Pages: 12

  2009-01-22 19:56:24

kristina16
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
9156
0
1969-12-31

:arrow: yees! :arrow: first to Comment! :arrow: ampf! asr nman ung xandra! ampf! :arrow: nice storii po! :arrow: next na! [align=center]----------------------------------------------------------

[b][i]2 yrs. later[/i][/b] Nakalipas ang dalawang taon. Wala pa ring napapala si Amy sa pagsuyo nya kay Nathan. Minsan nga ay umiiwas na sya. Minsan lang naman. Dahil di rin naman nya kayang hindi ito makita. Graduating na si Nathan at sya naman ay 3rd yr. na. ------------------------------------------------------------------------------------------------- Maagang nagising si Amy kinabukasan at nagayos. Dahil foundation week sa capus nila at maraming mga programs and games at kung ano ano pang pakulo. Tulad ng mga marriage booths, dedication booths, jail booths etc. DI nya maisip na kahit pala sa college ay may mga ganito pa rin akala kasi nya sa highschool lang yun. Nakasuot sya ng dark skinny jeans, tank top at red na wedge shoes. Naisipan nyang magaus ng konti. Ng nasa daan sya papasok eh napansin nyang maraming lalaki ang nakatingin sa kanya, na tila ba amused na amused sa kanya. Naconscious sya bigla at napayuko dahil dun. Lumapit naman si Melvin isang Comp Scie student na classmate nya sa isang minor subject nya. [i]"Hi Amy![/i] Bati nito sa kanya. [i]"Hello..Melvin, kaw pala!"[/i] sagot naman nya dito. May ilang segundo rin namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tiningnan nya si Melvin at kumunot ang noo nya. [i]"bakit ba?! may dumi ba ko sa mukha?!"['i] tanong uli ni Amy dahil sa pagkakatitig ni Melvin sa kanya. Tumawa ang lalaki, at ngumiti. [i]"Wala ano ka ba! ang ganda ganda mo kasi kaya pinagmamasdan kita"[/i] sagot nito. Natuwa sya sa compliment nito sa kanya. [i]"haha kaw talaga puro ka biro!"[/i] sagot naman nya habang kinurot ito sa tagiliran. [i]"Araay!!di naman ako nagbibiro eh!"[/i] sabi nito na nakanguso pa, wari ay nagtatampo pa. [i]"haha!! Hoy!! Melvin wag kang maginarte jan di bagay sau!"[/i]sabi nya dito. [i]"AMY!"[/i]Nagpalpitate ang puso nya sa boses na tumawag sa kanya. Di sya maaring magkamali kay Nathan yun. Nilingon nya kung san nanggaling ang boses ng tumawag sa kanya. Nagulat pa sya dahil habang papalapit si Nathan ay tila naaninag nya ang galit o tama bang sabihin nyang selos sa mukha nito. [i]"Kadarating mo lang ba?"[/i] tanong ni Nathan na kay Melvin nakatingin. Tiningnan nya ang dalawa. Parang nagsusukatan pa ng tingin ang mga ito. [i]"ahh... oo. Kakarating ko lang, mag aayos na nga kami ni Cindy ng booth eh."[/i] sagot nya kay Nathan. Doon nya napagtantong wala pa pala si Cindy. [i]ay patay! asan na yung babaeng yun.. naloko na! Cindy wer is you!? [/i] natatawang sabi nya sa sarili. [i]"Na-Nathan, bakit ka nga pala nandito? Anong kailangan mo?"[/i]Tanong nya kay Nathan. Tila dun lang naman ata to natauhan. [i]"huh? ah.. oo ano kasi. Yung team kasi namin ay nakatanggap ng libreng tickets for two para sa night party dun sa The Embassy, baka gusto mo kong samahan?"[/i]tanong ni Nathan sa kanya. Nagulat sya sa sinabi nito? Parang di pa rin sya makapaniwala. Hinawakan nito ang mga balikat nya na parang inaalog sya. [i]"Amy!?!! ano payag ka?"[/i]tanong sa kanya ni Nathan. [i]"Huh? sigurado ka?"[/i] paniniguro nya. [i]"Oo naman! ano game ka?[/i]tanong uli nito. [i]"si-sige."[/i]tugon nya dito. [i]"yan! ok sige puntahan kita maya. bukas pa naman yun eh"[/i] sabi nito sabay umalis. Pero bago umalis tinapunan nya ng masamang tingin si Melvin na nakaupo sa isa sa mga bench dun. [i]"Mahal mo pa rin ang lokong yun noh?"[/i] tanong nito sa kanya nang makaupo sya sa tabi nito. Tango lang ang sinagot nya dito. Di naman kaila sa ilan ang nararamdaman nya para kay Nathan. Open book ika nga ng iba. Ilang minuto pa nyang inantay si Cindy, di nya macontact ang cellphone nito. Maya-maya ay dumating na rin ito sa wakas. Hindi pa ata sya nito nakilala dahil sa ayos nya. [i]"Hoy! babae!! sinong hinahanap hanap mo?"[/i] tanong nya sa kaibigan. [i]"ayy! kaw pala yan sister! promise! di kita nakilala! ang ganda mo kasi ngaun `day!"[/i] wika ng bestfriend nya. Napangiti lang sya sa sinabi ng huli. Ngiting nakakaloko na para bang nasa alapaap sya. [i]"haha yan yari ka Cindy!" [/i] sabi ni Melvin sa kaibigan. [i]"hala.. ano nangyari?"[/i] tanong nito kay melvin. At si Melvin ang nagkwento kay Cindy kung anong nangyari. Dahil kapag sya ay tiyak na baka sermunan sya nito. Pag katapos mag ayos ng booth ay nagyayang kumain si Cindy. Pag tingin nya sa oras ay tanghali na rin pala. Kaya pumayag na rin sya. [i]"anong gusto mong kainin?"[/i] tanong ni Cindy sa kanya. Biglang pumasok si Nathan sa Canteen kasama ang kapatid nya at ibang kateam mates nito. May laban daw kasi sila sa makalawa. [i]"Ayun oh! yun ang gusto kong kainin!"[/i] sagot nya, pabulong lang pero narinig ito ng kaibigan. [i]"hoy sira ka talaga! puro ka kalokohan! mabubusog ka ba jan?!"[/i] tanong nito. [i]"oo naman! ngiti pa lang nya ulam na eh!"[/i] nakangiting wika nya. [i]"oh sya-sya! tara na.. dumadami na tao. baka abutin tayo ng syam-syam!"[/i] wika nito pumila sila sa bilihan ng Pork Tonkatsu. favorite kasi nilang magkaibigan yun. may Extra rice pa syang inorder. [i]"grabe ka Amy! 2 rice?!! haha"[/i] pang-aasar nito sa kanya. [i]"eh bakit ba?!! eh sa gutom yung tao eh!"[/i]Nakangusong sagot nya dito. Sabay subo ng isa. [i]"Oo nga naman gutom si Amy eh!"[/i] wika ni Nathan sa likuran nya. Nasamid tuloy sya ng di oras. Pagtingin nya kay Cindy ay nakangiti lang ito. [i]"ah kuya kayo pala... Kain?!"[/i] Alok nya sa mga ito. May dalawang bakanteng upuan pa sa tabi nila kaya umupo ang mga ito dun. Aktong uupo ang kuya nya sa tabi nya ng inunahan sya ni Nathan. Ngayon ay Magkatabi na sila. Naconscious naman sya bigla, pano ba naman ay pinapanood nito ang pagkain nya. sino ba naman ang di maconscious nun?! [i]"Gusto mo?" [/i]alok nya kay Nathan Tumango ito. inilalapit nya dito ang pinggan nya, pero nagulat sya sa sunod na sinabi nito. Miski si Cindy ay nagulat din. [i]"Subuan mo ko. AAHHHH"[/i] utos nito sabay binukas ang bibig na parang bata nagpapasubo. Di nya alam kung anong gagawin nya. Susundin ba nya ito? Sinipa sya ng kaibigan nya at dun lang sya natauhan. [i]"ang tagal naman!"[/i] wika nito at waring nagtatampo pa. Pero binukas uli nito ang bibig. Sinubuan nya ito. At nasarapan naman ito sa pagkain nila. [i]"uhmm masarap pala yan!"[/i] sabi nito. [i]"oo. Favorite ko to eh!"[/i] sagot nya. Pinagtinginan sila sa nangyaring subuan kanina. Ang iba naman ay parang di makapaniwala sa nangyari. [i]"daan ako sa inyo mamaya ah! usap tayo"[/i] Bulong ni Nathan sa tenga nya. Kinilabutan sya sa ginawa ng huli. May kiliti kasi sya dun. Tumango sya. At pagtingin nya dito ay nakakalokong ngiti ang nakaplaster sa mukha nito. [i]"Pinagtitripan lang ata akong ng mokong na to ah!"[/i] Sabi nya sa sarili. Pinagpatuloy nya ang pagkain. Andun pa rin ang mga team mates ng kuya nya. Ang kuya nya at dalawa sa kasamahan nito ay bumili ng pagkain samantalang si Nathan ay nanatiling nakaupo sa tabi nya. Natahimik si Nathan. Ang daming iniisip. [i][b]CUTE...[/b][/i] wika ni Nathan sa sarili. Di nya mapagilang di isipin, pero nacu-cutan sya kay Amy. Nakakatawa pero ngayon lang nya napansin yun. Maganda naman talaga si Amy, kaso malayong malayo ito sa mga naging girlfriend nya. Hindi kasi ito palaayos. Matakaw kumain at mahilig maglaro ng Basketball. Ikaw na magkaron ng Kuya na Basketbolista. [i]to be continued...[/i]

Pages: 12

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 07:34

[ 12 queries - 0.014 second ]
Privacy Policy