Re: [b]I'm back guys. :D Finally. I'll be using a reader's story. Oo, yung nagpapasa ako dati? I promised to use them right? And here it is. [/b]
[align=center][b]My Girl is a Man[/b][/align]
Bestfriend
[b]* 1[/b]
Then I suddenly received a call.
“Hello? Topher?”
“Hoy lalake.” He said.
See? LALAKE.
“Ano? Babae.”
“Punta ka dito sa ATC.”
“Baket?”
“Basta. Bibili ako ng damit. Need ko ng advice ng kapwa ko.”
Naningkit mata ko.
“Baka may tropa kang iba? Ge. Bye—”
“Teka! Eto naman hindi mabiro o. Ge na, punta ka na ha? Dating tagpuan. Mwaaaah. Ge.”
Then he put the phone down.
Napailing ako. Wag kiligin. Wag kiligin. He does it all the time.
Yung mga ‘I love you’ at mga ‘Mwaah’? Tsk. Sanay siya diyan. Walang meaning yan. Don’t assume.
Tumayo na ako.
“Sige Ma, makikipagkita lang ako kay Topher.”
“Talagang okay ang relasyon nyo ah. Mabuti. Date yan?” Then she smiled.
Nawirdohan ulit ako.
“Opo naman po, siyempre okay.. Tsaka anong date? Parang hindi naman kayo nasanay. Mama talaga.” I replied tapos napailing at nag walk out na.
I feel strange ngayun kay Mama. Parang may mali. Parang gusto niya akong gawing babae na ewan, tapos mabuti raw na maayos ang relasyon namin ni Topher, tapos date? Kelan pa naging date?
Kakabangag.
--
I bought Zagu. Napaaga ata ako ng punta. I was wearing my cargo pants and shirt, tapos nag jejecap ako. Pinasok ko yung buhok ko sa jejecap. Boyish mode. Uso e.
Wala pa si Topher, takte. Pinagmamadali ako tapos ako nanaman pala ang mag aantay. Peste.
Nagllakad ako nun, paikot ikot lang yung mata ko. Daming mga fo-rangers dito sa ATC. I looked at the movie posters. Ayus movies, makapag yaya nga makapanuod.
“Kuya.” A guy voice from behind said. Wapakels.
Tinitigan ko pa rin yung mga posters. Astig.
“Kuya, pwede tumabi ka?”
Dun ako natigilan. I looked back and saw a really ozzzzuuuum guy. Yeah, as in cute siya, tapos tumingin ako sa paligid ko.
“Kuya?” I repeated. Napalunok ako ng laway then I pointed to myself. “Ako? KUYA? AKO BA?”
Tumango siya.
“Hindi ba?” He asked, tapos parang natatawa.
I stared at him, nakakaasar ‘to ah. NAKAKAASAR.
“Iniinsulto mo ba ako?” I asked him.
“Why? Should I call you… Ate?”
I smiled at him, yung smile na naiirita, then I took off my cap. Nalugay yung buhok ko na hanggang balikat.
“Ayan, siguro naman mukhang babae na?” I told him. Kahit na ganito ang itsura ko, siguro naman may features pa rin ako ng pagiging babae di ba? Anak ng tinapa.
I just turned my back to him and started walking.
“Miss! Sorry! Hindi ko naman alam-”
“Never mind.” I replied tapos tuluyan nang umalis.
Sayang. Cute pa naman siya. Kaso ang laking.. Err.
Bumalik na ako sa pagkikitaan naming ni Topher. Nasira mood ko.
“O, bat ngayon ka lang?” I asked him. Andun na siya. Nakatayo.
“E ikaw, bat ganyan mukha mo?” He asked.
“Wala ka na run.”
“Kasi late ako?”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Haha. Di bale, palage naman talagang ganyan yang mukha mo.”
Tapos pinisil niya. Masakit, kasi sobrang pisil, but I admit, tuwing mangyayari to, nakakalimutan ko na lahat.
And it sucks.
--
YEAH. Ayun, we entered different boutiques. Namili siya ng damit, pinipilian niya nga rin ako, kaso damit pang lalaki pa rin. No comment, pero nakikitawa na lang din ako.
Natipuhan niya yung sales lady, nagpapansin nanaman. Sanay na ako. Ngumiti ngiti na lang ulit ako. Tss.
Bumili siya ng tatlong polo sa Guess. Right. Rich guy ‘tong kasama ko. They own an advertising company kasi, kami naman, ayun, balak din magtayo nila Mama ng advertising company rin. Medyo lumalago na, but I’m not planning to take after it. Baka yung older sister ko na lang. I don’t plan to enter the world of business, yung malakihan pa. Kaya nga kahit pinipilit nila ako sa business management, NO-NO pa rin ako.
“Kain tayo?”
“Aba buti naalala mong pakainin ako.”
“Siyempre, alam kong bayawak yang sikmura mo.” He teased me.
I acted like I was gonna punch him, then he blocked his face to dodge.
“Hindi na nga po e dib a?” He said, tapos inakbayan niya ako at naglakad na kami.
Butterflies all over my belly.
Oo, getting close like this makes me thrilled, pero nawawala rin kagad. As soon as I remember who I am in his eyes, or probably, what I am.
I’m a man in his eyes.
We entered Jollibee. Yeah, simple lang kaming dalawa lumamon. Basta masarap, kahit cheap, SOLVE!
“Ganun pa rin order ko.” I said. What I mean, is a spaghetti, a chicken joy and a swirly bitz. Marami rami rin ako kumain, pagod e.
“Got it.” He said and he left.
I took my MP4 and played some songs habang nag aantay, nag ikot ikot na rin yung mga mata ko. I hummed with the song playing, ‘The only exception’.
Then I suddenly saw the guy who insulted me. Nasa tapat lang pala naming yung table niya. He was looking at me, I just ignored him. Wala na ako pakielam sakanya.
I continued humming, tapos pag sulyap ko sakanya, nakatingin pa rin siya. I gave him a glare. WAG KA NGANG TUMINGIN. Peste, nakakailang, but he smiled at me, then waved at me.
Napatingin ako sa paligid ko. Ako? Ako ba ang kinakawayan ng lalaking ito?
I raised my eyebrow. Mag-isa lang siya, tapos kumakaway siya sakin. Anong trip nito?
He suddenly stood up, and he was heading towards me! Nanlaki yung mata ko when he sat on the seat in front of me. I removed my earphones tapos tinitigan ko siya.
“Ano?” I asked him na pagalit yung tono.
“I’m Algin.”
“So?” Yun lang yung reply ko.
Napangisi siya.
“I like your type.”
Pinandilatan ko siya. “SERIOUS?” I asked tapos I sarcastically laughed. “That’s hilarious.”
Ngumiti siya. “Got a name?”
“No, I don’t.” I replied tapos binalik ko yung earphones ko sa tenga. Kakaiba tong lalaking ‘to ah. Kitang titibo tibo na nga ang get up ko, nag papacute pa.
“Dette.”
Napatingala ako, si Topher, nakakunot yung noo tapos dala dala yung food.
“So Dette.” Algin muttered.
“Sino siya?” Topher asked na parang pagalit.
Napalunok ako ng laway.
“Are you hitting on Dette?” He asked the Algin guy.
Oh Gawd. Eto ba yung nababasa ko sa pocket books at napapanuod ko sa mga telenovelas. Yung pag aawayan yung girl tapos—
“…Mali ka ng tingin dito, Pre. Lalaki to.”
Saket.
Pero pinigilan ko ang sarili kong magreact.
Natawa silang dalawa.
“I’m certain she told me she’s not.” Sagot ni Algin.
“Ahaha. Siyempre I’m joking. Pero Pre, wala kang pag-asa dito. Just back off and start eating.”
Silence occurred. Hindi na ako sumagot. Walang gumagalaw.
Tumayo na lang si Algin.
“See you again.” He said at umalis na.
Natatawang umupo naman si Topher sa harapan ko.
“What a surprise. Nakakaakit ka pa pala ng lalaki sa lagay mong yan.”
“Tama na, okay? I’m fed up.”
“Fed up with what?” He asked, na parang nagulat.
I started eating. Hindi na lang ako sumagot, baka may masabi pa ako eh.
Nasaktan ako. Oo, alam ko naman e, noon pa, na hindi talaga babae ang tingin sakin ni Topher, kaso in front of somebody else, ganun pa rin. I was insulted, and it was painful.
Mas naapreciate ko pa nga yung sinabi nung Algin guy na yun.
“Huy Dette. Ano ba?”
He asked me tapos pinigilan niya ako sa pag kain ko.
“Let me be, okay? Nagugutom ako.”
“Galit ka ba kasi sinabi kong lalaki ka?”
I stared at him.
“I know Topher, lalaki ako sa paningin mo.. But I’m a still a girl.”
“Is it because you missed out a chance to get a guy?” He suddenly asked sa tonong pagalit. Naasar din ako.
“What?”
“Kasi nakyutan ko run sa lalaki at nanghihinayang ka? E di sige. Go. Chase after him. Tsk.”
“What are you babbling about?” I asked him. Hindi ako makapaniwala dito ah.
“You’re getting mad because of some stranger? TSK.”
I got my fists clenched, nakakaasar ‘tong lalaking ‘to ah. Tumayo na ako, sabay inom ng inumin.
“Uuwi na ako. Nakakasira ka ng mood.”
“Sus, susundan mo lang yun e.”
“E ano bang pake mo?” I asked him.
Parang natigilan siya.
“W-Wala..”
“Wala pala e.” I yelled tapos I glared at him, then I walked out.
BADTRIP. Bahala siya diyan.
While I was walking, I passed by a store for ladies. I saw a very cute dress, tpos napatingin ako sa sarili ko,
Pag nagsuot ba ako ng ganito, mapapansin kaya ako ni Topher?
After a few seconds, napangiti ako tapos napailing.
[i]
It won’t make a difference. I will just be a subject of laughter.[/i]