[align=center][b]:: Chapter 3 ::[/b][/align]
[b]CHESKA’S POV[/b]
Nagising ako nung naramdaman kong nakahinto na yung bus.
[i]Bakit parang ang bigat ng ulo ko?[/i]
Nilingon ko kung bakit at nanlaki ang mata ko.
[i]Sino ‘to?[/i]
Hindi ako gumalaw, hindi ko kasi alam anong gagawin ko or should I say, ayokong gumalaw. Kasi naman eh, ang bago-bago niya. Ano kaya yung pabango niya? Pero naamoy ko na ‘to eh. Saan nga ba?
Naramdaman kong gumalaw siya.
“..Crissy..”
Namulat ko mata ko sa narinig ko pero pumikit ako ule nung nafeel kong nagising na siya.
Nawala yung bigat sa ulo ko so, I guess inalis na niya ulo niya. I still pretended na tulog pa din ako.
“Tulog pa din siya..”, he murmured.
Silence. Silence.
[i]Gosh! Ang hirap mag-pretend na tuloy.[/i]
Muntik na akong gumalaw nung may naramdaman ako sa pisnge ko.
Inayos niya yung buhok na tumatakip sa mukha ko at inipit sa tenga ko.
[i]RARR. Hindi ko na kaya talaga..[/i]
I pretended na kakagising ko lang. Inalis ko yung ulo ko, humikab at nag-inat. Tinanggal ko yung shades ko at kumurap-kurap ko pa yung mata ko ng ilang beses kunyare nag-aadjust pa yung mata ko.
[i]Lilingon na ba ako? Oo.. Hindi.. waaa.. Bahala na! Game![/i]
Lumingon ako at nagulat ako na nakatingin siya sa akin.
“Miss.. Nagkakilala na ba tayo?”, tanong niya.
Now that he mentioned that, nanikit mata ko. I tried remembering where I prolly have seen him. Then suddenly something caught my eye.
[i]Ahh. Siya yung..[/i]
[b]GUY’S POV[/b]
[i]“Babe.. I’m pregnant”
“..Bakit, Crissy..”[/i]
Then I woke up.
[i]Wow. What a dream.[/i]
Until now, hindi pa rin ako nilalayuan ng pangyayaring yun. I wanted to move on but parang ayaw naman. I kept on dreaming and dreaming that moment and everytime na nagigising ako sa medaling araw, I find myself crying over and over with it. I know it’ll make me uncool kapag may makakita sa akin but what can I do? It hurts like hell!
Tinignan ko yung girl sa tabi ko.
“Tulog pa din siya..”, I murmured.
She seems so tired kasi napakahimbing ng tulog niya. Naawa ako sa kanya kasi parang nahihirapan siya sa pwesto niya kaya sinandal ko siya sa balikat ko. Hindi ko namalayan, nakatulog na din pala ako.
She’s like an angel kapag natutulog. Grabe, napa-peaceful at inosente ng mukha niya. Inayos ko yung buhok niya, natatakpan kasi yung mukha niya. Naka-shades na nga siya eh, tatakpan pa ng buhok yung mukha.
Nakita kong nagbababaan yung mga tao. I looked at my watch, 10pm na pala. Nakaramdama ako ng gutom.
Nung gigisingin ko na dapat yung babae, naramdaman kong gising na siya.
Tinignan ko lang siya nung naginat siya, humikab at tinanggal yung shades niya.
[i]Empyrean! Nasa heaven na ba ako?[/i]
Kung maganda siya nung naka-shades lalo na nung tinanggal niya. Ang kinis ng kutis niya. Ang ganda ng mata at the lips, mga pare! Kissable! Tapos yung buhok niya, super bumagay at lalong nagpaganda sa mukha niya. Pero she really is familiar eh..
Napalingon siya sa akin. Nagulat ako but hindi ko pinahalata.
“Miss, nagkakilala na ba tayo?”, tanong ko.
She stared at me, siguro trying to figure out where she met me. Tinitigan ko din and as I do that, unti-unti kong naaalala kung saan ko siya nakita. Nung matitigan ko yung mata niya, naalala ko na kung saan ko siya nakita.
[i]The girl in the..[/i]
[b]CHESKA’S POV[/b]
Nung makita ko yung cap niya. Naalala ko na kung saan ko siya nakita.
[i]"Ay! Sorry, sige sa iyo na lang", sabay bitaw dun sa cap.
"Hindi. Sige, sa iyo na lang", sabi ko.
"No. Ayos lang talaga. Really. It's okay. I think that would be your gift to your BF? right?", aba. Tamang hinala ka kuya ah? pasensya, feelingera lang.
"No. That's impossible. It's for my best friend sana. But It's okay. I think I'll just buy this one", sabay kuha duns sa katabing cap. Ayos lang naman yun kasi yun naman yung second choice ko eh.
"Okay. Thanks. Hmmm. Wait, you look familiar", sabi niya. And nung sinabi niya yun, napansin ko din. I know this guy. Yung nakabangga ko nung nakaraan.
"So you are. Hmmm. Y-you're Brixx, right? Yung nabangga ko last time?"
"You remembered it. Yeah. But wait, I don't know your name"
"It's Cheska. Nice meeting you and sorry about last time. Aanga-anga kasi ako nun eh. Hindi tumitingin sa daan", kasi naman si Dave eh. Ahahaha. Manisi pa ng iba eh noh?
"It's okay. Ikaw pa nga ang nasaktan eh. Sorry", sabi niya.
"Ahahaha. No, I should be the one aoplogizing, kasalanan ko yun eh"
"I already accepted your apology so, you should accept mine too", sabi niya.
"Okay. Okay. If you insist, you're forgiven. Ahaha.", para hindi na siya mamilit.
"Thanks and Thanks for this. Got to go. Nice meeting you again", at umalis na siya. He seems to be nice. Ang swerte ng GF niya.[/i]
End of flashback.
“Naalala ko na! I-Ikaw si.. Brixx, di ba?”, tanong ko.
[b]BRIXX’S POV[/b]
Nalala ko na kung saan ko siya unang nakita.
[i] “I can’t to see Crissy today. Miss na miss ko na siya. It’s been weeks na hindi ko siya nakita”
May kinailangan kasi akong asikasuhin kaya hindi kami nagkakakita ni Crissy. I really need to finish that agad or else 1 week will have to extend and I don’t want that. 1 day pa nga lang hindi ko na kaya eh. Okay! Sabihin niyo ng addiction na ‘to but I can’t help it. I love her so much!
May nakita akong naglalakad. Si Crissy. Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Guess who?", I said enthusiastically.
"Brixx!!"
Nagulat ako nung lumingon ako sa tumawag sa akin. Crissy? Eh sino tong babaeng..
"Teka nga! sino ka ba?"
I looked at her tapos kay Crissy. Gosh! Mali pala.
"Shocks. Crissy!", I shouted and started to ran towards her. "Sorry! I made a mistake!", I said to the girl while running.[/i]
End of flashback.
“Naalala ko na! I-Ikaw si.. Brixx, di ba?”, tanong niya na gulat na gulat.
Naalala niya rin siguro kung sino ako. How could I forget her? Yung babaeng hindi ko makalimutan yung ngiti. I just love staring at her smile and her eyes na hinding-hindi mo kayang hindi tignan.
I smiled. “Yeah.. Cheska, right?”, sabi ko.
[align=center][quote]Ayan! Masyado akong natuwa. XD So, Ayan na ipinapakilala ko si mystery guy.
Unpredictable ba?
Enjoy!
[/quote]
[/align]
Last edited by greatpretender22 (2010-04-22 07:40:36)