• ARCHIVES 
  • » :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

Pages: 12

:arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

kristina16
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
9156
0
1969-12-31

Re: :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

;) thanx po s mga cments. Am glad u likd it. . [i][b]Chapter 2 [/b][/i] Tinext ni Amy si Cindy, nagpapasama sya dito para bumili ng dress para sa magiging "date" nila ni Nathan. At sinamahan nga sya nito. Nagpunta sila sa Glorietta at nagtingin - tingin ng mga shops na may tindang dress. Gusto nya sana ay itim since gabi nga naman ang nasabing party. Habang nagiikot ikot sila ni Cindy, ay nakita nya si Nathan. Aktong lalapitan na nya ito ng may biglang yumakap sa bewang nito at hinalikan ito sa mga labi. Nagulat sya sa ginawa nito. [i]"ayy.. ano ba yan! wala man lang piniling lugar itong mga toh!"[/i] wika ni amy na nakatingin pa rin sa dako ng dalawa. Sinulyapan din ng kaibigan nya ang dalawa. [i]"Ewww gross... "[/i] sabi nito.. [i]"oo nga eh.... hayaan na lang natin sila.."[/i] wika ni Amy sabay yaya na sa kaibigan para magshopping. Nakabili sila ng isang damit sa Unica Hija. Ang nakita nyang dress ay kulay itim na halter. Mejo hapit sa katawan kaya ng sinukat nya yon ay lumabas ang totoo nyang ganda at mas lalo pa syang pumuti. Nagustuhan nya kagad yon. [i]"Wow! Winner ka jan sister!!! Ang ganda ganda mo!"[/i] Wika ni Cindy. Napangiti sya sa compliment nito. Pero biglang nawala ang ngiti nya. At napasimangot. [i]"Oh.. bakit ka naman nakasimangot?! wag mong sabihing wala kang pera?! papautangin kita kung gusto mo."[/i] [i]"Hindi yun. sira!, kasi... parang... parang... ayaw ko ng sumama sa kanya mamaya.[/i] sabi nya sa kaibigan. [i]"Bakit naman?! sayang ang chance mo ngayon ka lang makikipagdate ng totoo.."[/i] [i]"Alam ko yun! kaso sa mga nakita ko kanina, parang di tama.[/i] wika nya na ang tinutukoy ay ang naganap na kissing scene. [i]"uhmmm ... "[/i] sabi ni Cindy. Nagtatakang tiningnan nya ito. [i]"ganito na lang!.. wag ka muna mag back-out sa date nyo since wala naman syang sinasabi na icancel na or whatsoever. Pupuntahan ka naman nya mamaya di ba?"[/i] Tanong nito. [i]"oo."[/i] sagot nya. [i] "Good.. sumama ka sa Embassy, tapos kapag walang nangyari umuwi ka na lang or kung gusto mo sunduin kita dun! IF.. IF and only IF di ka na natutuwa dun?! sayang naman kasi.. ilang taon mo na syang gustong makadate tas ngaun ganyan ka! gets mo sister?"[/i] dagdag pa nito. [i]"opo![/i]sagot na lang nya. [i]"ok! tara na bibili ka ba ng sandals and bag na babagay jan sa damit mo!"[/i] sabi ni Cindy sa kanya. Habang naglalakad na sila sa mga shops nakakita naman sila kagad ng bag and sandals na babagay sa nabili nyang damit. [i]"Baka kulang na tong dala kong pera.."[/i]sabi nya kay Cindy. [i]"akong bahala sau!"[/i] tugon ni Cindy. [i]"uhmm salamat Cindy ah! para ka tuloy Fairy GodMother ko! [/i]biro nya dito. [i]"ha-ha shempre naman ako pa!![/i] sabi naman nito. Nakabili na sila at pupunta sana sa Foodcourt ng Glorietta nang nagring ang cellphone nya. Si Nathan yun. [i]"HELLO?"[/i] sabi nya dito. [i]"Amy! mamaya , daanan kita sa inyo mga 7 pm ok?!"[/i]Sabi nito sa kanya. [i]"Ah.. ok sige.. sige.. antayin na lang kita sa bahay."[/i] [i]"Ok sige bye."[/i]Yun lang, at inend na nito ang Call. Ganun ganun lang? di man lang ako tinanong kung nasan ako? Sinong kasama ko? haiz. Natigilan sya. Bakit ba sya nagiisip ng ganun? Sino ba naman sya sa buhay nito? Wala. as in Wala lang. Nalungkot sya ng bahagya pero hindi nya ito pinakita kay Cindy. Na busy sa kakaisip kung anong bibiling pagkain. [i]"Ano Amy? anong kakainin mo?"[/i] Tanong nito sa kanya. [i]"haiz.. ang dami nga eh di ako makapamili kung san.."[/i] Sabi naman nya. [i]"Ito na lang ang akin! [/i] turo nya ay ang Barbecue sa isa sa mga tinda doon. [i]"yum mukha ngang masarap! sige yan na lang din ang akin! mejo nakamura pa tayo hekhekhek!"[/i] sabi nito. Natawa sya sa facial reaction nito. Para kasi itong WItch :lol: Naglibot-libot pa sila ng ilang minuto at pagkatapos ay umuwi na rin. Mag aalas tres na at kailangan pa nya magprepare para sa date nya mamaya. Kailangan ay maging maganda sya or kung hindi man ay mas maganda pa. Tinulungan naman sya ng bestfriend nya. Ito rin ang nagayos ng buhok nya na kinulot sa dulo. Bagay na bagay sa kanya ang aus ng buhok nya. Ang make up naman nya ay light lang pero ginawa nitong Smoky eyed ang dating ng mga mata nya since gabi naman daw at bumagay naman talaga sa kanya. Lalong lumabas ang ganda at pungay ng mga mata nya. Nang sinuot na nya ang damit na binili nya ay di sya makapaniwala sa nakita nya sa salamin. Para syang dyosa sa ayos nya. Hi hindi nga nya nakilala ang sarili. Ganun din ang Bestfriend nyang si CIndy. Gandang ganda ito sa kanya., Nasa kwarto pa sya ng may marinig syang pumaradang kotse sa labas ng gate nila. Sinilip nya yon sa bintana. At Si Nathan ang nagmamaneho ng sasakyan. [i]"Sya nga.. andyan na sya. Sa kanya ba ang sasakyang yon?"[/i]Sabi nya sa sarili. [i]"Amy, Andyan na si Nathan mo!"[/i] Wika ni Cindy. [i]"Ah. OO nga eh. Pakisabi sandali lang, bababa na rin ako."[/i] pakiusap nya sa kaibigan. [i]"Sige, pero bilisan mo ah! wag mong pagantayin yun. Ang gwapo pala nyang talaga noh?!"[/i]sabi pa nito. [i]"Oo Cindy, matagal ko ng alam yun"[/i] Sagot naman nya. Nang makababa na sya ay nagpalpitate na naman ang puso nya. Parang gusto pang kumawala nito. Dahil sa sobrang kakisigan ni Nathan, ay di nya maiwasang mapahanga. Nanlambot ang mga tuhod nya dahil sa pagkakatingin sa kanya nito. Mabuti na lang at di nahalata nito na mejo gumewang sya ng konti kanina. Nilapitan sya nito. Inilahad nito ang braso nito sa kanya. At umabresyete naman sya dito. Nasabi kasi nito sa kanya na mejo bigatin ang mga nandun ngaun kaya kailangan nilang magayos ng konti. Hinatid sya nito sa sasakyan, Pinagbukas pa sya nito ng pinto na parang tunay na gentleman. Alam naman nyang gentleman ito pero hindi lagi. Habang binabagtas nila ang daan ay may ilang minuto rin silang walang imikan. Pero napansin nyang lagi sya nitong nililingon. Nagtaka naman sya. At tinanong nya ito. [i]"Bakit?! may problema ba?"[/i] Tanong nya dito. [i]"W-wala naman."[/i] Sagot nito na bahagya pang nautal ng di oras. [i]"Parang meron. Ano yun??[/i] Pamimilit nya dito. Alam nyang may iniisip ito. Kaya pinipilit nya ito. [i]"Mamaya ko na lang sabihin sau, pag andun na tayo"[/i]Sagot nito at muli syang nilingon. Lumingon sya dito at tumango. Nang marating nila ang lugar, madami ng mga tao dun. Ang iba ay mga kilalang tao. Nagmistulan yong Barracks ng mga sikat na tao. Niyaya na sya nito na pumasok sa loob. At madali naman silang nakahanap ng mapupwestuhan. Umorder sila ng inumin. Pero sinabi nya dito na ayaw nya ng mga hard drinks. Kaya SunMig light lang ang inorder nya. Nagkwentuhan pa sila nito ng kahit ano. Napagalaman nyang nasa ibang bansa din pala ang mga magulang nito at sya lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Ganun din sya, ang kinaibahan nga lang may kuya Cyrus sya na tumitingin sa kanya. Nagtatawanan pa sila ng ilang sandali. Nalaman din nya ang mga bagay na di pa nya alam o kahit minsan ay natanong man lang. Tulad ng mga paborito nito pagdating sa ulam, kulay at hobbies bukod sa basketball. Nasa kalagitnaan sila ng paguusap ng magring ang cellphone nito. [i]"Excuse lang ah"[/i] Sabi nito mejo madami na tong naiinom dahil namumula na ang mukha nito pati na ang mata nito. Di nya alam kung sino ang kausap nito pero sa mga narinig nya ay parang may kung sinong pupunta ngaun dun sa The Embassy. [i]"Sisirain pa ata nun kung sino man yun ang date namin..kainis naman.."[/i] Wika nya sa sarili. May ilang minuto rin itong nakipagusap sa cellphone. [i]"Sorry to keep you waiting."[/i]sabi nito sa kanya. [i]"wala yun.. "[/i]Wika naman nya at tumungga uli ng SunMig. Nakakailang bote na rin sya. Pero di pa sya lasing mejo masakit lang ang ulo nya. Mamaya ay umalis uli ito at naiwan syang magisa dun. Sinundan nya ng tingin ito. At laking gulat nya ng may yumakap uli dito at humalik. Walang iba kundi Si Xandra. Nasabi nito kanina sa kanya na nagkalabuan sila nung nakalipas na linggo pero sa tingin nya ay ok na silang dalawa. Nasaktan sya. Dahil parang ginamit lang sya ni Nathan. Habang di pa sila nagkaaus ay sa kanya muna nito binaling ang atensyon. Mamaya ay nilapitan sya nito. Sinabi nito na aalis muna sila ni Xandra, dahil may pupuntahan ito at nagpapasama lang. Sandali lang naman daw yun. Nalungkot sya. Kakaibang lungkot. NAramdaman na lang nya na umiiyak na pala sya. Dali dali nyang pinahid iyon. Nang makatalikod na ang dalawa at makalabas sa parking lot sinundan nya ito. Hindi naman ata tama na maiwan sya nito don samantalang ito ang nagdala sa kanya don. [i]"Nathan..sandali"[/i]Tawag nya dito. Nilingon sya nito. At tila naiirita pa sa kanya. [i]"uhmm san ba kayo pupunta? baka ... baka pwedeng.. wag ka na lang sumama sa kanya."[/i] Wika nya dito. Nagulat ito sa sinabi nya. Pero mukhang walang epek ang sinabi nito sa kanya. At lalo pa ngang nairita at nainis sa kanya. [i]"Look .. Sasamahan ko lang si Xandra dun sa pupuntahan nya. Kung gusto mo umuwi ka na lang muna.. lumalalim na ang gabi baka kung mapano ka pa nyan."[/i] Sabi nito. [i]"Pero..[/i] sabi nya.. na madali namang naputol ni Nathan. [i]"Amy.. umuwi ka na lang ok?! I can't deal with you right now... see we have to go..ok..eto mag taxi ka na lang para mas safe ..."[/i] Sabi nito. at inabot ang pera sa kamay nya. Yun lang at tumalikod na ito sa kanya. Nakayakap sa bewang nya si Xandra. Pinagmamasdan lang nya ang dalawa. Mamaya ay tiningnan sya ni Xandra at nakakaloko ang ngisi. Yun na.. napaiyak na syang tuluyan. Sobrang sakit ng nararamdaman nya. Di nya alam kung anong gagawin. Nanatili syang nakatayo dun. Biglaan pa ang buhos ng ulan. Mukhang nakikisama ang panahon sa nararamdaman nya. Pagsakay nila Nathan at Xandra sa kotse. Ay di pa sila kagad umalis. Pinagmamasdan ni Nathan si Amy sa rear view mirror na nakatayo sa labas ng bar at tila natulala pa. [i]"Bakit di pa sya umuwi at kumuha ng taxi?! wala pa syang dalang payong?!! geez.."[/i] Wika nya sa sarili. Tahimik lang si Xandra sa tabi nya. Na tila naiinis din. Mayamaya ay laking gulat ni Nathan ng may tumigil na sasakyan sa harap mismo ni Amy. Lalo syang nagulat ng makitang si Melvin yon. ANg classmate ni Amy na alam nyang matagal ng may pagtingin para kay Amy. Lumabas si Melvin ng sasakyan at pinasakay si Amy dahil basang basa na to ng ulan. [i]"M-melvin.. salamat ah.. "[/i]Malungkot na wika nya nang makasakay sya sa kotse. DI pa sila kagad nakaalis ni Melvin dahil inabutan sya nito ng twalya at jacket para magtuyo at di ginawin. [i]"Bakit ka may twalya sa kotse mo?"[/i] tanong nya dito. [i]"nag laro ako ng tennis kanina kasama sina eric. wag kang magalala malinis yan, nagdadala ako ng extra eh[/i] wika nito. [i]"san mo gusto pumunta?" [/i] tanong pa nito. [i]"Kahit saan.. ayaw ko pa umuwi.eh.."[/i] sagot nya... [i]"kumain ka na ba? "[/i] Tanong nito. Umiling sya. [i]"sige kain muna tayo.."[/i] Sabi nito.. [i]"sige.. "[/i] sagot nya Di pa rin nakakaalis sina Nathan sa lugar na yon. Nayukom nya ang mga kamay nya sa inis, galit pero ang di nya maintindihan ay kung bakit ganun ang nararamdaman nya ng nakita nya si Melvin. At sumama pa sa kanya si Amy. DI nya mainitindihan ang nararamdaman nya ng mga sandaling yon. Parang gusto nyang bumaba at kunin si Amy mula kay Melvin. Pero huli na. Nakaalis na ang sasakyan nito. At kung san sila pupunta, yun ang di nya alam. Mayamaya ay tiningnan sya ni Xandra. [i]" youre in loev with that b**ch already am i right?!![/i] galit na tanong ni Xandra sa kanya. DI sya sumagot. Dahil sa tanong nito ay dun lang nya naisip na posible ngang mainlove na sya dito. Pero dalidali rin nyang binawi ang ideya. [b] [i]to be continued..[/i][/b]

Last edited by kristina16 (2009-01-25 21:02:29)

lyssa_o14
» n00b
FTalk Level: zero
46
0
1969-12-31

Re: :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

:arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]---------------------------------------------------------------------- [img]http://i499.photobucket.com/albums/rr351/assylpink/aw1453-1.jpg[/img] .."try to listen when no one speaks"..[/align]
moiluvsjohn
» n00b
FTalk Level: zero
5
0
1969-12-31

Re: :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

i love dis story!..:D
daixee mae
» FTalkElite
FTalk Level: zero
4590
0
1969-12-31

Re: :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

wow.. and danda ng storee susubaybayan q toh' kip it up.. waiting n' excited for the nxt update :D
  • ARCHIVES 
  • » :arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

Pages: 12

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 03:37

[ 9 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy