Kung sa kalagayan mo, Take HRM. kase face it, walang makikinabang sa Conservatory of Music mo kung nasa pinas ka lang. Mag HRM ka, tutal it's 2 or 3 yrs ata?? then magtrabaho ka, saka ka mag aral uli...tapos lumipad ka sa Europe (Dun daw in demand eh, nabasa ko sa isang post)
Ako, nung kumuha ako ang gusto ko talaga eh Civil Engineering. Ang nangyari, Industrial Engineering ako napasabak..pero nung mga panahon na yun di ko din naman alam kung in demand yun o ano, nagkanda letsu letsugas lang sa registrar na nagsulat o_O
anyway, it took me 3 yrs to love this course. 4th yr na ko na IE at mahal ko na to, pero mas lab ko pa din talaga mag CE.
Sa mga 'never heard' pa ang IE, isa ako sa inyo 5 yrs ago. lolz.
kelan ko lang nalaman ang pedeng gawin ng IE.
- Professor.
- Manager/CEO
- Human Resource Practitioner
- Quality Control
- Professional IE
at kung anu anu pa. togenk nag promote?
anyway Be Practical na lang. Kung san ka kikita dun ka, may time pa naman para tuparin mo ang pangarap mo.
*pero sana in english to. mas bagay kase sa school section eh