Re: ouch! ano yun!>!>!?
maybe accident lang
she.. wala lang yun
hala!
next na
nabitin ako
grabe
great update!
go go!
[align=center][b]EPILOGUE — ALWAYS IN MY HEART[/b][/align]
[b]Shecainah's POV[/b]
Ganun nga ang nangyari nung naging kami ni Xavier Del Monte.. ngunit ngayon.. wala na siya.
Nandito ako sa burol, naglagay ng Blue Daisies dahil paborito niyang bulaklak iyon..
"Shecainah.. kasi, bago mamatay si Kuya.. may naiwan palang sulat para sa iyo."
"Huh? T-teka.. Paano mo nakuha?"
"Na-send kasi sa address namin.." he said, at kinuha sa bulsa niya ang letter na nasa Envelope.
"Letter.. galing kay Xavier.. letter niya bago mamatay.."
[i]
Dear Shecainah,
Malapit na akong umuwi. Basta, malapit na. At.. sa pagbabalik ko, magpapakasal tayo at gagawa ng isang pamilya. Alam kong magiging mabuti kang ina. At magiging mabuting ama rin ako. At.. magiging masaya tayo. Mahal kita, mahal na mahal. At ikaw lang ang mamahalin ko.
Xavier.
[/i]
Pero.. hindi na siya nakauwi..
"Xavier!" Umiyak ako nang umiyak. Niyakap ako nang mabuti ni Xion.
"Shecainah.. okay lang yan.. Nandito naman ako eh.." he said.
"Salamat Xion."
"Shecainah.. may pagtatapat nga pala ako sa iyo.." he said.
"A-ano.. iyon?" Hinarap niya ako, and he looked down.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras pero.. Shecainah, mahal kita. Mahal na kita simula nung 3rd year tayo nung High School... kaya nga nung naging kayo ni Kuya... nalungkot ako."
"Xion.. pero.. alam mo namang.. mahal ko si Xavier.."
"Alam ko naman yun eh.. Pero nandito pa rin ako 'pag kaylangan mo ako.
"Xion.. Salamat.." I said, at umiyak nang umiyak.
[hr]
1 year passed. I moved on, and.. natutunang mahalin din si Xion. He's always there, and nafee-feel ko yung love niya.. Actually nga, today's our wedding day.
"You may kiss the bride." Ayun, sabi ng Pari.
Xion kissed me, and everyone clapped. Now, I'm Mrs. Shecainah Del Monte.
After that kiss, picture-picture na, and.. I looked at everybody.. hanggang sa.. I think I saw a familiar person sa labas ng Simbahan..
It's Xavier.
"X-xavier?" I muttered. Xion looked at me. "Bakit Shecainah.. may problema ba?"
"W-wala."
Tumingin ulit ako sa may labas at wala na siya. Malik-mata lang siguro..
I stared at my fingers, and now.. I'm wearing two rings. One, my wedding ring and second.. yung engagement ring na ibinigay sa akin ni Xavier..
Even though he's gone, he will be always in my heart.
[hr]
[b] Xavier's POV[/b]
Muntik na akong.. makita ni Shecainah. Buti na lang hindi.
It's been four years.. simula nang nagkunwari akong patay na. Pumunta ako ng Germany.. at nakapag-isip isip ako doon.. tama nga si Shecainah.. na Letting Go is also I Love You..
And, I think bagay talaga sila. I'm letting go.. and I want Shecainah to be happy with Xion.. dahil.. alam kong mahal na mahal talaga ni Xion si Shecainah. Nandoon ako noong nasa burol sila, that time na nag-confess si Xion.. although masakit.. I'm still happy dahil.. napatunayan kong mahal niya talaga si Shecainah.
Xion.. deserves Shecainah's love. Not me.
Ngayong kinasal sila, Shecainah moved on, and they will form a family. Yung ginugusto ko dati kasama si Shecainah.. ngayon, silang dalawa na ni Xion ang tutupad noon..
I am dead. Pero, alam kong buhay pa rin ako sa puso ni Shecainah. Kahit naman din siya sa akin eh. Pero.. I am "dead".
Mas maganda na sigurong ako na lang ang magsasacrifice.. since ako naman din ang mas matanda eh.
Best regards, Mr. and Mrs. Del Monte.
[hr]
"Huhuhuhu!" Iyak ng batang babae. Nilapitan ko siya, wearing a cap, and smiled at her.
"Bakit ka umiiyak, bata?"
"Kashi po.. nyung nyobo ko.. nasa puno.." sabi niya, at tinuro yung lobo.
I smiled at her. "Huwag kang mag-alala, Kukunin ko yun." I said, tapos pumunta sa puno, at Kinuha iyung lobo.
"Eto na bata oh.." I gave her the balloon.
"Jill!" I heard his mom's voice. Tinatawag na siya.
"Sige bata ah.. alis na ako.."
"Bye Kuya.."
Nagtago ulit ako sa likod ng puno. And, she went out, maganda pa rin.. at hugged her daughter. I can clearly hear their voices.
"Jill, pasok ka na sa loob." sabi ni Shecainah.
"Mommy.. may nyanyaki kaninya.. ang bait niya."
"Diba sabi ko sa iyo, don't talk to strangers?"
"Opo.. tsori po Mommy.." Papasok na sila nang biglang tumitig si Shecainah sa langit.
I looked din, and may dumaang eroplano. After that, pumasok na sila sa loob ng bahay nila.
I smiled.. Siguro, naalala niya pa ako.. and her too, kahit kaylan man, hindi ko siya makakalimutan.
Her smile.. how she laughs, ang boses niya, her unique name, lahat nang pinagsamahan namin.. Naalala ko pa yun, nung una ko siyang hinalikan nung 17th birthday niya.. nung Christmas na umalis ako.. her letters to me.. and, her I Love You's.
She'll always be.. in my heart.
[spoiler]Yayyyy~ Tapos na. Ahaha. After nito, meron lang akong ipo-post na Oneshot and after nun, yung next story ko entitled [i]Special Three Words[/i]. Ahaha ;DDD Anyways, thanks sa lahat ng suporta niyo readers, Thanks thanks much ^3^[/spoiler]