Pages: 12

  2009-01-22 03:28:07

kristina16
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
9156
0
1969-12-31

:arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

here it is.. [b]Chapter 1 [/b] [i]Amy, favor naman pakibigay mo naman tong libro ni Nathan sa kanya...pakisabi na rin na hindi ako makakapasok ngayon masama pakiramdam ko.. salamat ah!! [/i] wika ng kapatid nyang si Cyrus. Tinanong nya kung bakit di na lang nya itext ito..para dun sa libro, sabi naman ng kuya nya kukulitin lang daw sya nun kaya minabuti nitong ipadala sa kanya. At Masama nga naman talaga ang pakiramdam nito kahapon pa to may lagnat. Kaya pumayag na rin sya makakahindi ba naman sya sa kuya nya, and besides makikita nya si Nathan kaya ok sa alright para sa kanya un. :wow: -------------------------------------------------------------------------- [i]Oliver.. si Nathan nanjan ba? [/i] tanong ni amy sa kateam mate nitong si Oliver.. [i] ayun oh ... [/i] turo nito kay Nathan na may kasamang babae... Hindi lang basta basta babae un.. Un si Xandra ang isa sa pinakamaganda at mayaman sa buong campus. Well maganda naman talaga ito.. napaka ipokrita naman nya kung pati un ay itatanggi nya. Ngunit nasaktan sya ng makita nyang magkasama sila ni Nathan. Tila malayo pa ang tinatakbo ng isip ni Amy ng biglang may tumwag sa kanya..si Nathan un.. [i]Amy!! wuy!? ... aus ka lang? [/i] tanong nito... kabuntot si Xandra.... na masama ang tingin sa kanya... [i]hah?! wuoh! aus lang ako.. may iniisip lang.... hehe [/i] pilit nyang tumawa ngunit nagmistulang plastik ang mga tawa nyang iyon... [i]nga pala Nathan... pinapasoli ni kuya...[/i] wika ni Amy sabay abot sa libro nitong pagkakapal kapal... tungkol yon sa architecture.. ito kasi ang kurso ni Nathan....samantalang ang kurso nya ay B.S Psych... ang Xandra naman na ito.. na kanina pa nakasinghal sa kanya ay Computer Engineering. Pareho ng kurso si Nathan at ang kuya nya. Yun nga lang ang kuya nya ay nasa 3rd yr na at si Nathan naman ay 2nd yr. palang at sya naman ay 1st yr pa lang. [i]ay salamat ah.... oh pano Amy una na kami ah... [/i] wika ni Nathan...sabay akbay kay Xandra.. [i]sige.. ingat ah!![/i] sabi naman nya.... at pinilit nyang ngumiti.. di naman mukhang plastic ang ngiti nya ngunit pagtalikod nya ay nawala rin bigla iyon. Nalungkot sya sa mga nasaksihan nya. Di nya kailangang maging isang henyo para malaman kung ano ang meron sa kanilang dalawa. Nobya na nya si Xandra at mas malabong makuha nya ang pag-ibig ni Nathan. Pero hindi sya susuko, nobya pa lang naman nya ito hindi pa sila kasal. May naaninag pa rin syang konting pag-asa kahit papano. Isa syang psych student at kailangan ay maging optimistic sya. Napabuntong hininga sya. [i]Para san yon ah?[/i] tanong ni Cindy , na nasa tabi na nya.. at di man lang nya namalayan. [i]Alam mo bang si Xandra na at si N-nathan?[/i] di nya naiwasang pumiyok at tila nagbabadya pa ang mga luha sa mga mata nya. [i] naku naman! sila na?? malas naman ni Nathan hay... wag mo sabihing iiyak ka nyan.. naku sasabunatan talaga kita!![/i] dagdag pa nito.. [i]Hindi ako naiiyak, nagulat lang ako dun kasi ... kasi...parang ang bilis ng mga pangyayari[/i] sagot nya kay Cindy sabay kagat sa dila nya para di sya maiyak. [i]Friend.. ganun talaga. Wala tayong magagawa. Pasasaan ba't maghihiwalay din ang dalawang un.[/i] sabi ni Cindy sabay kindat sa kanya.. [i]Salamat ah!! sana nga! Magdilang anghel ka sana friend.[/i] Sagot nya at napayakap sya dito. [i] Kaw kasi eh, ang ganda ganda mo naman di ka naman pangit tas magkakaganyan ka dahil lang sa lalaking yun.[/i] wika ni Cindy. [i]Binigyan nya kasi ako ng pagasa [/i] sabi ni Amy pagtingin kay Cindy ay tila naguguluhan ito sa sinabi nya... [i]Ano ka ba Cindy ang ibig kong sabihin, pag-asa na pwedeng maging.. maging kami...[/i] paliwanag nya dito. [i]At bakit mo naman nasabi yun aber?!![/i] nakapamewang na sagot nito sa kanya... [i]Kasi.. pinapansin na nya ko... I mean di tulad ng dati na para akong hangin [/i] Dagdag pa ni Amy... [i]Ahhh ok thats a good sign nga naman.. pero wag ka masyado magtiwala sa mga napapansin mo ah kasi ganun talaga ang ibang lalaki, papakitaan ka ng maganda, pero wala naman talagang ibig sabihin sa kanila un.. in short pinapaasa lang nila yung gurl.. ok? gets mo?![/i] sabi ni Cindy Napatango lang sya. Dahil sa sinabi nito ay sapul na sapul nya kung anong nararamdaman nya ng mga sandaling yon at ayaw man nyang isipin pero may posibilidad ang mga sinabi ng huli. Nasa Kwarto na si Amy ng umatake na naman ang lungkot sa kanya. Bakit nga ba nahihibang sya kay Nathan, kung tutuusin maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya ngunit wala syang sinagot ni-isa man sa mga ito. Ang dahilan nya ay walang iba kundi si Nathan. Ito ang gusto nyang maging kasintahan/boyfriend/Husband to be. Ng mga sandaling iyon dun nya napagtanto na titigil lang sya sa pangungulit kay Nathan kapag sinabi nito na tigilan sya, pero habang di pa naman ay pagpapatuloy pa rin nya ang ginagawa nyang pagsuyo dito. Araw - araw ay dumadaan sya sa building ng Engineering, minsan ay inaabangan pa nya ito kesyo gusto lang nya makasabay ito sa paglunch at kung ano ano pa. Lahat na ata ng dahilan para makita nya ito ay naidahilan na nya. Anong magagawa nya, Masaya sya kapag nakikita nya ito. Hindi naman sya tinataboy nito pero minsan napapansin din nyang naiilang ito sa mga ginagawa nya. to be continued...

Last edited by kristina16 (2009-01-22 03:31:52)

Pages: 12

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 08:03

[ 12 queries - 0.034 second ]
Privacy Policy