Tama din yung sinabi ni ate meng. Kung ako sayo, ganun din ang gagawin ko. Sa lahat ng mga nagssuggest na magself-study na lang, ang totoo mas may pangalan sa International ang mga nakapag-aral sa Conservatory of Music kesa sa mga self-study lang kasi mas Professional ang dating. Pahirapan pa sa mga connections yan at politika para matanggap ka. MOSTLY, e ang pinipili sa mga self-study yung may mga ITSURA pa.
Pagdating pa sa patagalan ng tatak ng pangalan, mas matagal ang sa mga nag-aral ng Conservatory kahit PANGET KA PA. All in all, swertihan lang din talaga kung makakatagal sa Industriya.
Mas maganda yung may stable income ka ng pera bago makapasok ka sa Music. Ganyan din ang sinabi ng kakilala ko na anak ng dating sikat na opera singer dito sa Pinas. Tingnan nyo na lang din si Lea Salonga. Mayaman na talaga sila kaya nakakapagperform na rin siya sa Theatre sa Hollywood, hindi ba?
Kaya kunin mo na lang muna ang HRM, hindi naman siguro masyadong mahirap mahalin ang kursong yun. Natutuwa nga ako sa mga kumukuha ng course na yun kasi hilig ko din ang magluto.
Hindi ko na rin isinasaalang-alang kung ano ang in-demand, tama yung iba, lumilipas lang din yang mga yan. Pano pag pagkatapos ng 2-4 years mong paggugol sa mga in-demand courses na yan? Lipas na yan at mababa na din ulit ang salary. Lugi ka. Hindi rin naman masama ang mag-aral ng mag-aral. Mas ok nga yun kasi mas magiging flexible ka pagdating sa paghahanap ng trabaho. Tsaka isa pa, may mga employers naman na hindi na iniintindi ang background unless kung katulad yan ng mga Engineering at Medicine.