Re: [align=center][b][u]DREAMED LOVE STORY 2[/u][/b]
[i]Hear your heart's voice[/i]
[img]http://i44.tinypic.com/iqy9vk.jpg[/img]
[b]by ecka[/b] :: [i]greatpretender22[/i]
[b]04.09.2010 - [/b]
[/align]
[align=center][b]Chapter 4[/b][/align]
“Are you alone?”, tanong ko.
Lumingon siya sa gilid niya and she answered, “Yeah, ikaw?”
Lumingon din ako sa gilid ko, “I guess so?”
Then we laughed.
“Wow! It feels like we both know each other na ah?”, she said.
“Yeaahh!”
“Wait. Why aren’t you with your girl?”
Nagulat ako. “Girl?”
“Yeah. Si.. What’s her name nga ule. Hmm.. Ah! Crissy?”
“Aww. It’s been years since we parted”
“Ay! Sorry?”
“Sorry for what? Ahahaha. Change topic nga. What are you gonna do in Baguio?”, I asked.
“Hmmm. I just wanted to relax and think of some things. Kauuwi ko lang kasi kaya sinusulit ko yung free time ko. Ikaw?”
“Me? To unwind?”
“I guess pareho naman ata tayo ng purpose papunta dun. Ahaha”
“Saan ka ba tutuloy?”, I asked.
“Hindi ko pa nga alam ehh. Maybe I’ll just find a place there na malapit sa mga attractions. You?”
“My friend lent me his keys sa vacation house niya dun. If you want, pwedeng dun ka na lang magstay. Maraming rooms dun to choose from but wait I have a question muna”
“Really? Hmm. What is it?”
“Do you know how to cook?”
She laughed and I can’t help myself but to stare at her. She’s so damned beautiful when she laughs. Parang gusto ko siyang laging patawanin?
[i]WTH Brixx? You decided to have time for yourself and here you are admiring a girl? Di ba hindi ka pa nga nakaka-move on until now kay Crissy? Tapos eto?
Damn![/i]
She showed an ‘okay’ sign. “No problemo! Masarap akong magluto”, then she winked.
[b]CHESKA’S POV[/b]
Sa buong byahe namin, hindi kami natulog. We kept on sharing stories and experiences about ourselves. Hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa’t-isa. We even disturbed some sleeping passengers dahil kahyperan namin at syempre tinawanan lang namin yun.
“Here we are! Pili ka na lang ng room na gusto mo”, he said nung dumating na kami sa house ng friend. Yes! It is indeed a house. Sa laki nun, kala mo napalaking family ang nakatira eh.
“Sige! Gutom ka na ba?”, I asked nung nasa hagdan na ako.
Nag-isip muna siya. “Hmm. Yeah! Magluluto ka?”, tanong niya with an anticipation sa eyes niya. Ang cute!
“If you want me to?”
“Definitely!”
“Sige! Wait lang, mag-aayos lang ako”
I arranged my stuffs sa cabinet nung kwarto before akong naligo. I don’t why but napakagaan ng loob k okay Brixx. We haven’t had a decent talk dati, to think na laging coincidence lang yun. Oh well, fine! He’s handsome. Way, way handsome than before. Laki ng pinagbago niya, he had a nice body at sa palagay ko madalas yun sa gym. Matangos pa din ang ilong niya and his lips, gosh! A kissable one.
Cheska? Pinagpapatansyahan mo siya?, tanong ko sa sarili ko.
“Oo, pinagpapantansyahan ko siya! Masama ba? Kahit sinong makakita dun, hindi maiiwasang magkagusto?”
[i]Oh wait! Did I just say I like him? Gosh! Kakakita ko lang eh. At si Dave?[/i]
Remembering him made me stop from fantasizing Brixx. Ang lalaking dahilan ng pagbabalik ko at ang muling pagkabigo ko. I hoped kahit kaunti lang na pagbalik ko, he’s all good na and have recovered from his amnesia pero hindi pa pala.
“Cheska? Are you done? Wala palang food sa fridge, gusto mong sumama sa grocery?”, Brixx called out.
Nagulat ako. “A-ah. Y-yeah!”, sagot ko.
“Are you okay?”, sigaw pa niya.
“O-of course! Malapit na akong matapos!”
Silence. “Okay. Antayin kita sa baba”
Matagal muna bago ko narinig ang pagbaba niya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. I can’t stop it. Tuwing naalala ko how better would it have been kung hindi nangyare yung accident na yun. Kung gaano sana kami kasaya ngayon, married maybe. Thinking of what might have happened without that accident makes my heart break. Parang pinipiga ng sobra yung puso na ang tanging nagagawa ko na lang ay umiyak.
Napaupo ako sa tiles sa sobrang sakit. Hindi ko na napigilan talaga at umiyak na lang ako.
[b]
BRIXX’S POV[/b]
“Is she okay?”
I kept on pacing back and front sa may sala habang inaantay ko ang pagbaba ni Cheska. I don’t know pero nung sumagot siya kanina parang ang lungkot-lungkot ng boses niya. It seems like she’s crying.
[i]My Gawd Brixx! Eh ano naman? Paki mo ba sa kanya? She maybe has a problem pero ikaw din![/i]
Naputol ang pag-iisip ko nung bumaba na siya.
Her eyes are a bit swollen and red.
“Let’s go?”, I asked her.
I decided not to ask her muna.
She just nodded and smiled.
Oh how I wanted na kabigin siya at yakapin. Looking at her sad face, parang dinudurog din yung puso ko. Ano bang problema niya at ganun na lang ang naging itsura nito.
On the way to the grocery, tahimik lang kaming pareho. Hindi ko alam anong sasabihin or topic na pag-uusapan. Nafe-feel ko kasing she wanted na maging tahimik lang. Sa buong byahe, nakatingin lang siya sa labas na parang may malalim na iniisip.
Bakit ba sobra ang care mo sa kanya eh kakakilala mo lang?
“I don’t know”, I murmured.
“Ha?”
Napatingin ako sa kanya. “Ano yun?”
“Did you just say something?”, tanong niya.
“A-ako? W-wala”, pagdedeny ko.
“Hmm, okay”, sabi niya sabay balik ule sa labas ang paningin.
I just sighed.
After naming mamili, umuwi na kami agad. Dinala ko lahat ng pinamili namin sa loob ng bahay. Tinulungan ko siyang ayusin yung mga yun sa refrigerator.
“Maaga pa naman. Pahinga ka muna bago ka magluto”, sabi ko.
She nodded then went out.
Sinilip ko kung saan siya nagpunta. Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa may swing, still she’s looking somewhere na parang may malalim na iniisip.
“Hindi pa ba siya tapos isipin yun?”, I murmured.
Kinuha ko yung popsicle na binili ko kanina sa grocery at pinuntahan siya.
[b]CHESKA’S POV[/b]
“You want?”
Napatingin ako sa gilid ko nung may nagsalita. Si Brixx. Hindi ko namalayan na lumabas pala siya.
“Mukhang malalim ang iniisip mo ah?”, sabi niya sabay upo sa tabi ko.
Binuksan ko yung popsicle.
“Hmm. Hindi naman masyado”
“You know mahirap ang nagkikimkim ng problema”, sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
Nakatingin din siya sa akin.
“Pwede akong makinig. I’m free”, sabi niya sabay ngiti.
Okay. That’s it. Hindi ko na naman napigilang umiyak. Nakakaasar. Napaka-emotional ko. Dahil ba nasa baguio ako at alam kong marami kaming memories dito? Memories na kalianman ay hindi ko pwedeng kalimutan? Memories na hindi niya maalala? It’s all great stuffs pero ni isa hindi man lang bumalik sa kanya.
Kinabig niya ako at niyakap. I allowed it.
“Shhhh”, he said.
“I missed him”, I cried.
Hindi siya sumagot, sa halip, niyakap niya pa ako ng mas mahigpit and stroked my hair.
Umiyak lang ako ng umiyak nun. I don’t know kung paano ako tumigil or kalian. All I know is that after nun, gumaan ang bigat sa puso ko. Though hindi pa nawala ng tuluyan.. nabawasan naman.