Pages: 1234567..7

  2008-05-15 20:41:00

nobodyknowsitbutme
» FTalker
FTalk Level: zero
134
0
1969-12-31

Re: [align=center][color=blue][b]SANA PO MAGUSTUHAN NIYO! ;D or Just see it here. [url=http://mynameiskz.bravehost.com/]CLICK THIS.[/url] [/b][/color][/align]

[align=center][b]CHAPTER XVIII[/b][/align] Napuno ng tawanan ang buong gym. Wow! Ang saya-saya nila, ah! Inggit ako, bwisit! Ano naman kaya ang nakakatuwa sa kapilosopohan ni Ruke? Ang mga lalaki nga naman talaga, oo. Nagsilapitan silang lahat kay Ruke. Ako naman, parang timang na nakatingin lang sa kanila habang pinupuro ang unggoy. “Captain, idol na kita simula ngayon! Hanep! Ang galing ng tactics mo!” Ano naman kaya ang tactics na pinagsasabi ng Saggy na ‘to? May pa-tactics-tactics pa siyang nalalaman. “Nice one Captain!” “I gotta hand it to you, man. That was… amazing!” Amazing?! Dennis, you are out of your damn mind! “Cool! Dude, napaamin mo din si Harrow! Pakipot pa kanina.” Hawak-hawak na ni Eiji ang tiyan niya. Sumasakit na ata dahil sa walang tigil niyang katatawa. Nilapitan ko nga at binatukan. “Aray naman, Harrow!” Reklamo agad nito. “Kulang pa nga yun eh. Ito pa isa, oh.” Akmang babatukan ko ulit si Eiji ng bigla ba namang tumambling! “Tama na, please??” Itinaas pa nito ang dalawang kamay para panharang laban sakin. “Ang sakit-sakit na kaya nun.” Pagagalitan ko pa sana siya pero naunahan ako ni Ruke sa pagsasalita. “By the way, Eiji, I thought you’re gonna court Harrow here? But it seems to me that you’re so happy that Harrow and I are together.” Oo nga noh? Ang labo din talaga ni K1. Sabi niya——-… “Teka nga! Anong toge-together ang pinagsasabi mo diyan?!” Deadma ba naman ang loko! Kumusta naman yun?! “No way! Kita mo namang lagi nalang akong binabatukan niyan. Sayung-sayo na siya, Ruke. Mas malala pa siya kay $#@%&*.” Ha? Ano daw? Mas malala pa ako kanino? Di ko kasi narinig ang pangalan ng kung sinomang sinasabi niya eh. Or better yet, hindi maintindihan ang pangalan na sinasabi niya. Kasi naman, parang ibinubulong lang ni Eiji sa hangin. Parang wala siyang balak ipaalam samin ang taong tinutukoy niya. Whoever she/he is, I really admire her/him. I have a feeling that that person can manipulate Eiji’s behavior. Lucky one, huh? “So Jiaolian, all of us gave our messages to Ruke. What’s yours?” Binalingan naming lahat si Ahia. “Oh that… What can I say, Ruke, aside from welcome to the family?” “Ohhhh…” Sabay-sabay pang sabi ng mga ungas. Isinusumpa ko! Simula sa araw na ito, isa nalang ang kapatid ko, tatandaan niyo yan. At hinding-hindi si Ahia yun! “Dennis! Eiji!” Sigaw ng kung sino man na kapapasok pa lang. “uh-oh… We’re in trouble…” “Oh shit…” Namumutla na talaga ang dalawa. Pero mas lalo silang namutla nang lapitan sila ni Dylan na napakasama ng tingin, mainit ang ulo, super simangot at nanlilisik pa ang mga mata. Sina Dennis at Eiji naman ay paatras ng paatras. Makikita sa mga mukha nila ang pagkataranta. Kahit ako, natataranta na rin. “Hey, Dylan, why don’t you cool up a bit?” Inakbayan ito ni Ruke. Kumalma naman si Dylan. “Hooooo…” Nakahinga ng maluwag ang dalawa. Thanks to Ruke. Kahit pala nakakainis ang ugali niya minsan, he could get rid of the tension anytime he wants like what’s happening now. “Both of you, what did I tell you earlier?” Kahit kalmado na si Dylan sa lagay na yan, I can sense na bad trip pa rin siya. “W-well… Dy-Dylan… Ka–…” Huminga muna ng malalim si Dennis. “What?!” Naiinis na na tanong ni Dylan sa kakambal. “A-ano kasi… Si Eiji ang may kasalanan!” Sabay turo kay Eiji. Nagreact naman agad si Eiji. “Anong ako?! Bakit ako?!” Galit na sabi ni Eiji kay Dennis. “Ikaw naman talaga ah! Ikaw naman ang nagyaya saking pumunta dito eh!” Galit na rin si Dennis. “Bakit ka sumama?!” Patay… Magkakagulo pa ata dito sa gym. “Knock it off…” Napupunong sabi ni Dylan pero hindi ata narinig dalawa na patuloy pa rin sa pag-aaway. “I said… Knock it off!” Nakasigaw nang ulit ni Dylan. Nasindak naman ang dalawa at agad ding tumigil. Lumapit si Dylan kay Ahia. “Sorry for the trouble, Jiaolian.” Tumawa naman si Ahia at hinawakan sa balikat si Dylan. “Its okay, Dylan. No harm done. Sanayan lang siguro yan.” Napangiti si Dylan sa sinabi ni Ahia. Gosh! Ang gwapo-gwapo pala niya kapag ngumingiti kaysa nakasimangot. Ang cute-cute niya, grabe! “Thank you for always understanding, Jiaolian. We’re going now.” Tapos tumingin naman siya sakin. “Harrow, pasensiya na sa pangungulit ng dalawang yan sayo, ha?” Sabay turo kina Dennis at Eiji. Nag-smile na naman siya but this time, sakin na. Syeet… Ang gwapo talaga! Ginantihan ko rin siya ng pinaka-cute kong ngiti na sinasabi nila. “Okay lang. Mababait naman sila eh.” Napataas ang isang kilay ni Dylan. “Why can’t I let myself believe you?” Nagtawanan kaming dalawa. Alam kong nagbibiro lang si Dylan. Mababait naman talaga sina K1 at K2, makukulit nga lang. “Goodbye guys. We’ve wasted so much time because of these two. We can’t stay that long. Ruke, alis na kami.” Tinanguan lang siya ni Ruke. Ano na naman kaya ang problema ng isang ‘to? Kanina lang ang nakikipagkulitan siya, ngayon sumungit na naman. May sayad talaga. “I do believe the two of you want to say something.” Sabi ni Dylan sa dalawa na parang may inuutos. “We’re so sorry. We’re leaving now.” With matching bow pa. Ang cute-cute nga nila habang sinasabi yun. Para silang mga bata. Mukhang araw-araw nilang sinasabi yun. Sabay na sabay kasi eh. Mula pagtingin samin hanggang sa pagtalikod. Lumakad na silang tatlo. Nauuna si Dylan, ang dalawa naman ay nasa likod na nagsisisihan na naman. “Ikaw kasi, eh…” Paninisi na naman ni Dennis. “Me? It’s not my fault that you have a terror brother.” Naiinis na bulong ni Eiji na narinig naman naming lahat. Nilingon sila ni Dylan na nanlilisik na naman ang mga mata. “You were saying, Eiji?” Napangiwi si Eiji. “No-nothing, Dylan… Don’t mind us.” “You better shut that mouth of yours up or you have another thing coming.” Napatango lang si Eiji at hindi na nga nakipag-usap kay Dennis. Tahimik lang sila hanggang sa makalabas na sila ng gym. “I really admire that friend of yours, Ruke. That kid… He is one of those people who can manipulate those two.” Tahimik lang si Ruke. Tinopak na naman talaga. “Anyway, we have a practice tomorrow, 6:00 am sharp. You can go home now.” “Thanks for the day!” Yan ang lagi naming sinasabi kapag uwian na. Isa-isa ng umalis ang mga players pagkatapos kunin ang kanilang mga gamit.

Pages: 1234567..7

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 06:50

[ 12 queries - 0.021 second ]
Privacy Policy