Pages: 12
[b]Title: Sana...[/b]
[url=http://theftalk.com/p2267453-2009-01-22-16%3A28%3A07.html#p2267453]Chapter 1[/url]
[url=http://theftalk.com/p2271307-2009-01-23-08%3A56%3A24.html#p2271307]Chapter 1.5[/url]
[url=http://theftalk.com/p2289977-2009-01-26-08%3A41%3A07.html#p2289977]Chapter 2[/url]
[url=http://theftalk.com/p2344753-2009-02-05-15%3A52%3A04.html#p2344753]Chapter 3[/url]
[b]Genre: Love Story[/b]
[b]
Main Characters:
[/b]
[b]Nathan Villaruel[/b] - Love interest ni Amy
[b]Amy Lomarda[/b] - Ang bidang gurl na inlove kay Nathan
[b]Cyrus Lomarda [/b]- big bro ni Amy
[b] Cindy Dizon[/b] - bestfriend ni Amy
Other characters:
[b]Oliver[/b] - team mate ni Nathan / Cyrus
[b]Xandra [/b]- Gf ni Nathan/ in short Kontrabida
[b]Melvin[/b] - classmate ni Amy
[spoiler][align=center]
[url="http://www.imeem.com/people/J9tryS/music/Fl_no77X/cascada-cascada-everytime-we-touch-slow/]Listen to Everytime We Touch by Cascada ; Here .[/url]
I still hear your voice, when you sleep next to me.
I still feel your touch in my dreams.
Forgive me my weakness, but I don't know why.
Without you it's hard to survive.
Cause everytime we touch, I get this feeling.
And everytime we kiss I swear I could fly.
Can't you feel my heart beat fast, I want this to last.
Need you by my side.
Cause everytime we touch, I feel this static.
And everytime we kiss, I reach for the sky.
Can't you hear my heart beat so.
I can't let you go.
Want you in my life.
Your arms are my castle, your heart is my sky.
They wipe away tears that I cry.
The good and the bad times, we've been through them all.
You make me rise when I fall.
Cause everytime we touch, I get this feeling.
And everytime we kiss I swear I could fly.
Can't you feel my heart beat fast, I want this to last.
Need you by my side.
Cause everytime we touch, I feel this static.
And everytime we kiss, I reach for the sky.
Can't you hear my heart beat so.
I can't let you go.
Want you in my life.
Cause everytime we touch, I get this feeling.
And everytime we kiss I swear I could fly.
Can't you feel my heart beat fast, I want this to last.
Need you by my side.
[/align][/spoiler]
[b]Prologue / Intro:[/b]
Amy was the typical 16 yrs old girl na nagkakaron ng maraming crush and puppy love. Naniniwala sya na pag-ibig na nga ang nararamdaman nya para sa bestfriend and Team mate ng kuya nya na si Nathan. Sabihin ng mukha syang hibang and lukaret dahil halata naman kay Nathan na di sya gusto nito and never daw syang magugustuhan nito. Pero sadyang di nya titigilan si Nathan hanggat di nya napapaalam dito na gusto nya ito. Dagdag pang puso't isipan nya ay nagkaisa para palakasin pa ang loob nya dahil naniniwala syang kaya nyang paibigan ito.
Pero di pa ata talaga kilala ni Amy si Nathan dahil bukod sa sobrang gwapo nito ay nuknukan din ito ng kasupladuhan. Nung nagsabog ata ng kagwapuhan plus kasupladuhan ang Dyos eh sinalo nitong lahat un. Kaya naman nahihirapan talaga sya. Madalas kasing kasama ng Kuya Cyrus nya si Nathan, minsan sa bahay nila ito nagmemeryenda and nakikinood ng dvd. Tuwang tuwa naman sya pag nakikita nya ito. Mistulan syang estatwa kapag nakikita itong ngumingiti. Kinikilig sya kay Nathan and alam nyang di pa nya naramdaman ang kilig na un kahit sa ibang lalaki.
[i]
"This is really is it..."[/i] sabi ni Amy sa sarili. Narinig un ng bestfriend nyang si Cindy.
[i]" anong sabi mo? nagmomonlogue ka na naman jan!" [/i] hirit ng bestfriend nyang si Cindy. Nagkasabay sila sa pagpasok sa classroom nila. Matagal na silang magbestfriend since Grade 1 magbestfriend na sila. Kaya Kilalang kilala na sya nito.
[i] "ah eh.. wala sabi ko seryoso na ko..."[/i] sagot nya.
[i]"seryoso naman saan? kelan pa pumasok sa isip mo ang seryoso? di ka marunong magseryoso!"[/i] buska pa ng bestfriend nya..
Tumahimik naman sya sa sinabi nito. Noon pa naman ay kilala na syang childish, spoiled brat at laging nakukuha ang anumang gustuhin.
[i]"uyy... friend! ano ka na?!" [/i] dagdag pa nito.
[i]"haiz... wala... sabi ko in love na talaga ako sa kanya! "[/i] sabi nya..
[i]" kanino kay nathan na bestfriend ng kuya mo and teammate nya?"[/i] tanong nito...
Tanging tango lang ang nasagot nya dito...
[i]"hay kaloka ka rin eh noh! eh kita mong dinedeadma ka nun! ni titigan ka nga di nun magawa eh... sabhin mo pang mahal mo sya!"[/i] saad nito..
Totoo nga naman un lagi na syang nagpapansin dito...pero nunca nga sya nito pinansin. As if hindi sya nageexist, knowing na kapatid sya ng bestfriend nito...Pero para kay Amy nagsisimula pa lang ang lahat para sa kanya. Papakita nya kay Nathan na deserving din naman sya sa pagtingin and pagmamahal nito.
[b][i]To be Continued...[/i][/b]
Last edited by kristina16 (2009-03-05 10:11:50)
next na poh..
hehe..can't wait 4 d update!
[align=center]--------------------------------------------------------------------------------------------
[img]http://i499.photobucket.com/albums/rr351/assylpink/aw1453-1.jpg[/img]
[i]..try to Listen when no one speaks.. [/i][/align]
Last edited by lyssa_o14 (2009-01-21 07:41:57)
--------------------------------------------------------------------------
[i]Oliver.. si Nathan nanjan ba? [/i] tanong ni amy sa kateam mate nitong si Oliver..
[i] ayun oh ... [/i] turo nito kay Nathan na may kasamang babae... Hindi lang basta basta babae un.. Un si Xandra ang isa sa pinakamaganda at mayaman sa buong campus. Well maganda naman talaga ito.. napaka ipokrita naman nya kung pati un ay itatanggi nya. Ngunit nasaktan sya ng makita nyang magkasama sila ni Nathan.
Tila malayo pa ang tinatakbo ng isip ni Amy ng biglang may tumwag sa kanya..si Nathan un..
[i]Amy!! wuy!? ... aus ka lang? [/i] tanong nito... kabuntot si Xandra.... na masama ang tingin sa kanya...
[i]hah?! wuoh! aus lang ako.. may iniisip lang.... hehe [/i] pilit nyang tumawa ngunit nagmistulang plastik ang mga tawa nyang iyon...
[i]nga pala Nathan... pinapasoli ni kuya...[/i] wika ni Amy sabay abot sa libro nitong pagkakapal kapal... tungkol yon sa architecture.. ito kasi ang kurso ni Nathan....samantalang ang kurso nya ay B.S Psych... ang Xandra naman na ito.. na kanina pa nakasinghal sa kanya ay Computer Engineering. Pareho ng kurso si Nathan at ang kuya nya. Yun nga lang ang kuya nya ay nasa 3rd yr na at si Nathan naman ay 2nd yr. palang at sya naman ay 1st yr pa lang.
[i]ay salamat ah.... oh pano Amy una na kami ah... [/i] wika ni Nathan...sabay akbay kay Xandra..
[i]sige.. ingat ah!![/i] sabi naman nya.... at pinilit nyang ngumiti.. di naman mukhang plastic ang ngiti nya ngunit pagtalikod nya ay nawala rin bigla iyon. Nalungkot sya sa mga nasaksihan nya. Di nya kailangang maging isang henyo para malaman kung ano ang meron sa kanilang dalawa. Nobya na nya si Xandra at mas malabong makuha nya ang pag-ibig ni Nathan.
Pero hindi sya susuko, nobya pa lang naman nya ito hindi pa sila kasal. May naaninag pa rin syang konting pag-asa kahit papano. Isa syang psych student at kailangan ay maging optimistic sya. Napabuntong hininga sya.
[i]Para san yon ah?[/i] tanong ni Cindy , na nasa tabi na nya.. at di man lang nya namalayan.
[i]Alam mo bang si Xandra na at si N-nathan?[/i] di nya naiwasang pumiyok at tila nagbabadya pa ang mga luha sa mga mata nya.
[i] naku naman! sila na?? malas naman ni Nathan hay... wag mo sabihing iiyak ka nyan.. naku sasabunatan talaga kita!![/i] dagdag pa nito..
[i]Hindi ako naiiyak, nagulat lang ako dun kasi ... kasi...parang ang bilis ng mga pangyayari[/i] sagot nya kay Cindy sabay kagat sa dila nya para di sya maiyak.
[i]Friend.. ganun talaga. Wala tayong magagawa. Pasasaan ba't maghihiwalay din ang dalawang un.[/i] sabi ni Cindy sabay kindat sa kanya..
[i]Salamat ah!! sana nga! Magdilang anghel ka sana friend.[/i] Sagot nya at napayakap sya dito.
[i] Kaw kasi eh, ang ganda ganda mo naman di ka naman pangit tas magkakaganyan ka dahil lang sa lalaking yun.[/i] wika ni Cindy.
[i]Binigyan nya kasi ako ng pagasa [/i] sabi ni Amy pagtingin kay Cindy ay tila naguguluhan ito sa sinabi nya...
[i]Ano ka ba Cindy ang ibig kong sabihin, pag-asa na pwedeng maging.. maging kami...[/i] paliwanag nya dito.
[i]At bakit mo naman nasabi yun aber?!![/i] nakapamewang na sagot nito sa kanya...
[i]Kasi.. pinapansin na nya ko... I mean di tulad ng dati na para akong hangin [/i] Dagdag pa ni Amy...
[i]Ahhh ok thats a good sign nga naman.. pero wag ka masyado magtiwala sa mga napapansin mo ah kasi ganun talaga ang ibang lalaki, papakitaan ka ng maganda, pero wala naman talagang ibig sabihin sa kanila un.. in short pinapaasa lang nila yung gurl.. ok? gets mo?![/i] sabi ni Cindy
Napatango lang sya. Dahil sa sinabi nito ay sapul na sapul nya kung anong nararamdaman nya ng mga sandaling yon at ayaw man nyang isipin pero may posibilidad ang mga sinabi ng huli.
Nasa Kwarto na si Amy ng umatake na naman ang lungkot sa kanya. Bakit nga ba nahihibang sya kay Nathan, kung tutuusin maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya ngunit wala syang sinagot ni-isa man sa mga ito. Ang dahilan nya ay walang iba kundi si Nathan. Ito ang gusto nyang maging kasintahan/boyfriend/Husband to be. Ng mga sandaling iyon dun nya napagtanto na titigil lang sya sa pangungulit kay Nathan kapag sinabi nito na tigilan sya, pero habang di pa naman ay pagpapatuloy pa rin nya ang ginagawa nyang pagsuyo dito. Araw - araw ay dumadaan sya sa building ng Engineering, minsan ay inaabangan pa nya ito kesyo gusto lang nya makasabay ito sa paglunch at kung ano ano pa. Lahat na ata ng dahilan para makita nya ito ay naidahilan na nya. Anong magagawa nya, Masaya sya kapag nakikita nya ito. Hindi naman sya tinataboy nito pero minsan napapansin din nyang naiilang ito sa mga ginagawa nya.
to be continued...
Last edited by kristina16 (2009-01-22 03:31:52)
muahhh!!!!
[i]wahaha![/i]
[i]nice stOry..[/i]
[i]kip it up..
can wait 4 dee update..!
[/i]
[align=center]-------------------------------------------------------------------------------
[img]http://i499.photobucket.com/albums/rr351/assylpink/aw1453-1.jpg[/img]
.."try to listen when no one speaks"..[/align]
gue daan na lng ulit bukas para sa update
w8 ko po
update. weee.