Re: [quote][size=3]Rainebow, signing in.[/size] [color=#D84B8E]:)[/color][/quote]
[align=center][b]NOTE[/b]: This is the former [size=2][b]My Unexpected Childhood Sweetheart[/b][/size]. I just thought of
[quote][b][color=#2C3896][size=2]Nine[/b][/color] | May bago nanaman ba sa buhay ko?[/size] Eh?[/quote]
[i]Whatever[/i].
Next subject, wala daw teacher. Oh, hindi ba't bongga!? Masaya to! Hehe. Kasama ko si Polly and si Lovely Teddy Bear ko, syempre bestfriends, duh. Pumunta kami sa science garden. Hee, malamok dun eh!
"May dala kang phone?" tanong ni Polly.
"Para?" sagot naman ng moody-ing LTBear. Haha. Peace.
"Ano? Picturan noh?" sagot ko. Haha. I know na anung nasa utak nito. Exotic tong babaing (Polly) toh eh. Lalo na kapag sa mga pose. (e.g. ha-hug yung puno tapos nakataas yung isang kamay, may hawak na bato tapos may bato din sa ulo, etc.)
"Yes!" sabi naman ni Polly.
Oh well, as mostly always, ako yung dakila nilang photographer. Naman oh, kaya kadalasan, wala ako sa mga pictures. Tsk.
"Pak! Pak! Pak!"
Eh? Anu nanaman yung pinagkakatak ni Polly? Exotic nga naman talaga.
"Huy, napano ka?"
"Wala, haha. Whoohoo." sabay pose nanaman ulit.
"Bahala kayo diyan, hawakan niyo na muna phone ko. Punta lang akong caferia."
"Pabiling Coke in can!"
"Pati ako! Please??" singit ni Polly.
Engk. For sure aabonohin ko, tapos sasabihin nila, libre nalang. "Okay" nalang ako, ayaw ko sa mga makukulit. Di ba? Nakakairita?
Pagkadating sa cafeteria, madami din palang students nandito ah. Wala ding teacher? Haha.
Nangangalkal ako ng purse, bigla nalang may nakabunggo.
Edzen?
"Ay, sorry!"
Sabay lakad ng mabilis kasama mga katropa niya.
"Dalawa pong Coke in can tsaka isang Royal in can. Eto po bayad."
Takte. P90. Mahal. Over pricing!
Bumili na din ako ng silvanias sa kabilang stall.
"Kyle! Pabili din!"
Sigaw ng nasa likod ko. Haggardness to ah. Lakas ng boses. Di ko kilala. Section 2 eh. Di ako socializer, dati. Napatingin naman ako sa katabi kong sinisigawan niya, yata.
Ooh, so ito si Kyle? Pogiii. Gush.
"Ms. de Maliwat? Yung bayad po."
"Ay, sorry. Eto po."
Naglakad na ako pabalik sa garden, whoo, may 40 minutes pa kami. Napatingin ako ulit kay "Kyle" nung naka, mga 6 steps na ako. Nakatingin din siya! Blush mode! Naka-smile pa. Napa-smile din ako.
Tumalikod na ako tapos naglakad na ulit.
After ng mga 3 steps, eto nanaman sina Edzen. Bigla siyang nag-smile back? Hee, akala niyan niya na yung smile ko para sa kanya, naman kasi eh. Yun tuloy, baka isipin pa niyang gusto ko siya.
Napadpad na akong garden, naka-upo na sila dun sa may fountain, napagod yata sa pictorial. Nyaha.
"Phone ko, nasan?"
"Eto. Haha."
Anung meron? Inabot ko na sa kanila yung mga Coke nila. Kala nila, napacman nanaman pera ko.
Tsinek ko phone ko. What the?! Naka 70+ pictures sila? San lupalop naman nila kinuha yung mga shots na yun? Eh. Hm, wait lang, may naalala ako. Haha!
"Mae."
"Bakit?"
"Diba may Kyle ka na sinasabi sa'kin kanina? Yung sabi mo sa ibang section."
"Ah, oh napano? Crush mo noh? Hahaha."
"Uuy, Raine ah." singit ni Polly.
"Hindi ah! Kanina ko lang nakita sa cafeteria. Anu mo ba siya, Mae?"
"Ka-service ko lang yun. Ka-village ko. Malapit lang yun sa'min eh."
"Oh? Talaga?"
"Oo."
"Aah."
Teka, why do I care nga naman ba? Ni family biography ng seatmate kong si Edzen di ko pinapake-laman, dun pa kaya sa kanina ko lang nakita.
Pagkabalik namin sa room, mga more or less, 5 minutes nalang tapos next subject na. Pinagpapawisan na ako kahit na katabi ko lang yung aircon. Gawd. Ito naman kasing si Edzen, nakakatunaw tingin. Err.
Next subject, Elementary Algebra tapos dismissal. Hay, oh my goodness, thank you.
Ayan na si Ms. David, instructor namin.
"Good afternoon, Ma'am."
"Good afternoon, please sit down. Magkaka-roon tayo ng activity ngayon. To lighten up your day naman."
"Yehey!" sigaw ng halos buong klase, except sa'kin na tila in the state of "Huh?"
"Mukha pa man ding pinagpapawisan na kayong lahat at mababaho na. Hehe. Joke lang."
Nagtinginan at nag-amuyan naman yung mga uto-uto.
"Guys, listen! By pairs tayo ngayon."
"Ma'am! Choose your own!" sigaw ni Polly. Hay nako, ito talaga. Ever bubbly.
"No, by seatmates."
WHAT THE BABOY NA MATABA?! Ano daw? By seatmates? As in s-e-a-t-m-a-t-e? Or in short, E-d-z-e-n? Oh gawd.
3/4 of the class is happy, the other quarter is wala, dedma lang. Napatingin naman ako dito sa partner ko, dang. Tawa-tawa pa. Sapok, he like?!
"Oh, tingin-tingin ka diyan? Mag harapan daw, tapos gawin yung activity sa page 54." tapos tumawa nanaman ulit. Sungit nito, lakas ng trip!
Grr, anu gusto nito?!
Binuksan ko nalang yung book ko, whew. Origami? Mag-oorigami kami sa subject na Algebra? Who the [i]eij[/i] invented this naman? At ito pa yung partner ko? Yung parang walang passion sa arts? Nooo. Help!
"Eto yung papers natin."
"Gawin ko lahat ng odd, sa'yo na yung even. Deal?"
"Ms. de Maliwat, by partners itong activity, hindi individual."
Nashock naman daw ako, nasa likod ko lang pala si Ms. David. Busit nga naman tong Edzen na to, hindi man lang agad sinabi.
"Oh, narinig mo yun. Sabay natin gagawin mga paper foldings per number."
"Bahala na. Teka, ba't di mo naman sinabi na nasa likod ko lang si Ms. David?"
"Nagtanong ka ba?"
Grr. Ginagalit ako nito ah.
"Mr. Reeze, Ms. de Maliwat, wag masyadong maingay."
Yan tuloy, napagalitan pa.
Naubos yung one hour ng klase namin, hindi pa namin nakakalahati. Pinag-titripan kaya ako nito. Anung alam niya. Ano siya? Feeler? Ay, teka, sabagay, may pagka close nga naman kami, since grade 3, classmate ko na din eh.
"Take home nalang daw, gawin ko na sige yung mga odd numbers."
"Salamat naman. Bye."
Sabay labas na ng room.
Nag-va-vibrate phone ko.
[i]Tita Bien, calling.[/i]
[align=right]_________________________________
Is this it? [i]Bagong [/i]kaasaran tapos magiging
[color=#2C3896]dakilang[/color] crush ko nanaman? [i]~_~[/i][/align]