Pages: 1

  2011-04-27 23:33:52

jemfeng_labao
» FTalker
FTalk Level: zero
135
0
1969-12-31

wew.. nyc updte.. next updte na ^^ aheheh :D:D:D

[b]CHAPTER 10[/b] [b]JEFF'S POV[/b] Humarap ako sa salamin kakadating lang namin sa palasyo. Hinawakan ko ang pisngi ko "hinalikan niya ako" mahina kong bulong. At nakita kong namula ako. "Hindi Hindi" Iling ko. Hindi ako pwdeng lumambot sayo dahil ikaw ang magiging daan ko para masaktan sila. Ikaw ang magiging mortal kong kaaway. [quote][b]FLASHBACK..[/b] "Mamaaaaa, Papaaaa" Umiiyak kong tawag sa mga magulang ko. "Anak lagi mong tandaang mahal na mahal ka namin ng papa mo" Umiiyak ding sabi sakin ng mama ko yinakap nila ako at hinalikan at kinaladkad na sila palabas.[/quote] 10 years old pa lang ako nun batang walang kalaban laban at walang kamuang muang sa mga nangyayare. Kinuha nila ang mga magulang ko mga tauhan sila ng hari at reyna. Hindi na sila bumalik simula nung kinadkad sila ng mga tao yun. Dinala ako sa bahay ampunan nung una ayokong sumama dahil naniniwala akong babalik sila, babalikan nila ako. Pero wala na din akong nagawa dahil hindi ko rin naman kaya ang mabuhay ng mag-isa dahil sa bata pa lang ako nun. Kung itatanong niyo kung bakit sila kinuha hindi ko rin alam ang isasagot ko. Basta ang alam ko lang wala silang kasalanan at hindi malinaw sakin kung bakit nila ginawa un sa mga magulang ko. Wag na rin kayong magulat kung marunong akong mag-english dahil nakapag-aral ako. Sinikap kong makapagtapos dahil may mga misyon pa akong dapat gawin. Misyong pagbabayaran ng mga taong naging dahilan ng pagkaulila ko. Ipaparamdam ko sakanila ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahal na mahal nila. Unti- unti ko silang papatayin sa sakit na mararamdaman nila. Unti- unti ko na tong nasasakatuparan dahil unti-unti na ring napapalapit ang loob sakin ng magiging pain ko. Mapaghihiganti ko na kayo papa at mama.

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 07:15

[ 12 queries - 0.006 second ]
Privacy Policy