. I already have names in mind earlier this day before I conducted the meeting. And they already agreed, so we’ll have the following pairs: Paula and Ian, Belle and Meinard, Lee Anne and Shane, and me. Any more volunteers? We only have 3 spots left for two guys and one girl.”, sabi ko habang matamang nakikinig ang bawat isa sa kanila.
“I don’t think I’ll be able to join Val. You know I am the head of the program committee so I don’t think I’ll be able to practice”, ani ni Kurt, ang aming vice-president.
“I think I can join. Kahit di ako masyadong marunong sumayaw, maasahan mo ako Val”, sabi ni Francis sabay kindat sa akin. Pinigilan kong mapairap sa ginawa niya. Obviously he’s flirting with me again. Nakakairita. Bukod kasi sa pagiging medyo boyish, hindi rin ako mahilig makipag-mingle sa mga lalaki. I don’t even know what the heck did they found in me that makes them they could flirt with me.
“Okay, so Francis is in. Who else?”. Wala nang nag-volunteer nang magtanong ako ulit. Just as when I’m about to open my mouth, Paula interrupted.
“Val, I think we can get a substitute. Naiintindihan ko rin kasi na medyo busy ung iba dahil na rin sa naunang assignments and yung iba sa kanila nahihiya. I know some friends dun sa class ko sa PE 3 who knows how to dance. Siguro naman maiintindihan ni Sir kung kumuha tayo ng hindi officer”
“I think that will be a good idea. Okay, I want you to contact your friends. We’ll be meeting up tomorrow at 9am at the gymnasium for the practice. I’ll see you there. This meeting is adjourned”. At ti-nap ko na ang gavel bilang hudyat ng pagtatapos ng meeting.
[i]Kinabukasan[/i]
“Paula, ano ba yan? Di ba I told you 9am ang practice? Where is this friend of yours? Kumpleto na tayong lahat. Siya na lang ang inaantay ah.” Nag-iinit na ang ulo ko. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nale-late. Alam nilang ugali kong gawing perfect ang lahat.
“I’m so sorry Val. Kanina ko pa siya tinetext. On the way na daw siya dito.”
“What’s his name again? I’ll make sure na makakarating to kay Sir—”. I was interrupted by heavy footsteps coming from the door. There I saw a guy a little taller than me. Nagtama ang mata namin pero umiwas ako agad. He was wearing a navy blue polo shirt tucked inside a black jacket. And he was folding that pink umbrella. What the! Pink umbrella.
“Sorry talaga. I got stuck up in traffic. Maulan kasi tapos may ginagawa pang daan doon sa may malapit sa amin. Nasiraan pa—”. I barged in na bago pa siya makagawa ng sari-saring excuses. Naiinis ako sa kanya. Nakadagdag pa sa inis ko yung dala niyang payong. I hate pink! Its so girly.
“You know what. Mr. Whoever-you-are. I won’t tolerate your damn excuses. You made us wait for you for 2 hours. I swear Sir will know about this. Let’s start the practice now. Places!” sabi ko sabay talikod para pumunta sa kinaroroonan ng cd player.
“Ang galing ah. I’m doing your group a favor and this is what I get”, malakas na parinig niya sakin. Humarap ako sa kanya and gave him a deadly glare. Kung nakamamatay lang ang masamang titig, siguradong bumulagta na siya sa loob ng gym.
“And by the way, My name is Charles Matthew Augustin. I’m not Mr. Whoever-you-are. Nice meeting you Ms. President”. And gave me the smirk. Yeah. The smirk that made me all red dahil sa sobrang inis. How arrogant. I swear. I’ll never forget this day. I curse Mr. Charles Matthew Agustin. Oh well. Whoever he is.
--To Be Continued--